HINARANG ng mga pulis ang grupo ng Anakpawis na nagkilos-protesta sa harap ng Supreme Court, at iginiit ang pagpapatalsik kay Pangulong Benigno Aquino III na tinagurian nilang pork barrel king, bunsod ng ipinatupad na Disbursement Acceleration Pr ogram (DAP). (BONG SON) TIKOM ang bibig ng Palasyo sa naging desisyon ng Korte Suprema kahapon na unconstitutional ang ilang bahagi ng kontrobersiyal …
Read More »Blog Layout
Nora Aunor drug convict (Kaya ‘di pwedeng National Artist)
INAMIN ni Pangulong Benigno Aquino III kahapon, ang kaso sa illegal drugs sa Amerika na kinasangkutan ni Nora Aunor ang dahilan kaya hindi niya idineklarang National Artist ang aktres. “Sa aking pananaw ang National Artist … iyong binibigyan natin ng honor na ito, puri na ganito, dahil gusto natin sabihin malaki ang inambag sa lahing Filipino at dapat tularan. Ngayon …
Read More »‘Happy hour’ sa Crame tatapusin
TAHASANG sinabi ng Malacañang na dapat nang tapusin ang tinaguriang nagaganap na ‘happy hour’ sa selda ng pork senators sa PNP Custodial Center. Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi ito katanggap-tanggap at dapat masunod ang patakaran sa pagdalaw. Bilang na aniya ang araw ng pagkain nila nang espesyal at masasarap na pagkain dahil dapat ipatupad ang patakaran sa ordinaryong …
Read More »Playboy itinumba ng tandem
PATAY ang isang palikerong lalaki makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang riding in tandem kamakalawa ng gabi sa Caloocan City. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Edison Gomez, 27, ng 661 Bo. Concepcion Dulo, Tala ng nasabing lungsod. Sa ulat ni SPO2 Constantino Guererro, dakong 8:30 p.m. nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Phase 7-B, Package 2, Block 41, …
Read More »Nationwide quake drills kasado na
NAGSAGAWA ng earthquake drill ang mga mag-aaral ng Libis Elementary School sa Brgy. Blue Ridge A, Quezon City bilang paghahanda sa posibleng maganap na malakas na lindol. (RAMON ESTABAYA) BILANG paggunita sa National Disaster Consciousness Month, magsasagawa ngayon araw ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng nationwide simultaneous earthquake drill. Ayon kay NDRRMC administrator at Office of …
Read More »Barangay caretaker tinodas
PATAY ang isang 32-anyos barangay caretaker makaraan barilin ng hindi nakilalang suspek habang nakatayo sa isang gate sa Parola Compound,Tondo. Maynila kamakalawa. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Dexter Galla, barangay maintainance ng Brgy. 20, Zone 2, District 1, ng Area A, Gate 4, Parola Compound. Inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek na mabilis na tumakas. Sa imbestigasyon …
Read More »Poste sinalpok ng trak, 4 tigbak
APAT katao, kabilang ang mag-ama, ang namatay nang bumangga sa poste ang sinasakyang truck sa Diadi, Nueva Vizcaya kamakalawa. Kinilala ang mga namatay na sina Jonathan Camba, anak niyang si Dan Nathaniel; pahinanteng si Edmar Reyes, at ang nag-aabang sa waiting shed na si Jose Rivera. Sugatan din ang mga binatilyong kasama ng mga nasa truck na sina John Mark …
Read More »Fetus inilaglag itinapon, ina timbog
GENERAL SANTOS CITY – Ikinostudiya ng CSWD at pulisya si Mary Ann Meliton, ang 20-anyos ina ng fetus na itinapon at natagpuan kamakalawa sa damuhang bahagi ng GenSanville Subd., Brgy Bula sa lungsod. Ito’y nang samahan ng kanyang tiyahin na si Lisa Enriquito ang mga pulis sa kanilang lugar sa J.P. Laurel, Malungon, Sarangani province upang arestohin si Meliton. Ayon …
Read More »Casino financier pinahirapan saka pinatay (Resort World CCTV bubusisiin ng pulisya)
PINANINIWALAANG ang pagiging casino financier ang dahilan ng pagpapahirap at pamamaslang sa isang Filipino-Chinese na natagpuang patay sa loob ng itim na Toyota Fortuner nitong nakaraang araw ng Linggo (Hunyo 29) sa Parañaque City. Ang biktima, kinilalang isang Joseph Ang, ay natagpuang wala nang buhay, nakasubsob, nakaposas ang mga kamay sa likod, nakagapos ng packaging tape ang mga paa, at …
Read More »Suspek sa frat hazing sumuko (Tau Gamma Phi nagpaliwanag)
SUMUKO sa pulisya kahapon ang isa sa mga suspek sa hazing na ikinamatay ng estudyanteng si Guillo Cesar Servando, at kasalukuyan nang isinasailalim sa custodial investigation. Ngunit sinabi ng Manila Police District, ang suspek ay itu-turnover nila sa Makati City Police. Sinabi ni MPD spokesman Chief Inspector Erwin Margarejo, ang suspek na pansamantalang hindi ibinunyag ang pangalan para sa kanyang …
Read More »