Thursday , December 1 2022

MPD 2 deputy chief tinarakan ng gunting sa leeg

guntingSUGATAN ang deputy chief ng Manila Police District Station 2 makaraan saksakin ng gunting sa leeg ng isang lalaking sabog sa illegal na droga sa mismong gate ng kanyang bahay kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Chief Insp. Roberto Mupas, 36, ng 2424 Bonifacio St., Tondo, nilalapatan ng lunas sa hindi binanggit na ospital.

Habang arestado ang suspek na si Dennis dela Rosa y Fruelda, 22, residente ng 435 Pinoy St., Tondo.

Sa ulat ni SPO3 Eric delos Arcos, dakong 10:30 p.m., tinawag ng suspek ang biktima at nang lumabas ang pulis ay sinabi sa kanya na ipasok sa trabaho ang kanyang asawa.

Ngunit napansin ng biktima na nasa impluwensiya ng droga ang suspek kaya hindi niya pinansin.

Bunsod nito, nagalit ang suspek, nilapitan ang biktima at sinaksak ng gunting sa leeg ang pulis.

Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang suspek ngunit naaresto ng mga barangay official sa follow-up operation.

Leonard Basilio

About hataw tabloid

Check Also

arrest, posas, fingerprints

Wanted sa Bicol nasakote sa Pasig

NADAKIP sa lungsod ng Pasig ang isang 48-anyos lalaking wanted sa kasong pamamaslang sa kanyang …

road accident

Bumangga sa barrier
11 PULIS SUGATAN SA TUMAOB NA PATROL CAR

SUGATAN ang 11 pulis nang sumalpok ang kanilang patrol car sa isang concrete barrier saka …

Bukidnon PPO Police PNP

Sa Bukidon
4 PATAY, 2 PA SUGATAN SA ALITAN SA LUPAIN

PATAY ang apat katao habang sugatan ang dalawang iba pa sa insidente ng barilan at …

dead gun police

Aresto nauwi sa enkuwentro, 2 suspek todas, 2 pulis sugatan,

TODAS ang dalawang miyembro ng isang criminal gang habang naaresto ang apat nilang galamay nang …

paputok firecrackers

Halos isang buwan sa pagtatapos ng 2022
PRESYO NG PAPUTOK PATULOY NA TUMATAAS

MAHIGIT isang buwan bago salubungin ng mga Filipino ang taon 2023 sumirit pa ang presyo …

Leave a Reply