Thursday , June 4 2026

Bahay ang kailangan at ‘di bagong airport

00 aksyon almarHALAGANG P12 bilyon ang panibagong airport na gustong ipatayo ni PNoy sa lalawigan ng Leyte.

Ha! Hindi ba’t mayroon nang malaking paliparan sa lungsod ng Tacloban.

Tama kayo d’yan pero nais niyang tanggalin ang paliparan sa Tacloban. Bakit? Dahil ba kalaban nila sa politika ang magaling na alkalde rito, si Mayor Romualdez? Hindi naman daw kundi trip lang ng gobyerno ang magpatayo ng bago este, mali kundi magpapagawa ng mas maayos sa ibang bayan ng Leyte. Ganun ba?

Hindi nga ba politika ang ugat ng plano? Matatandaan noong nagtalo at nagkasagutan si Interior Secretary Mar Roxas, ang kulelat na presidential candidate ni PNoy sa 2016, at Mayor Romualdez kaugnay sa pagtulong sa mga nasalanta ni Yolanda noong Nobyembre 8, 2013 — ang pahayag na “Alalahanin ninyo na Romuladez kayo at ang Pangulo ay Aquino.”

Hidni kaya ‘yng pagtatalo ng dalawa kaya tila tablado sa national government ang Tacloban?

Hay, ano pa man ay huwag sana idamay ng Palasyo ang mamamayan ng Tacloban. Pero hindi nga ba pinababayaan ng gobyernong PNoy ang lungsod?

Hindi naman, kaya lang matagal ang progreso ng pagtulong dito kaya hayun, komento ang mamamayan ng Tacloban, dahil sa tadong politikahan na iyan.

Sabi ng Palasyo, wala naman daw talagang halong politika pero wala nga ba? ‘E ‘di ba hindi man lang sumilip si PNoy sa Tacloban sa paggunita sa pagsalanta ni Yolanda nitong nakaraang Biyernes? Ano raw kasi, hindi naman daw Tacloban ang unang dinaanan ni Yolanda kundi ang Guinobatan o dito ang landfall ng bagyo.

Ayos sa dahilan ano kahit na Tacloban naman ang pinakagrabeng sinalanta. Ang talino mo talaga PNoy maging ng mga pulpol mong advisers. Mabuhay ka!

Ibang klaseng pangulo ka talaga.

Pero ‘yun ba ang totoong dahilan ng hindi pagbisita sa mamamayan ng Tacloban? Ang totoo marahil niyan ay para maitago sa mundo na halos wala pang nagagawa ang gobyerno para sa mga pabahay sa mga biktima habang ang iba’t ibang NGOs ay napakarami nang nagawa.

Ngayon, ang gusto ng gobyerno ay P12 bilyong bagong airport kapalit ng airport sa Tacloban. Napapanahon ba ito? Hindi ba mas maganda na unahin muna ang mga pabahay? Dami pang natutulog sa tent. Hindi lang daan-daang kundi libo-libo pa. Tapos uunahin pa ang bagong airport dahil lamang sa away politika.

Anong klaseng gobyerno mayroon tayo. Isang matalinong gobyerno. Kakaiba talaga… saan nga ba napunta ang milyones na donasyon ng iba’t ibang bansa sa bansa natin na para sa Yolanda victims?

Almar Danguilan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …