Thursday , July 18 2024
Dingdong Dantes Aktor PH Tirso Cruz III

Dingdong tinutukan proseso sa pag-endoso kay Ate Vi

NAGING saksi kami mga ka-Hataw sa napakaraming proseso na pinagdaanan ng AKTOR.PH at mismong ni Dingdong Dantes.

Sa sobra niyang pagiging busy bilang actor-host, talagang never pumalya ng pakikipag-usap kahit sa zoom ang chairman ng Aktor.PH sa mga grupong nagbibigay sa kanya ng updates, higit sa lahat ng sangkaterbang dokumento mula pa noong 60’s hanggang 2023 tungkol lahat kay Vilma Santos.

At dito na nga pumasok ang hanay namin sa Core Group na nakikipag-ugnayan naman sa Vilmanians-Vilmates na may kanya-kanyang koleksiyon ng posters, photos, magazines, na-publish na movie reviews, articles mula sa mga nahirang na ring national artists. Mga video na galing pa sa iba’t ibang format ng teknolohiya, at mga koleksiyong maituturing ng “kayamanan” ng mga Vilmanian. Marahil nga kahit si Ate Vi mismo ay wala ng ganoong mga kopya na talagang ang mga solid supporter niya around the nation at ‘yung mga nasa abroad na ang nag-iingat sa mga baul nila.

Imagine, from the 60’s to 2023, need na updated ang mga record. 

Wow! matindi talaga ang pinagdaanan para lang may maipakitang mga resibo ‘ika nga.

Then, ‘yun na nga, sangkaterbang mga endorsement at messages of support na ang sumunod, if only to prove how Ate Vi is loved, cared for, respected and being seen as one true legend and icon sa industriyang ito at sa idolo sa buong bansa at ng buong mundo.

‘Yun na!

About Ambet Nabus

Check Also

Titus Low

Videos ni Titus Low pinagkakaguluhan ng mga beki

HATAWANni Ed de Leon NAGMUKHANG laos ang mga bagong BL films at BL internet series …

Barbie Forteza

Barbie dapat mabigyan ng magandang project

HATAWANni Ed de Leon NAGPUNTA kami sa isang malaking mall noong isang araw dahil may …

Priscilla tinapos relasyon kay John

HATAWANni Ed de Leon MUKHANG tinuldukan na nga ng modelo at international beauty queen na …

Vilma Santos

Nominasyon ni Vilma bilang National Artist haharangin daw

HATAWANni Ed de Leon MAY isa kaming kaibigan na nagsabing ano raw kaya ang magiging …

50th MMFF

Vic, Piolo, Vice movies pasok sa first batch ng 50th MMFF

MARICRIS VALDEZ INANUNSIYO na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Metro Manila Film Festival (MMFF) chairman na si Don …