Thursday , June 4 2026

Patutsada ni Romualdez niresbakan ni Lacson (Sa Yolanda rehab)

111114 lacson romualdezBINUWELTAHAN ni Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery (OPARR) Panfilo Lacson si Mayor Alfred Romualdez sa mga naging banat sa National Government kaugnay nang mabagal na aksyon sa Tacloban City na labis na sinalanta ng bagyong Yolanda noong nakaraang taon.

Sa isinagawang Yolanda report sa PICC, Pasay City kahapon, sinabi ng Rehabilitation Czar, nasa namumuno ng Tacloban ang problema kung bakit mabagal ang rehabilitasyon dahil sa attitude at kawalan ng political will.

Aniya, sinabi ni Romualdez na wala silang natatanggap kahit isang sentimong tulong samantala napakalaki aniya ng share ng Tacloban sa malaking pondong ini-release ng National Government para sa mga sinalanta ng bagyo.

Sa ngayon ay aabot na aniya sa P6.1 bilyon ang naibuhos sa naturang siyudad habang mahigit 80% ng P285-milyon tulong mula sa DILG ang inilaan din sa lugar.

Bukod dito ay nagbigay rin ng 6 months advance ng Internal Revenue Allotment (IRA) ang National Government ngunit tinanggihan lamang ni Romualdez kahit siya talaga ang unang nag-request nito.

Binatikos din ni Lacson si Romualdez sa pagsuporta sa anti-government protest sa Tacloban at nakita ang mga truck nito na naghahakot ng mga nagra-rally at nakita rin ang mga placard sa City Hall.

Sa huli, inamin ni Lacson na malayo pa sa ganap na pagtatapos ng rehabilitas-yon ang kanilang ginagawa ngayon. Marami pa aniyang kailangang gawin upang matapos ang lahat.

 

Batikos ni Lacson may basbas ni Pnoy

MAY basbas ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagbatikos ni Presidential Advi-ser on Rehabilitation and Recovery (PARR) Panfilo Lacson kay Tacloban City Ma-yor Alfred Romualdez na panay aniya ang reklamo ngunit P6 bilyon ang ‘sinandok’ sa Yolanda rehab funds.

Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., sa ginanap na special cabinet meeting on Yolanda kamakailan, iniha-yag ni Lacson sa Pangulo ang kanyang mga obserbasyon sa recovery and rehab efforts sa Tacloban City bago inihayag sa publiko ang Yolanda report.

“At the sidelines of the special cabinet meeting on the ‘Yolanda’ Comprehensive Rehabilitation and Recovery Plan (CRRP) implementation last week, Secretary Lacson already shared with the President his observations on the recovery and rehabilitation efforts in Tacloban City that he amplified upon further in his statements this morning,” ani Coloma.

Rose Novenario

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …