Wednesday , May 21 2025
Gladys Reyes

Gladys Reyes nakakuha ng 2 nominasyon sa 40th Star Awards for Movies

MA at PA
ni Rommel Placente

TATLONG nominasyon ang nakuha ni Gladys Reyes sa 40TH PMPC Star Awards For Movies, na gaganapin sa July 21 sa Henry Lee Irwin Theater sa Ateneo de Manila.

Nominado siya for Movie Actress of the Year para sa pelikulang Apag, na pinagbidahan nila ni Coco Martin. Nominado rin siya for Movie Supporting Actress of the Year para sa pelikulang Here Comes The Groom. At ang isa pang nominasyon niya, ay sa kategoryang Darling of the  Press, na ang mga kalaban niya ay sina Alden Richards, Gretchen Barretto,Liza Diño-Seguerra,Piolo Pascual,Ramon “Bong” Revilla, Jr., Rei Anicoche-Tan, at Robin Padilla.

In fairness, isa si Gladys sa mga artistang may pagmamahal at pagpapahalag sa press,hindi lang sa mga member ng PMPC, kaya na-nominate siya para sa Darling of The Press. 

Sa 1st Summer Film Festival 2023, ay si Gladys sa itinanghal na Best Actress dahil sa hindi matatawarang akting na ipinamalas niya sa Apag, na naging dahilan para mapansin din siya ng Star Awards  For Movies at na-nominate bilang Movie Actress of the Year.

Si Gladys din kaya ang tanghaling Movie Actress of the Year sa 4OTH Star Awards For Movies? ‘Yan ang ating aabangan.

Sa Movie Supporting Actress category, na napakahusay ni Gladys sa Here Comes The Groom, siya kaya ang paboran ng voting members ng PMPC? Maiuwi kaya niya ang Movie Supporting Actress  of the Year trophy ? ‘Yan din ang ating aabangan. Pero in fairness, napakahusay niya sa Here Comes The Groom, huh!.

About Rommel Placente

Check Also

Billy Crawford Nadine Lustre Janno Gibbs Arthur Nery Pops Fernandez

Billy puring-puri pagiging propesyonal, smart ni Nadine

RATED Rni Rommel Gonzales SI Billy Crawford muli ang host ng Season 3 ng Masked Singer Pilipinas na kasama …

Maja Salvador Emojination

Maja sa pagiging ina: masarap na pagod, worth it

RATED Rni Rommel Gonzales ISANG taon na sa May 31 si Maria, ang anak nina Maja Salvador at Rambo …

Carmi Martin Aki Blanco Jaime Fabregas Rosanna Hwang

Carmi nahanap ng produ sa kapitan ng barangay

RATED Rni Rommel Gonzales NAKATUTUWA ang kuwento kung paano nakuha si Carmi Martin para gumanap na Naty …

Eddys Speed

8th The EDDYS ng SPEEd sa Hulyo, 2025 aarangkada

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TIYAK na mas exciting at maningning ang 8th The EDDYS o Entertainment Editors’ Choice ngayong …

Sylvia Sanchez

Renoir ni Sylvia Sanchez binigyan ng standing ovation sa Cannes 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAPAKAINIT ng pagtanggap ng pelikulang ipinrodyus nina Sylvia Sanchez at Alemberg Ang sa ginaganap ngayong 78th …