Thursday , December 1 2022

Magbiyenan todas sa ambush sa Rizal

082714 police line crimeKAPWA patay ang magbiyenan nang pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang lalaki habang nagpapa-vulcanize ng gulong ng kanilang motorsiklo kahapon ng umaga sa Rodriguez, Rizal.

Kinilala ni Supt. Robert Baesa, hepe ng Rodriguez Police, ang mga napatay na sina Ricardo Fernandez y Reyes, 57, empleyado ng Manila City Hall, at si Enrique Paba y Ranque, 52, kapwa tubong Surigao del Norte, at nakatira sa Blk.1, Lot 67, Phase-1N, Southville 8C, Brgy. San Isidro, ng nabanggit na bayan.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Eustacio Balando Jr., dakong 9:50 a.m. nang maganap ang insidente sa harap ng Emmaculate Concepcion Chapel, Sub-Urban Road, Brgy. San isidro sa lugar.

Magka-angkas ang magbiyennan nang maplatan ang kanilang motorsiklo kaya’t ipina-vulcanize sa lugar at naupo habang naghihintay.

Ngunit dumating ang dalawang suspek na lulan din ng motorsiklo at pinagbabaril ang dalawang biktima. Ed Moreno

About hataw tabloid

Check Also

Stab saksak dead

18-anyos patay sa rambol ng 2 grupo ng kabataan

DAHIL  sa pambu-bully, patay ang 18-anyos binatilyo habang sugatan ang kanyang kapatid at pinsan, nang …

120122 Hataw Frontpage

Sa Negros Occidental
NDF CONSULTANT, 1 PA, PATAY SA MILITARY OPS

ni Rose Novenario NAPATAY sa operasyon ng militar si National Democratic Front (NDF) consultant Ericson …

illegal fishing with the use of explosives

P2-M gamit muro-ami , ilegal na huling isda nasabat sa Quezon

AABOT sa halos P2-milyong halaga ng mga fishing gear at tools ang nasabat mula sa …

Land Transportation Office LTO

Sa Bulacan
4 LTO ENFORCER HULI SA KOTONG SINIBAK SA PUWESTO

IPINAG-UTOS ni Land Transportation Office (LTO) Chief Jose Arturo “Jay Art” Tugade ang pagsibak sa …

Sugatan sa enkuwentro 2 PULIS BINISITA NINA RD PASIWEN, PD ARNEDO

Sugatan sa enkuwentro
2 PULIS BINISITA NINA RD PASIWEN, PD ARNEDO

MAGKASAMANG binisita nina P/BGen. Cesar Pasiwen, Regional Director ng PRO3 at P/Col. Relly Arnedo, Provincial …

Leave a Reply