SA MAIGTING na pagpapatupad ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Unit (SACLEO) ng Bulacan PPO, nasakote ang may kabuuang 20 indibidwal na pawang may mga paglabag sa batas nitong Sabado, 28 Enero. Batay sa ulat na isinumite kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, nadakip ang 11 personalidad sa droga sa mga serye ng anti-illegal drug operations na ikinasa …
Read More »Masonry Layout
Kaso ng batang namatay sa baril ng amang pulis patuloy na iniimbestigahan
HINDI pa tapos ang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) sa mga pangyayari na nagresulta sa pagkamatay ng 12-anyos batang lalaki sa lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan na nabaril ang sarili gamit ang baril ng ama na isang pulis. Ayon kay PNP PIO Chief P/Col. Red Maranan, iniimbestigahan nila kung ano ang pangyayari at kung …
Read More »Rider timbog sa ‘boga’ at ‘bato’
INARESTO ng mga awtoridad ang isang rider nang mahulihan ng hindi lisensiyadong baril at hinihinalang ilegal na droga sa nakalatag na checkpoint sa bayan ng Samal, lalawigan ng Bataan, nitong Biyernes, 27 Enero. Ayon kay P/BGen. Cesar Pasiwen, Regional Director ng PRO3, pinara ng checkpoint team ng Samal MPS ang suspek na kinilalang si Audie Maradial, 40 anyos, residente sa …
Read More »P1.7-M droga nasabat, 2 Nigerian national nalambat
NASAKOTE ng mga awtoridad ang dalawang Nigerian nationals matapos tangkaing magbenta ng ilegal na droga sa isang police poseur buyer sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga, nitong Sabado, 28 Enero. Kinilala ni PRO3 Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen ang mga suspek na sina Chekwbe Nnamani Sunday, alyas David, 28 anyos, kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Dau, Mabalacat, Pampanga; at Ifeanyi …
Read More »VAT Refund Program para sa dayuhang turista sa 2024, aprub kay FM Jr.
INAPROBAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapatupad ng Value-Added Tax (VAT) Refund Program para sa mga dayuhang turista pagsapit ng 2024 sa hangaring palakasin ang pagdating ng mga turista sa Filipinas. Sinabi ng Presidential Communications Office, ginawa ng Pangulo ang hakbang ayon sa rekomendasyon ng Private Sector Advisory Council (PSAC) tourism sector group. Nakatakdang maglabas si FM Jr. …
Read More »FM Jr., itigil pagkontra sa ICC probe sa Duterte drug war — CenterLaw
HINILING ng isang grupo ng mga abogado kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na itigil ang mga pagtatangka laban sa pagsisiyasat ng International Criminal Court (ICC) sa mga pagpatay sa mga operasyon ng ilegal na droga na isinagawa ng administrasyong Duterte. Sa isang kalatas, sinagot ng Center for International Law (CenterLaw) ang pahayag ni Solicitor General Menardo I. Guevarra na …
Read More »Mainlab sa 20th anniversary concert ni Christian Bautista handog ng Globe, NYMA, at Stages
ISANG unforgettable experience ang handog ni Christian Bautista sa kanyang fans kasabay ng pagdiriwang niya ng 20th anniversary, ang The Way You Look At Me concert na handog ng Globe, in collaboration sa NYMA at Stages na gagawin sa Samsung Performing Arts Theater sa January 28, 2023. Tiyak na lalong mai-inlab ang mga manonood ng concert ng Asia’s Romantic Balladeer dahil sa kanyang soulful at powerful voice at siyempre dahil …
Read More »Masculados muling paiingayin ng Marikit
NAGBABALIK ang grupong nagpa-uso ng awiting Jumbo Hotdog, ang Masculados at tiyak madalas na rin silang mapapanood dahil nasa pangangalaga na sila ng bagong tatag na management, ang Marikit Artist Management na pinamumunuan ni Joseph “Jojo” Aleta. Ang Masculados na ire-rebrand ng Marikit ay kinabibilangan ng mga dati at bagong miyembro. Sila ay sina Robin Robel, Enrico Mofar, Nico Cordova, Orlando Sol, David Karell, at Richard Yumul. Sa launching ng …
Read More »James Reid muling nag-sorry, concert sa North America ‘di matutuloy
HATAWANni Ed de Leon HUMIHINGI na naman ng paumahin si James Reid at humihingi ng pang-unawa dahil hindi na naman matutuloy ang sinasabi niyang North American concert tour. In the first place, mayroon na nga ba talagang arrangement o plano pa lang? Mukhang mahina ang kanyang production company sa ganyan, iyon nga lang music fest nila sa Cebu naging isang malaking disaster …
Read More »Health and wellness ng mga OWWA employee tututukan ni Admin Arnell
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang concern ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Arnell Ignacio hindi lang sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) na tinutulungan nila pero maging sa mga empleado ng kanyang departamento. Aminado si Arnell na 24 hrs halos o sobra-sobra sa walong oras ang inilalaan nilang oras para makapagtrabaho sa OWWA kaya naman apektado na ang kanilang kalusugan. …
Read More »DONGYAN binulabog ang Angeles; Beautéderm Corporate Headquarters pinasinayaan
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAGKA-TRAPIK-TRAPIK ang kahabaan ng Angeles City nang bumulaga sa pasinaya ng BeautedermCorporate Headquarters ang mag-asawand Dingdong Dantes at Marian Rivera. Idagdag pa na talagang game na game sa pagkaway ang DongYan sa mga dumaraan na sumisigaw ng kanilang pangalan. Sa humigit na isang dekada, nakuha ng Beautéderm ang tiwala ng milyon-milyong mga loyal consumer nito bilang isang industry leader sa …
Read More »DongYan at Ms. Rhea Tan, pinangunahan ang unveiling ng Beautéderm Corporate Headquarters
ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MATAGUMPAY ang ginanap na unveiling ng Beautéderm Corporate Headquarters. Pinangunahan ng Beautederm President at CEO na si Ms. Rhea Anicoche-Tan ang pagbubukas ng napakagandang building na naipundar niya mula sa kanyang blood, sweat and tears na resulta ng kanyang hard-work. Star-studded ang grang opening and ribbon-cutting ceremony nito at present ang ilan sa brand ambassadors ng Beautéderm na sina Zeinab Harake, Jelai Andres, Darla Sauler, Sunshine …
Read More »Bulacan cops ginunita ang Fallen SAF 44 sa National Day of Remembrance
PARA sa National Day of Remembrance ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF), ang Bulacan Police Provincial Office ay nagdaos ng Remembrance Ceremony kahapon, Enero 25, 2023, sa Camp General Alejo S Santos sa Lungsod ng Malolos, Bulacan, na may temang “Legacy of Heroes: Inspiration for Future Generations.” Ang wreath-laying ceremony ay pinangunahan ni Bulacan provincial director Police …
Read More »Puganteng rapist at kilabot na kawatan, timbog
Dalawang lalaki na kabilang sa most wanted person sa Bulacan ang magkasunod na naaresto sa patuloy na Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Unit (SACLEO) ng pulisya sa lalawigan kamakalawa. Batay sa ulat na ipinadala kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PNP, ang mga tauhan ng SJDM CPS ay arestado ang Most Wanted Person (MWP) sa city level ng …
Read More »Ika-5 suspek sa pagpatay sa 2 pulis sa Mabalacat, Pampanga, patay sa shootout
ANG ikalimang suspek at lider ng Flores group na pumatay sa dalawang anti-drug cops ng Mabalacat City Police Station noong nakaraang Disyembre 3, 2022 ay napatay sa pakikipagbarilan sa mga awtoridad nitong Miyerkules, Enero 25 sa Sitio Dungan, Brgy. Tabun, Mabalacat, Pampanga dakong alas- 3:40 ng madaling araw. Ayon kay PRO3 Regional Director PBGeneral Cesar R. Pasiwen, ang napatay na …
Read More »Zeinab kilig na kilig nang makaharap/mayakap si Marian
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SOBRA-SOBRA and saya at kilig ng content creator na si Zeinab Harake nang makadaupang palad niya ang idolong si Marian Rivera. Matagal nang pangarap ni Zeinab na makaharap ng personal, makilala ang misis ni Dingdong Dantes. At iyon ay natupad nang magkita sa grand opening ng Beautederm Corporate Center sa Angeles City, Pampanga na pag-aari ni Ms. Rhea Anicoche …
Read More »Toni naiyak sa mensahe ni PBBM
HINDI kami nagsisisi sa panonood ng I AM TONI G, ang 20th anniversary ni Toni Gonzaga sa showbiz. Bukod diyan ay kaarawan din niya noong Biyernes, January 20. Puno ang Smart Araneta Coliseum na ilang araw ang nakararaan ay mahina raw ang benta ng ticket at may mga nam-bash kay Toni. Pero nang mga huling araw ay biglang bumuhos ang mga bumili ng …
Read More »Jose Guilas ng PTV4 napansin ang galing, nominado sa 35th Star Awards
COOL JOE!ni Joe Barrameda MARAHIL iilan lang ang nakakikilala kay Jose Guilas, isa sa news anchor ng PTV4. At a young age ay nagsimula si Jose sa ABS CBN News Department as news researcher. Tapos nagkaroon ng magandang oportunidad, lumipat siya ng ABC5 with full blessing ng mga namumuno sa Kapamilya Network. Sa ABC5 ay nabigyan siya ng pagkakataong maging news reporter at kaya siya ay …
Read More »LA Santos nominado sa 35th Star Awards for TV
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MABAGAL man ang pag-usad ng career ni LA Santos maituturing na blessings pa rin ang unti-unting pag-arangkada nito. Considering na sa limang taon pa lamang sa industry ay marami-rami nang achievement ang nakakamit. Ito’y dahil na rin sa pagtitiyaga at sipag. Katunayan hindi naman siya nawawalan ng proyekto, mapa-acting o concerts local o abroad. At sa unang …
Read More »Wanted patay sa engkuwentro
Patay ang lalaking wanted sa kasong robbery nang manlaban sa mga awtoridad na aaresto sa kaniya sa Quezon City, Martes ng madaling araw. Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Holy Spirit Police Station 14, bandang 2:48 ng madaling araw (January 24), nang maganap ang engkwentro sa No. 56 Diego Silang St., Veterans Village, Brgy. Pasong Tamo, Quezon City. …
Read More »Sistema ng NAPOCOR, Paurong – HATAMAN
Dahil sa paulit-ulit na brownout sa Basilan at sa iba pang maliliit na isla sa bansa, minarapat ni Deputy Minority Leader and Basilan Rep. Mujiv Hataman na paimbestigahan ang National Power Corporation Small Power Utility Group (NPC-SPUG) na nangangasiwa dito. Ayon kay Hataman, napapanahon ng isisain ang ahensya kasunod ng abiso nitong hihina ang kuryente sa mga lugar na sineserbisyuhan …
Read More »Kulang na cold storage, sanhi ng pagtaas ng presyo ng sibuyas
ITINURO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kakulangan ng mga pasilidad ng cold chain na nakakaapekto sa suplay at presyo ng sibuyas. Sa isang pulong sa mga opisyal ng agrikultura sa Malacañang, iginiit ni FM Jr. ang pangangailangan ng industriya para sa higit pa sa mga pasilidad na iyon. “We need more cold storage, we need a better, stronger …
Read More »
Pimentel kay FM Jr.:
MAGTALAGA NG REGULAR AGRICULTURE SECRETARY
NANINIWALA si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III na pinahihirapan lang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang kanyang sarili sa pagtayo bilang agriculture secretary kaya dapat magtalaga na siya ng regular na kalihim ng kagawaran. Sinabi ni Pimentel, malaki ang magiging tulong nito sa pangulo at puwede naman niyang gawing prayoridad ang agrikultura ng bansa kahit hindi na siya ang …
Read More »‘Kristo’ tiklo sa buybust
HINDI nakapalag ang isang lalaki sa pag-aresto ng mga awtoridad nang masukol sa ikinasang drug buybust operation sa bahagi ng Mighty Rd., Brgy. Tikay, lungsod ng Malolos, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes ng gabi, 23 Enero. Ayon sa ulat mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), isinagawa ang operasyon ng magkasanib na mga elemento ng Special Operations Unit (SOU) …
Read More »Mommy Pinty emosyonal sa tagumpay ng concert ni Toni
MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang maging emosyonal ng ina ng ni Toni Gonzaga na si Mommy Pinty, isa rin sa producer ng concert ng anak sa matagumpay na resulta. Post ni Mommy Pinty sa kanyang Instagram, “I see God’s favor in your life today and declaring it in the future in Jesus Name. You are truly blessed love and highly favored! We are so proud …
Read More »