Sunday , December 14 2025

TimeLine Layout

January, 2016

  • 6 January

    Replica ng Poong Nazareno ipuprusisyon (Ilang kalye isasara)

    ISASARA ang ilang kalye sa Maynila para sa prusisyon ng mga replika ng Poong Nazareno sa Enero 7. Sa abisong inilabas ng Manila Police District Traffic Enforcement Unit (MPD-TEU), magsisimula ang prusisyon sa Plaza Miranda, babagtasin nito ang Villalobos St., kakaliwa sa Quezon Blvd., kakanan sa C.M. Recto, kakanan sa Loyola St., kakaliwa sa Guzman St., kakanan sa R. Hidalgo …

    Read More »
  • 6 January

    Ampon na 9-anyos nagbigti (Binantaang isasauli sa magulang)

    ILOILO CITY – Nagbigti ang isang 9-anyos batang lalaki makaraang bantaan ng ginang na umampon sa kanya na ibabalik sa kanyang tunay na mga magulang makaraang nakawin ang cellphone ng kanilang kapitbahay kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Joseph Jimenez, Grade 3 pupil sa Dacutan Elementary School, Dacutan, Dumangas, Iloilo, natagpuang nakabigti sa labas ng comfort room ng kanilang bahay. Sa …

    Read More »
  • 6 January

    Tserman patay, asawang principal sugatan sa ambush (Sa Cotabato)

    PIKIT, NORTH COTABATO – Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang barangay chairman nang tambangan ng riding-in-tandem suspects sa probinsya ng Cotabato kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Pecson Alang Mangansakan, Brgy. Chairman ng Brgy. Silik Pikit North Cotabato, tiyuhin ni Pikit Vice-Mayor Don Mangansakan. Habang nadaplisan ng bala sa katawan ang maybahay niyang si Marela Mangansakan, principal ng …

    Read More »
  • 6 January

    7 sugatan sa karambola ng 6 sasakyan

    PITO ang sugatan sa karambola ng anim na sasakyan sa northbound lane ng EDSA Guadalupe, nitong Martes ng umaga. Sangkot sa karambola ang dalawang bus, isang taxi, at tatlong jeep. Sa paunang imbestigasyon, nawalan ng preno ang isang bus ng Roval Transport na biyaheng Muntinlupa-Valenzuela. Dahil dito, sumalpok ito sa jeep na nasa unahan. Bumangga ang jeep sa isa pang …

    Read More »
  • 6 January

    Guro sa Leyte, patay sa saksak ng ex-BF (Sa labas ng classroom)

      TACLOBAN CITY- Naglunsad na ng manhunt operation ang mga pulis ng Maasin City laban sa ex-boyfriend na suspek sa pagpatay sa isang guro sa labas mismo ng silid-aralan sa Libertad Elementary School kamakalawa. Ayon kay Supt. Avelino B. Doncillo, hepe ng Maasin PNP, kinilala ang biktimang si Angelica Miole, 23, Grade 5 teacher at residente ng Brgy. Bactul II, …

    Read More »
  • 6 January

    Senate probe sa ‘SAF 44’ muling bubuksan sa Jan. 25

    SA mismong unang anibersaryo ng Mamasapano massacre, muling bubuksan ng Senado ang imbestigasyon kaugnay ng kontrobersiyal na pagkamatay ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF). Ayon kay Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs committee chairman, Senator Grace Poe, dakong 10 a.m. ng Enero 25 siya muling magpapatawag ng pagdinig sa isyung kinasasangkutan ng Moro Islamic Liberation Front …

    Read More »
  • 6 January

    3 DQ cases vs Duterte iko-consolidate

    IKO-CONSOLIDATE ng Comelec ang tatlong disqualification cases na inihain laban kay presidential candidate at Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, lahat ng mga kaso ay hahawakan ng Comelec first division. Sa ganitong paraan aniya ay mas mapabibilis ang pagdinig sa mga kaso. Paliwanag niya, magkakapareho ang nilalaman ng tatlong reklamo kaya walang magiging problema sa …

    Read More »
  • 6 January

    Ex-Leyte mayor et al kinasuhan ng graft sa Omb.

    TACLOBAN CITY – Nahaharap sa kasong graft sa Ombudsman ang dating alkalde sa bayan ng Mc Arthur, Leyte. Inihain ang kaso sa Office of the Ombudsman dahil sa ilegal na withdrawal ng P355,000 para sa overtime pay mula taon 2002 hanggang 2004. Bukod kay dating Mayor Leonardo Leria, pinangalanan din ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang iba pang haharap sa kasong …

    Read More »
  • 6 January

    Macau OFW timbog sa bala

    NAUNSIYAMI ang pagpunta sa Macau ng isang manggagawang Pinay matapos matambad sa X-ray scanner ang bala ng kalibre .45 baril sa kanyang bag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kahapon. Kahit maraming balita tungkol sa nakukuhang bala sa mga bagahe ng pasahero, hindi naging maingat si Gina Maliwat, 34, ng Talavera, Nueva Ecija, at nakitaan ng bala sa loob ng …

    Read More »
  • 6 January

    Sex toys, porn DVDs nakompiska sa Bilibid

    MULING nakakuha ang raiding team ng Bureau of Corrections (BuCor) ng mga kontrabando sa ika-11 “Oplan Galugad Operation” kabilang ang sex toys at pornographic DVDs, sa New Bilibid Prisons (NBP) kahapon sa Muntinlupa City. Sinabi ni BuCor Director Ricardo Rainier Cruz III, muli silang magsagawa ng “Oplan Galugad” sa loob ng 4th quadrant ng main penitentiary, sa buildings 2, 5 at  8, dakong 5:30 …

    Read More »