Sunday , December 14 2025

Blog Layout

Tulong ng MILF/MNLF ‘di kailangan – Digong (Sa giyera vs ASG)

WALANG plano si Pangulong Rodrigo Duterte na magpasaklolo sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) para durugin ang teroristang Abu Sayyaf Group (ASG). Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, may sapat na kakayahan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) para labanan ang ASG lalo na’t idineklara ni Pangulong Duterte …

Read More »

AFP alertado na

ITINAAS na ni AFP Chief of Staff General Ricardo Visaya ang buong puwersa ng Sandatahang Lakas ng Filipinas sa red alert status. Kasunod nang pagtaas ng alerto, mahigpit ang bilin ni Visaya sa lahat ng area commanders na makipag ugnayan sa kanilang counterpart, ang PNP. Bukod sa PNP, nais ng chief of staff na makipag-coordinate din ang area commanders sa …

Read More »

Tatlong tao sa Davao blast tinutukoy na

HINDI pa maituturing na mga suspek sa Davao blast ang tatlong indibidwal na itinuturing ng pambansang pulisya bilang ‘person of interest.’ Ayon kay PRO-11 spokesperson, Chief Insp. Andrea Dela Cerna, nasa proseso pa ang pulisya ngayon sa pangangalap ng ebidensiya lalo sa tatlong indibidwal na posibleng may kinalaman sa madugong pagsabog. Sinabi ni Dela Cerna, sa ngayon hindi pa nila …

Read More »

Medialdea PH caretaker habang wala si Duterte

  ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Executive Secretary Salvador Medialdea bilang caretaker officer ng bansa habang nasa Laos siya para dumalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit ngayong linggo. “Matutuloy po ang paglipad namin sa Laos kasama po ang ating Pangulong Duterte bukas. Tapos ang magiging caretaker officer po ng ating Pangulo habang nasa ibang bansa ay …

Read More »

Drug pusher na konektado kay Kerwin, arestado

NAARESTO ng mga pulis sa Ormoc City ang isang hinihinalang drug pusher na sinasabing konektado kay Kerwin Espinosa, itinuturing na drug lord sa Visayas. Nadakip si Leonardo Guino sa kanyang bahay sa Brgy. Tambulilid, at nakompiska ang ilang pekete ng hinihinalang shabu, mga drug paraphernalia at .38 kalibreng revolver. Ang suspek ay kapatid ni Noki Guino, sinasabing matalik na kaibigan …

Read More »

Task Force on Davao blast inilarga ng DoJ chief

INIUTOS ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre nitong Sabado ang pagbuo ng task force na magsisiyasat sa naganap na pagsabog sa Davao City nitong Biyernes. Tiniyak ni Aguirre, makikipagtulungan ang Department of Justice sa National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang law enforcement agencies para matukoy at makasuhan ang mga nasa likod ng pagsabog sa Roxas Night Market. “I have …

Read More »

Travel advisory inisyu ng 5 bansa

plane Control Tower

NAG-ISYU ang limang bansa ng travel warnings sa kanilang mga kababayan na nasa bansa, kasunod nang pagsabog sa Davao City na ikinamatay ng 15 katao at ikinasugat ng maraming biktima. Kabilang dito ang mga bansang Australia, United States, United Kingdom, Canada at Singapore. Muling pinaalalahanan ng naturang mga bansa ang kanilang mga kababayan kaugnay sa idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte …

Read More »

Banta ng suicide bombing sa Kamaynilaan

explode grenade

HINDI dapat ipagwalang-bahala ang mga balitang maaaring sumalakay ang mga terorista sa Filipinas gamit ang ‘suicide bomber’ para maghasik ng lagim at takutin ang ating pamahalaan para tumigil sa pagtugis sa mga rebeldeng Muslim na nasa bansa, punto ni retired Gen. Rodolfo Mendoza sa Tapatan sa Aristocrat sa Malate, Maynila. Salungat ito sa pahayag ng security expert na si Dr. …

Read More »

BF ni KC Concepcion na si Aly Borromeo tanggap ni Sharon at Kiko

NAPAPADALAS ang pagbisita ngayon ni KC Concepcion sa kanyang pamilya at laging bitbit rin ng TV host actress ang boyfriend si Aly Borromeo kapag dumadalaw siya sa kanyang Mommy Sharon Cuneta at Daddy Kiko Pangilinan and siblings. Sa latest post ni Sharon sa kanyang official Facebook account, ipinakita ng megastar na kasama nilang nagdi-dinner sa kanilang bahay sa Laguna si …

Read More »

GMA artists, kailan kaya magpapa-drug test?

Drug test

Samantala, baka sa paglabas ng kolum na ito’y tumalima na rin ang GMA sa pagsasagawa ng drug testing para sa kanilang mga kontratadong artista. Nauna nang sumailalim ang may 40 artista ng ABS-CBN (hindi nga lang lahat dahil ‘yung iba’y nagkataong may trabaho noong araw ng pagsusuri) partikular na ang Star Magic na pinamumunuan ni Mr. Johnny Manahan. Huwag na …

Read More »