Sunday , December 14 2025

Blog Layout

4 pulis na bihag ng NPA pinalaya (Suporta sa ceasefire)

BUTUAN CITY – Makaraan palayain kamakalawa ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) si PO1 Richard Yu ng Carmen, Surigao del Sur, pinalaya kahapon ang apat pulis na binihag din ng rebeldeng grupo sa Brgy. Cagtinae, Malimono, Surigao del Norte. Ayon sa nagpakilalang si Ka Oto, sinasabing tagapagsalita ng Guerilla Front Comiittee-16 ng NPA, pinalaya nila sina PO2 Caleb Sinaca, …

Read More »

Ex-MMDA chair umiwas sa De Lima Warren romance

TUMANGGI si dating MMDA chairman Francis Tolentino na magbigay ng reaksiyon sa pagkakabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ang nagkuwento sa sinasabing bagong boyfriend ni Sen. Leila de Lima. Sinabi ni Tolentino kahapon, huwag munang magkomento lalo pa’t kaarawan ni Sen. De Lima. Ayon kay Tolentino, mas mabuting pag-usapan ang isyu ng emergency power at flood mitigation bago ang …

Read More »

Kaso vs De Lima et al ikinakasa na — Panelo

INIHAHANDA na ang kaso laban kay Senador Leila de Lima at iba pang mga personalidad na kasama sa ibinulgar na matrix ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Atty. Salvador Panelo, Chief Legal Counsel ni Duterte, abala sila ngayon sa paghahanda ng mga ebidensiya na magdidiin kay De Lima at iba pang may kinalaman sa mga drug lord sa bansa. Ayon …

Read More »

Poultry ng mayor shabu laboratory? (Sa Pangasinan)

DAGUPAN CITY – Kusang ipina-inspeksiyon ni Asingan Pangasinan Mayor Heidi Ganigan-Chua ang pag-aaring poultry farm ng kanilang pamilya para patunayang hindi sila sangkot sa illegal na droga. Inimbitahan mismo ng alkalde ang mga pulis kasama ang mga miyembro ng media para ipakita sa publiko na walang katotohanan ang mga paratang laban sa kanya. Nais ng alkalde na matapos na ang …

Read More »

20 kaso laban sa Espinosa drug group isinampa na

TACLOBAN CITY – Aabot sa 20 kaso ang isinampa kahapon sa korte laban sa pamilyang Espinosa kabilang ang alkalde ng Albuera, Leyte na si Mayor Rolando Espinosa at ang anak niyang itinuturong top drug lord sa Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa. Kabilang sa isinampang mga kaso ay kaugnay sa ilegal na droga makaraan makuha ang hinihinalang shabu sa bahay …

Read More »

Digong inatake ng migraine, sumuka

DAVAO CITY – Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte, sumusuka siya at nahihirapan sa kanyang sakit na migraine tuwing ito ay umaatake. Ito ang dahilan nang pagkaantala sa kanyang mga dadaluhan sanang mga aktibidad kamakalawa. Ayon kay Duterte, ang kanyang sakit ay resulta ng kanyang pagka-aksidente sa kanyang big bike noong siya ay 67-anyos pa lamang. Na-disalign aniya ang kanyang spine …

Read More »

Metro, CL, Cavite isinailalim sa flood alert

MULING binaha ang ilang parte ng Metro Manila kahapon ng umaga dahil sa malakas na buhos ng ulan. Ayon sa ulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kabilang sa mga panibagong binaha ang EDSA Aurora at EDSA Connecticut. Una rito, umabot hanggang baywang ang baha sa Pasong Tamo tunnel sa lungsod ng Makati kamakalawa ng gabi. Habang may mga baha …

Read More »

Dindo lumakas, bumilis habang papalayo sa PH

LUMAKAS na muli ang bagyong Dindo habang papalabas sa Philippine area of responsibility (PAR). Ayon sa ulat ng Pagasa, huling namataan ang bagyo sa layong 1,230 km silangan hilagang silangan ng Itbayat, Batanes. Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 160 kph at may pagbugsong 195 kph. Kumikilos ito nang pasilangan hilagang silangan sa bilis na 15 kph. …

Read More »

193 Bicolanong OFW mula Saudi nakauwi na

LEGAZPI CITY – Nakauwi na sa bansa ang mahigit 200 overseas Filipino workers (OFW) na na-displace sa Saudi Arabia. Sa panayam kay Ms. Rowena Alzaga, tagapagsalita ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA-Bicol), masayang ibinahagi niya na nag-avail ng kanilang programa ang 193 Bicolano OFWs. Samantala, mabibigyan ng P20,000 ang mga empleyado mula sa siyam construction at maintenance company sa naturang …

Read More »

Lumang plakang 8 ipinababawi ng Kamara

INIUTOS ng liderato ng Kamara na bawiin o isauli ang mga lumang “protocol plate” o “plakang 8” na ibinibigay sa mga kongresista. Bunsod ito ng mga insidente na nakikita ang naturang plaka sa mga sasakyang sangkot sa ilegal na gawain o nakaparada sa mga establisimyento na may kalaswaan. Sa memorandum na ipinalabas ng Secretary General ng kapulungan, sakop ng direktiba …

Read More »