Sex toys, porn DVDs nakompiska sa Bilibid

MULING nakakuha ang raiding team ng Bureau of Corrections (BuCor) ng mga kontrabando sa ika-11 “Oplan Galugad Operation” kabilang ang sex toys at pornographic DVDs, sa New Bilibid Prisons (NBP) kahapon sa Muntinlupa City.

Sinabi ni BuCor Director Ricardo Rainier Cruz III, muli silang magsagawa ng “Oplan Galugad” sa loob ng 4th quadrant ng main penitentiary, sa buildings 2, 5 at  8, dakong 5:30 a.m.

Nakompiska ng raiding team ng BuCor sa pamumuno nina Cruz at NBP Supt. Richard Schwarzkopf Jr., ang sex toys, pornographic DVDs, air-conditioning units, refrigerators, water dispenser, cellphones at mga patalim.

Sa isang nakuhang cellphone ay nakita ang isang mensahe mula sa text na warning kaugnay sa isasagawang raid.