This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang lasing na lalaki makaraan pasukin sa banyo ang babaeng kapitbahay habang naliligo at hinipuan sa puwet kamakalawa ng madaling-araw sa Malabo City.
Nahaharap sa kasong acts of lasciviousness ang suspek na si Christian Dorongan, 27, ng 235 Sitio 6, Brgy. Catmon.
Personal na nagtungo sa tanggapan ng Malabon Police Women’s and Children Protection Desk (WCPD) ang biktimang si Karina, 22, at inireklamo ang suspek.
Ayon sa pahayag ng biktima kay PO1 Diana Palmores, dakong 3:27 a.m., naliligo siya sa kanilang banyo nang biglang pumasok ang lasing na suspek at hinipo ang kanyang puwet kaya siya ay sumigaw at humingi ng tulong.
Mabilis na humingi ng tulong ang kanyang mga kaanak sa barangay tanod na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na agad dinala sa himpilan ng pulisya.