Monday , December 15 2025

Blog Layout

Big mining firms inutusan magsara ni Duterte (3 PNP general pinagre-resign)

DAVAO CITY – Kabilang ang malalaking kompanya ng minahan sa mga pinuntirya ni incoming President Rodrigo Duterte sa kanyang speech sa isinagawang thanksgiving party sa Davao. Pinaalalahanan ni Duterte ang malalaking kompanya ng minahan, partikular sa Surigao del Norte, na mas magandang magsara na lalo’t nagdudulot ng problema sa kalikasan. Ito rin aniya ang rason kung bakit hindi niya ibinigay …

Read More »

BJMP busisiin din!

Ang sabi ni, Justice Secretary Vitaliano Aguirre, paiigtingin din nila ang kampanya laban sa mga ilegalista sa loob ng National Bilibid Prison (NBP). Pero palagay natin ay hindi lang sa NBP dapat paigtingin ang kampanya laban sa mga tiwali. Imbestigahan din ang mga warden na nakatalaga sa BJMP dahil nakapagtataka ang bilis ng kanilang pagyaman. Alam nating lahat na kung …

Read More »

Pabuya vs drug lord tinaasan

ITINAAS ni President-elect Rodrigo Duterte ang ‘bounty’ o pabuya sa sino mang makapapatay ng drug lords, na umabot na ngayon sa P5 milyon. Kinompirma ni Duterte, kapag drug lord ang napatay, makatatanggap ng P5 milyon ang nakapatay rito, P4 milyon mahigit kapag buhay. Sa talumpati ni Duterte sa isinagawang thanksgiving party sa Crocodile Farm sa Davao City nitong Sabado ng …

Read More »

26 indibidwal positibo sa HIV/AIDS (Sa Eastern Visayas)

 NABABAHALA ang Department of Health (DoH) sa Eastern Visayas dahil sa nakaaalarmang paglobo ng mga may sakit na HIV/AIDS sa rehiyon. Ayon kay Boyd Cerro, regional epidemiology unit chief ng DoH, nitong Marso lamang, umabot na sa 26 katao ang naitalang positibo sa HIV/AIDS. Karamihan aniya o nasa 80 porsiyento ng HIV/AIDS cases sa nasabing rehiyon ay dahil sa pakikipagtalik …

Read More »

Kelot kalaboso sa paghipo ng wetpu

KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang lasing na lalaki makaraan pasukin sa banyo ang babaeng kapitbahay habang naliligo at hinipuan sa puwet kamakalawa ng madaling-araw sa Malabo City. Nahaharap sa kasong acts of lasciviousness ang suspek na si Christian Dorongan, 27, ng 235 Sitio 6, Brgy. Catmon. Personal na nagtungo sa tanggapan ng Malabon Police Women’s and Children Protection Desk (WCPD) …

Read More »

Binatilyo tigbak sa kinalikot na sumpak

PATAY ang  isang binatilyo makaraan mabaril ang sarili sa harap ng kanyang kaibigan nang pumutok ang kinalikot niyang sumpak na kanilang natagpuan sa basurahan sa Caloocan City kamakalawa ng hapon. Hindi na umabot nang buhay sa Caloocan City Medical Center si John Kenneth Natividad, 17, ng 10th Avenue, Grace Park, ng nasabing lungsod, sanhi ng tama ng bala sa dibdib. …

Read More »

Kita sa PAGCOR ilalaan sa health, education sector

ANG health at education sector ang makikinabang nang malaki sa malilikom na kita ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor). Ito ang inihayag ni President-elect Rodrigo Duterte sa mga dumalo sa kanyang thanksgiving party sa Davao City kamakalawa ng gabi. Ayon sa incoming president, gagamiting pambili ng mga gamot at karagdagang kagamitan sa ospital at mga paaralan ang perang malilikom …

Read More »

Sayang si Empoy

NASA Kapuso Network na ba si Empoy Marquez? Napanood kasi namin siya sa isang serye katambal ni Max Collins. Masuwerte itong si Empoy dahil si Max pa ang nagpupumilit makahalik sa kanya. Dating nasa ABS-CBN si Empoy pero noong lumipat sa ibang network bihira ng mapanood kahit sabihing may teleserye siya. sayang si Empoy natatalbugan ng ibang kapwa komedyante dahil …

Read More »

Tinamong karangalan ng Ma’Rosa, ‘di mabibili ng salapi

MALIGAYA si Jaclyn Jose noong manalo sa Cannes Film Festival. Lahat ay humanga sa kanya kahit mga artista sa ibang bansa. Kuwento ni Jaclyn, very happy siya dahil binati siya ni Gov. Vilma Santos na paborito pala niya. Malaking saludo rin kay Direk Brilliante Mendoza natalbugan pa niya ang mga karaniwang pelikula na sabi nila ay milyon ang kinikita sa …

Read More »

Ryzza Mae, out na sa EB dahil kay Baby Baste

WEDER-WEDER lang talaga sa showbiz. Dati, Ryzza Mae Dizon ang pokus sa Eat Bulaga ngayon, si Baby Baste na paborito bukod sa cute,  talented pa ang bata. Sa kabilang banda, mabuti na lang at may serye si Ryzza Mae at least nariyan pa siya at humahataw. Sabi ng iba aliw na aliw sila kay Baste. Hindi dapat magbago ng pagtingin …

Read More »