Sunday , November 17 2024

Classic Layout

P25-M shabu nasamsam sa 2 tsekwa

UMABOT sa P25 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa isang buy bust operation ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) laban sa dalawang Chinese national na sinabing bigtime drug trafficker kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni Insp. Roberto Razon, QCPD District Anti-Illegal Drugs (DAID) chief, kay Supt. Richard Albano, QCPD Director, kinilala ang mga nadakip na sina …

Read More »

3 bagman ‘kabit’sa ofis ni PNoy, Ochoa (Sa P10-B pork barrel scam)

MARIING pinabulaanan ng Malacañang ang report na mayroong tatlong babaeng tumatayong “bagman” ng Palasyo sa isyu ng pork barrel scam ni Janet Lim-Napoles. Batay sa report, lumutang ang pangalang Rochelle Ahoro na konektado kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino, Odette Ong na nagtratrabaho sa Office of the President, at si Mary Antoinette Lucile Ortile na konektado sa tanggapan ng Executive Secretary. …

Read More »

Abad inabswelto sa Pork Scam

ABSWELTO pa rin sa Palasyo si Budget Secretary Florencio Abad sa pork barrel scam dahil lingid daw sa kaalaman ng publiko, siya ang repormista sa administrasyong Aquino. “Butch Abad is a reformist in government. A number of reforms that he is… These reforms that he has been doing in the Budget is not sexy in the sense that — it’s …

Read More »

Kapalaran ni Erap nasa kamay ng SC-Dirty Harry

IPINAUUBAYA na ni dating Manila Mayor Alfredo Lim sa Korte Suprema ang kapalaran ni dating pangulo at ngayon Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada. Sakay ng taxi, naka-dilaw na t-shirt, walang bodyguard nang dumating si Mayor Lim sa lingguhang “Tapatan sa Aristocrat Forum” sa Malate, Maynila, kamakalawa. Tumangging magpalawig si Lim nang tanungin hinggil sa disqualification case laban kay Estrada. “Bahala …

Read More »

Blacklist sa ospital ipatutupad ng PhilHealth (Bwelta sa PHAP)

BINIGYANG-DIIN ni PhilHealth President/CEO Alex Padilla na hindi kinakatawan ni Dr. Rustico Jimenez ang buong Private Hospitals Association of the Philippines (PHAP). Sa harap ito nang banta ni Jimenez na maaaring hindi na kilalanin ng kanilang mga miyembro ang PhilHealth card ng mga pasyente kung hindi mababayaran ng PhilHealth ang pagkakautang sa mga pagamutan. Sinabi ni Padilla, katunayan ay itinanggi …

Read More »

Bangkay ng bebot hubo’t hubad sa ilog

ROXAS CITY – Patuloy ang imbestigayon ng pulisya sa pagpatay sa isang 18-anyos babae na natagpuang hubo’t hubad ang bangkay sa Brgy. Goce President Roxas, Capiz kamakalawa. Ang biktimang si Maricel Telesforo ay huling nakita sa sayawan noong gabi bago siya natagpuang walang buhay. Natagpuang nakahiga sa batuhing bahagi ng ilog, may sugat sa ulo sanhi ng pagpukpok ng bato …

Read More »

P1-M cash, alahas nasikwat sa Japayuki

Tinatayang mahigit P1 milyong halaga ng cash, alahas at iba pang gamit ang natangay ng magnanakaw sa bahay ng isang dating entertainer sa Japan sa Sampaloc, Maynila. Sa salaysay ng biktimang nagpatago sa pangalang “Candy,” nagsimba siya kasama ang ilang kaibigan pero pagbalik niya, nagulat siya nang makitang sira na ang lock ng pinto ng kanyang bahay. Bagamat bukas na …

Read More »

3-anyos nalunod sa septic tank

BUTUAN CITY – Patay ang isang 3-anyos batang lalaki nang mahulog at malunod sa septic tank sa Brgy. Obrero sa Butuan City kamakalawa. Ayon kay PO2 Angeles Dolesen ng Butuan City Police Station 1, dakong 6 p.m. pag-uwi ng amang si Jonahan Yongco, Sr., agad niyang hinanap ang bunsong anak na si JM Yongco. Ipina-blotter niya ang pagkawala ng anak …

Read More »

Bulakenyo, kinondena ang gobernador sa kasong graft

MALOLOS, Bulacan–Kinondena ng mga Bulakenyo si Governor Wilhelmino Sy-Alvarado dahil sa sinasabing multi-milyong anomalya sa paglustay sa pondo ng Pamahalaang Panlalawigan matapos kasuhan ng graft and corruption at plunder sa Office of the Ombudsman kamakailan. Hinamon ng Kilusan Laban sa Korapsyon sa Pamahalaan (KLKP-Bulacan Chapter) si Alvarado na patunayan na mali ang Commission on Audit ( COA) sa kanilang nabulgar …

Read More »

Malolos City Hall employee, kinasuhan ng P2-M libel suit ng alkalde

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan–Sinampahan ni Mayor Christian D. Natividad ng kasong libelo ang isang city hall employee nitong nakaraang Mayo 9 sa opisina ng City Prosecutor’s Office. Nahaharap sa P2-milyong libel case na isinampa ni Natividad si Marilyn Bernardo, kawani ng Pamahalaang Panglunsod ng Malolos at residente ng 252 Tabing-Ilog, Brgy. Longos, Malolos City. Nag-ugat ang libel case na isinampa …

Read More »