NAALALA ba ninyo ang naisulat natin na insidente tungkol sa isang Bombay na natimbog ng mga taga-Bureau of Immigration (BI) sa pagtatangkang pumuslit papasok ng bansa sa pamamagitan ng pagsusuot ng Airport ID at reflectorized vest, gaya sa isinusuot ng air traffic controllers?
Nangyari ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3, dalawang linggo na ang nakalilipas.
Kinilala ng BI ang Indian national na isang Sevah Singh, dumating sa bansa sakay ng Cathay Pacific flight number CX912 mula Hong Kong bago mananghali dalawang Martes na ang nakararaan.
Nagderederetso si Singh sa personnel exit sa NAIA Immigration area pero nasabat at nasita nina Immigration officers Arneliza Parungo at Jeathone Largo nang mapansin nilang kakaiba ang ikinikilos nito.
Nakita nga siyang nakasuot ng Airport ID at reflectorized vest, gaya sa isinusuot ng air traffic controllers.
Nang sitahin at tanungin ng dalawang IO ang kambing ‘este Bombay kung tapos na ang trabaho niya, hindi makasagot kaya nagduda sila at nilapitan.
Laking gulat ng dalawang IO dahil Bombay pala ‘yung kamote na naka-disguise na air traffic controller.
Sa imbestigasyon, nabatid na si Singh ay ini-eskortan ng isang dating Cebu Pacific Air employee na kinilalang si Ronnie Ballesteros. Napansin agad ng BI na walang arrival stamp ang pasaporte ni Singh at peke ang entry visa.
Pinapurihan ni Immigration Commissioner Siegfred Mison ang dalawang IO na nakasita at nakatimbog kay Singh at sinampahan na rin ng kaso ang dating Cebu Pac employee.
Ito ngayon ang tanong, sino at nasaan ‘yung Immigration INTEL OFFICER na nakita sa cellphone ni Ballesteros na ka-text niya!?
Lumabas daw kasi sa imbestigasyon na kinompiska ng mga awtoridad ang cellphone ni Ballesteros at doon nabisto na mayroon siyang ka-text na isang BI INTEL officer.
Naimbestigahan o nakasuhan ba ang nasabing lntel agent?! Kasama ba siya sa sinampahan ng kaso o nagpapalamig-lamig lang sa BI main office?!
Ano kaya ang masasabi ni Intel officer JED ANTONIO sa isyung ito?
Just asking lang po…