SA patuloy na pagsirit ng presyo ng bigas sa bansa, nabunyag sa pangalawang pagkakataon ang umano’y paglilihim at pagpapatumpik-tumpik ng Department of Agriculture (DA) at National Food Authority (NFA) sa mga rekomendasyon ng ibang kagawaran ng pamahalaan na ‘di umaayon sa mga polisiya ng dalawang ahensya. Nitong Miyerkoles, inamin ng isang miyembro ng NFA Council na hindi sila binigyan ng …
Read More »Blog Layout
Importer ng Canadian garbage, kinasuhan ng BoC
Muling pinatunayan ng Bureau of Customs (BoC) na desidido ang ahensiya na panagutin ang mga sangkot sa smuggling sa bansa matapos pormal na kasuhan kahapon sa Department of Justice (DOJ) ang importer ng nasabat na 50 container vans ng basura mula Canada. Ang importer na si Adelfa Eduardo, may-ari ng Chronic Plastics na nakabase sa Canumay, Valenzuela City at ang …
Read More »Online libel ng SC tutulan — Miriam (Panawagan sa netizens)
NANAWAGAN si Senadora Miriam Defensor-Santiago sa netizens kahapon na umaksyon laban sa aniya’y “erroneous” decision ng Supreme Court na pagpagpapatibay sa konstitusyonalidad ng online libel. Sinabi ni Santiago, dapat maghain ng motion for reconsideration laban sa online libel o magpasa ang Senado ng bagong Anti-Cybercrime measure na magbabaliktad sa epekto ng desisyon ng SC. Alin man sa dalawang ito, tiniyak …
Read More »Mansyon ni Mommy D nilooban ng kaanak’
NILOOBAN ng dalawang lalaki ang mansyon ni Dionisia Pacquiao sa General Santos City kahapon ng umaga. Isa sa mga suspek na si Richard Chato ay suga-tan makaraang barilin ng isa sa mga bodyguard ni Pacquiao. Nadakip din ang isa pang suspek na si Renil Bendoy. Ang mga suspek na sinasabing kamag-anak ni Pacquiao ay nahuli sa akto habang nagnanakaw ng …
Read More »Bail appeal ni GMA ibinasura
IBINASURA ng Sandiganbayan ang latest motion for bail ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, kaugnay sa kinakaharap na plunder case. Sa ipinalabas na desisyon, hindi pinagbigyan ng anti-graft court ang motion for reconsideration ni Ginang Arroyo na mapayagan si-yang makapaglagak ng piyansa dahil sa kanyang karamdaman at wala siyang balak na magtago sa batas. Ang dating …
Read More »John Lloyd naaksidente sa shooting
ISINUGOD sa pagamutan ang aktor na si John Lloyd Cruz kahapon makaraan maaksidente sa Mount Pinatubo habang nagso-shooting sa bagong station ID ng ABS-CBN. Ayon sa ulat, sakay ang aktor ng biseklita at nang iwasan ang lubak ay bigla siyang bumagsak na una ang mukha. Nasugatan si Cruz sa kaliwang nostril at sinasabing may nakapasok na bato sa kanyang ilong. …
Read More »Mag-ina kinatay, sinilaban sa Pampanga
NATAGPUANG wala nang buhay ang mag-ina sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Pulungmasle, Guagua, Pampanga kamakalawa ng gabi. Ayon kay Chief Supt. Raul Petrasana ng PNP Region 3, ang sunog na bangkay ni Adelaide Santos, 67, dating guro, ang unang natagpuan sa likod ng kanilang bahay. Habang natagpuan ang duguang bangkay ng kanyang anak na si Ivy, 29, sa …
Read More »Napoles kakanta sa 2016 — Trillanes
INIHAYAG ni Senador Antonio Trillanes IV na posibleng hintayin muna ni pork barrel scam mastermind Janet Lim Napoles ang resulta ng 2016 presidential polls bago siya magsasalita kaugnay sa PDAF scam. Sinabi ni Trillanes, naniniwala siyang nag-iingat si Napoles sa pagbanggit sa mga indibidwal na kanyang nakatransaksyon, dahil may posibilidad na ang mga maaakusahan o kanilang alyado ay manatili sa …
Read More »5-anyos inihulog ng ina sa septic tank (Ama iniimbestigahan din)
CAGAYAN DE ORO CITY – Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang ina na itinuturong responsable sa pagpatay ng sarili niyang anak na inihulog sa septic tank sa Brgy. Pagalungan sa lungsod ng Cagayan de Oro. Kinilala ang biktimang si Angel Bahian, 5, residente sa nasabing lugar. Inihayag ni S/Insp. Erickson Sabanal, hepe ng Lumbia Police Station, mismong ang ama ng bata …
Read More »Chinese herbal doctor kinatay sa Binondo
PATAY ang Chinese herbal doctor makaraang saksakin sa Binondo, Maynila kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktimang si Lam Hao Fai, natagpuang patay sa loob ng kanyang klinika sa Camelot Building sa Juan Luna Street dakong 10 pm na nakatarak pa ang patalim sa kanyang dibdib. Walang palatandaan ng forced entry sa klinika ng doktor at wala rin nai-ulat na nawawalang …
Read More »