This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
CAGAYAN DE ORO CITY – Kasong rape at pambubugbog ang isinampa sa piskalya ng isang ginang laban sa pulis na kasapi ng Cagayan de Oro City Police Office (COCPO) sa Lungsod ng Cagayan de Oro.
Itoβy makaraan maglakas loob ang 23-anyos ginang na ibulgar ang makailang beses na panggagahasa sa kanya ng suspek na si PO3 Zari Iraz, residente sa Brgy. Iponan sa nasabing lungsod.
Sinabi ni Senior Insp. Ritchie Salva, hepe ng Bulua Police Station, mismong ang kanilang PNP Women and Children Protection Desk ang tumulong sa biktima upang maisampa ang kaso laban sa suspek.
Kabilang sa ibinunyag ng biktima ay ang sinasabing pangako ng suspek na makalalabas ng kulungan ang kanyang live-in partner na naaresto dahil sa pagtutulak ng droga sa Brgy. Bayabas sa Cagayan de Oro City noong Disyembre 2014.
Inakusahan din ng ginang ang suspek na nang-blackmail at nanloko sa kanya dahilan upang makailang beses siyang mabugbog at magahasa sa motel at sa mismong bahay ng suspek.