Saturday , January 3 2026

Masonry Layout

https://www.facebook.com/bingoplusph

P1.5-M shabu nasamsam sa babaeng tulak

IPRINESENTA sa media ni Quezon City District Director, Chief Supt. Richard Albano ang 670 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P1.5 milyon, nakompiska mula sa suspek na si Jody Daranciang, 30, ng 23-B, Road 10, Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City, ng mga operatiba ng District Anti-illegal Drugs – Special Operations Task Group (DAID-SOTG), sa pangunguna ni S/Insp. Roberto Razon, Sr. …

Read More »

Starlet nagbenta ng condo sa ospital

DUMIPENSA ang starlet na si Krista Miller kaugnay sa pagbisita niya sa Sputnik Gang leader at convicted drug lord na si Ricardo Camata sa Metropolitan Medical Center noong Mayo 31. Nalagay sa kontrobersya si Miller sa nabunyag na pagdalaw niya lalo’t isa si Camata sa tatlong high profile inmates sa New Bilibid Prison na dinala sa ospital nang walang pahintulot …

Read More »

Pamilya huli sa Marijuana

  ARESTADO ang walong miyembro ng pamilya Arabia makaraan mahuli sa aktong nagbabalot ng marijuana sa kanilang bahay sa Purok 1, Camarin, Caloocan City, sa isinagawang raid kamakalwa ng gabi ng mga operatiba ng NPD-District Special Operation Unit (DSOU). (ALEX MENDOZA) Arestado ang walong miyembro ng pamilya Arabia, nang maaktuhang nagre-repack ng pinatuyong marijuana sa kanilang bahay sa Purok 1, …

Read More »

Utol, misis ‘may relasyon’ inutas ni mister

INARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaki sa Mandaue City, Cebu dahil sa pagpatay sa kanyang misis at sariling kapatid dahil sa hinalang may relasyon ang dalawa. Natagpuan nitong Huwebes ang bangkay ni Ashela Antipuesto na may tama ng bala sa dibdib sa kanilang apartment. Kwento ng mga kapitbahay ni Antipuesto, narinig nilang nagtatalo ang biktima at ang mister niyang …

Read More »

3 anak ini-hostage ng amang ex-con

CEBU CITY – Tumagal ng siyam na oras ang ginawang negosasyon ng mga awtoridad sa isang ama na nang-hostage sa tatlo niyang mga anak sa Sitio Camalig Bato, Brgy. Tabok, Lungsod ng Danao, Cebu, simula kamakalawa ng gabi. Kinilala ang suspek na si Eduardito Durano, 49, walang trabaho, residente sa nasabing lugar at isang ex-convict. Ayon kay Sr. Insp. Cesar …

Read More »

Kapatid ng DILG R-12 official, 1 pa huli sa drug ops

KORONADAL CITY – Arestado sa drug buy bust operation ng mga awtoridad ang half brother ng opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG) Region 12 at isa pang pinaniniwalaang drug user/pusher, sa Prk. Pinagbuklod, Rizal Extension, Brgy. Zone 4, Lungsod ng Koronadal. Kinilala ang mga nahuli na sina Dominador Pasion Cabrido, Jr., half brother ni DILG-12 Assistant Regional …

Read More »

16.39% pumasang bagong pulis

UMABOT lang sa 2,070, o katumbas ng  16.39% ang pumasa sa mga kumuha sa Philippine National Police (PNP) Entrance Exam ng National Police Commission (NAPOLCOM). Ang nasabing resulta ay mula sa kabuuang 12,631 examinees sa katatapos na PNP entrance examination noong  Abril 27, 2014 sa iba’t ibang lugar sa bansa. Ani NAPOLCOM Vice-Chair and Executive Officer Eduardo Escueta, ayon ito …

Read More »

OWWA chief sinibak ni PNoy

SINIBAK ni Pangulong Benigno Aquino III si Carmelita Dimzon bilang administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ipinalit sa kanya si Labor Assistant Secretary Rebecca Calzado. Inihayag kahapon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte ang pagtalaga kay Calzado ngunit hindi niya binanggit ang dahilan sa pagtanggal kay Dimzon. Magugunitang sa administrasyon ni Dimzon ay nasangkot ang ilang welfare officers …

Read More »

Peste sa niyog kinasahan ng Palasyo

IPINALABAS ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kahapon ang Executive Order 169 para sa pagpapatupad ng emergency measures sa Region 4 o Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) at Basilan kasunod ng pananalasa ng coconut scale insect o peste sa niyog. Ang EO ay batay sa rekomendasyon ni Presidential Assistant on Food Security and Agriculture Modernization Francis Pangilinan. Sakaling hindi …

Read More »

Tsinoy todas sa ice pick

SAMPUNG tama ng saksak ng ice pick sa katawan ang tumapos sa buhay ng Filipino-Chinese nang pagtulu-ngan saksakin ng magka-patid sa Pasay City,   kama-kalawa ng gabi. Agad dinala sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Kristoffer Chan, 36,  emple-yado, ng 1745 Cuyegkeng St., pero namatay habang nilalapatan ng lunas ng mga doktor. Nasakote ng mga tauhan ng Station Investigation and …

Read More »

Mason patay sa atake sa puso

PATAY na nang makita ng kanyang kabaro, ang 49-anyos mason, hinalang  inatake sa puso sa loob ng barracks sa pinagtatrabahuhang konstruksiyon sa Sampaloc, Maynila iniulat kahapon Ayon kay SPO1 Rommel del Rosario, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, may anim oras nang patay ang biktimang si Samuel Rico Cubacub, ng 622 Cavo F. Sanchez , Mandaluyong City, bago natuklasan ng …

Read More »

Lover ni misis pinugutan ni mister

NANGHILAKBOT ang mga taong nakasaksi nang biglang tagpasin ng isang mister ang ulo ng isang lalaki na pinaghihinalaan niyang kalaguyo ng kanyang misis sa isang tindahan sa Sapang Palay, San Jose del Monte City, Bulacan kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Ronell Patangan, residente sa Magra Road, Brgy. Bagong Buhay, sa nasabing lugar. Ayon kay PO3 Christian Atendido, may …

Read More »

Starlet ‘date’ sa ospital ng drug lord

NATUKOY na ng Department of Justice (DoJ) kung sino ang sinasabing starlet na pinapasok sa hospital room ng convicted drug lord na si Ricardo Camata nang dalhin ang preso sa bahay pagamutan noong nakaraang buwan. Ayon kay Justice Undersecretary Francisco Baraan III, si Krista Miller ang dumalaw kay Camata noong Mayo 31 sa Metropolitan Hospital sa Maynila. Sinabi ni Baraan, …

Read More »

NBP jailguards isalang sa drug test

HINIKAYAT ni Senador Vicente “ Tito” Sotto III si Department of Justice ( DoJ) Secretary Leila de Lima na isalang sa drug test ang lahat ng jail guards ng Bureau of Correction sa New Bilibid Prison ( NBP) sa Muntinlupa City. Ginawa ni Sen. Sotto ang pahayag makaraan mapag-alaman na tuloy pa rin ang aktibidades ng illegal na droga sa …

Read More »

Antipolo urban poor leader todas sa ambush

RIZAL – Patay ang isang urban poor leader makaraan tambangan habang sakay ng motorsiklo sa Antipolo City kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Antipolo City Police chief, Supt. Arthur Masungsong ang biktimang si Francisco Abad alyas Ka Muchoy, 60, residente ng Sitio Mabolo, Brgy. Mambugan ng nasabing lungsod. Habang kaswal na naglakad lamang ang suspek makaraan siguruhing patay na ang urban …

Read More »

P112-M Grand Lotto wala pa rin nanalo

PUMAPALO na sa P112,847,496 ang pot money sa 6/55 Grand Lotto ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO). Gayonman, wala pa rin nananalo sa nasabing halaga dahil hindi pa natumbok ng mga tumataya ang number combination na 11-28-08-33-24-14. Dahil dito, maaari pang lumaki ang mapapanalunan ng mga bettor sa sumusunod na mga araw. Ayon kay PCSO General Manager Ferdinand Rojas II, …

Read More »

Tsinoy trader, 2 pa dinukot sa Tawi-tawi

ZAMBOANGA CITY – Patuloy ang paghahanap sa Filipino-Chinese businessman, kanyang anak at isa pang kamag-anak na dinukot sa Brgy. Chinese Pier sa Bongao, Tawi-Tawi. Kinilala ang mga biktimang si Joseph Bani, 41; anak niyang si Joshua, 21; at kamag-anak na si Hajan Terong, 51. Ayon sa maybahay ni Terong na si Elizabeth, noong Lunes pa nawawala ang mga biktima ngunit …

Read More »

13-anyos tiklo sa bigong rape sa masahistang bulag

DAGUPAN CITY – Inireklamo ng isang bulag na masahista ang 13-anyos binatilyo makaraan ang tangkang pagsasamantala sa Lungsod ng Dagupan. Ayon sa biktima na hindi na nagpabanggit ng pangalan at nagtratrabaho sa isang mall sa Arellano sa nasabing lungsod, inalok siya ng lalaki ng P500 kapalit ng pakikipagtalik sa kanya. Una rito, lumapit ang binatilyong suspek sa biktima at nagsabing …

Read More »

Andrea Rosal ibinalik sa kulungan

IBINALIK na sa kulungan sa Taguig City si Andrea Rosal, anak ng yumaong tagapagsalita ng Communist Party of the Philippines na si Gregorio “Ka Roger” Rosal, makaraan ang dalawang linggong pananatili sa Philippine General Hospital (PGH) dahil sa panganganak. Dakong 7:20 p.m. kamakalawa nang ibalik si Rosal sa kanyang kulungan sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City. Si Rosal ay …

Read More »

26 sugatan sa karambola ng 4 sasakyan

SUGATAN ang 26 katao nang magkarambola ang apat na sasakyan sa kahabaan ng South Luzon Expressway (SLEX) sa nasasakupan ng Taguig City kamakalawa ng gabi. Dinala sa Parañaque Doctors Hospital, Taguig-Peteros District Hospital at Medical City Hospital ang 26 biktimang pawang pasahero ng Cher Bus (TYM-473) at Toyota Hi-Ace Grandia (NOH-605). Habang nasa kustodiya ng Highway Patrol Group (HPG-SLEX), ang …

Read More »

Barangay official utas sa tambang

WALANG-awang pinagbabaril  hanggang mapatay ang isang 60-anyos opisyal ng barangay ng hindi nakilalang suspek habang naglalakad sa Caloocan City kamakalawa ng umaga. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Nida Geniebla, maintenance staff ng Brgy. 178, at residente #1335 San Isidro, Kiko Road, Camarin ng nasabing barangay, sanhi ng maraming tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril …

Read More »

Drama ni Cam vs De Lima ‘di kinagat ng Palasyo

HINDI pumatok sa Palasyo ang drama ng whistleblower na si Sandra Cam sa pagharang sa kompirmasyon ni Justice Secretary Leila de Lima sa Commission on Appointments (CA) kahapon. Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, lahat ng alegasyon ni Cam laban kay De Lima ay nasagot ng justice secretary, gaya ng sinasabing pagbalewala sa impormasyon na tumakas palabas ng bansa ang …

Read More »

6 paslit nasagip sa gay bar

Nasagip ng National Bureau of Investigation (NBI) ang anim na menor de edad sa isang gay bar sa Quezon City, Miyerkoles ng madaling araw. Lima ang lalaki at isang babae may edad 10, 14, 11 at lima, ang nailigtas mula sa Matikas Entertainment Bar sa kanto ng Roosevelt at Quezon avenues. Ayon kay Salve Sion, spokesperson ng human trafficking division …

Read More »
Krystall Herbal Products and FGO Branches