Friday , May 24 2024

BF ni KC Concepcion na si Aly Borromeo tanggap ni Sharon at Kiko

NAPAPADALAS ang pagbisita ngayon ni KC Concepcion sa kanyang pamilya at laging bitbit rin ng TV host actress ang boyfriend si Aly Borromeo kapag dumadalaw siya sa kanyang Mommy Sharon Cuneta at Daddy Kiko Pangilinan and siblings.

Sa latest post ni Sharon sa kanyang official Facebook account, ipinakita ng megastar na kasama nilang nagdi-dinner sa kanilang bahay sa Laguna si Aly at close pala sa lalaking anak ni Shawie na si Miguel.

Kitang-kita sa pictures ang pakikipagkulitan ni Miguel kay Aly at masaya silang pinagmamasdan ng kanyang Ate KC, Frankie at Miel. Mukhang si Aly, na ang guy na pakakasalan ni KC at mukhang pabor naman sina Sharon at Kiko.

We heard, na malaking factor kung bakit nagustuhan ni mega si Aly kasi marespeto at nakita

niyang mahal na mahal ang daughter na si KC. Saka may career din ang binata kaya hindi mapagbibintangan na umaasa lang sa girlfriend celebrity.

True love gyud!

KALYSERYE NG ALDUB

SA EAT BULAGA

MAY PART 2 PA

Last Saturday, matapos ang mahigit isang taong pag-ere ng KalyeSerye ng AlDub sa Eat Bulaga na sinuportahan nang milyon-milyong manonood ay nagwakas na ito.

Ipinakitang umalis ng bansa patungong Amerika ang magkapatid na Lola Nidora (Wally Bayola) at Lola Tinidora (Jose Manalo) at iniwan ng dalawa ang apong si Maine Mendoza sa mansion. Ibinilin nila ito kay Alden Richards.

Ops, kung inaakala niyong hanggang diyan na lang ang kalyeserye ng phenomenal loveteam ay nagkakamali kayo dahil magkakaroon ito ng bagong chapter at pinaghahandaan ng production team para sa lalong ikasisiya ng lahat ng followers.

Sabi sa Part two ng pantanghaling serye ay magdadagdag ang Bulaga ng mga bagong karakter at posibleng magkaroon ng sariling pamilya sina Alden at

Maine sa istorya.

Siguradong cute ang magiging anak ng AlDub at isa pang sorpresa ang pagbabalik ni Lola TiDora (Paolo Ballesteros) na miss na ng lahat ng viewers ng kalyeserye.

CONGRESSMAN SUBITO

MAANG-MAANGAN KAY CARDO

SA “FPJ’S ANG PROBINSYANO”

Pinagkaguluhan si Coco Martin ng Pinoy fans sa arrival niya recently lang sa New York City para sa special na pagtatanghal na ASAP roon.

Habang magtatanghal sa nasabing bansa kasama ang buong tropa ng ASAP patuloy ang pagtugis ni Cardo (Martin) sa utak ng mga pagsabog sa Metro na bago binawian ng buhay si Marlon (Carlo Aquino) matapos barilin ni Cong. Subito (John Regala) ay ikinanta ang naturang kongresista na siyang mastermind at nag-uutos sa kanya sa pagpapasabog ng bomba.

Pero mapanlinlang ang pagkatao ni Cong. Subito harap-harapan niyang itinanggi kay Cardo at sa mga pulis, wala siyang kinalaman sa mga pagsabog.

Sa katunayan ay tumutulong pa raw siya sa pagsugpo ng masasamang elemento sa kanilang lugar tulad ng droga.

Paano na ang ina ni Marlon na si Linda (Cherry Pie Picache) siguradong delikado ang lagay niya sa kulungan dahil siya ang may hawak ng susi ng katotohanan.

Mailigtas kaya siya ni Cardo? Katuwang pala ni Cardo sa paglutas ng krimen ang field reporter na si Alyana Arevalo (Yassi Pressman) at kabilang sa mga bagong guest ng number one action-drama series ni Coco sa ABS-CBN Primetime Bida ay sina McCoy De Leon, Elisse Joson, Sharmaine Buencamino at Joel Torre.

Nagbalik na rin ang karakter ni Junior ang anak nina Ador (ginampanan rin ni Martin) at Carmen (Bela Padilla) na parehong biktima ng salvage.

Ang FPJ’s Ang Probinsyano ay sa ilalim ng direksyon nina Malu Sevilla, Avel Sunpongco at Toto Natividad, hatid ng Dreamscape Entertainment.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Ralph Dela Paz

Coco at Ruru gustong makatrabaho ni Ralph Dela Paz

MATABILni John Fontanilla PAGKALIPAS ng ilang taon ay nagbabalik showbiz ang aktor, stage actor, at …

June Navaja Vincent Marcelo Piolo Pascual Toni Labrusca

Piolo at Toni wish makasama ng mga bida sa isang BL series

MA at PAni Rommel Placente SINA June Navaja at Vincent Marcelo ang mga bida sa BL series na My Bae-Bi …

2 Most wanted persons ng CALABARZON arestado

Angelika nilinaw Mika ‘di buntis kaya nagpakasal kay Nash

MA at PAni Rommel Placente INIINTRIGA si Mika dela Cruz.  Buntis daw umano ito kaya bigla …

Jeric Gonzales Ruffy Biazon Trina Biazon Muntinlupa

Jeric Gonzales haharanahin mga Natatanging Ina ng Muntinlupa

RATED Rni Rommel Gonzales PASASAYAHIN at pakikiligin ni Jeric Gonzales ang mga taga-Muntinlupa City dahil haharanahin ng …

Blind Item, Mystery Man, male star

Aktor pa-victim ang drama, matapos magtago super pa-interview na

I-FLEXni Jun Nardo VISIBLE ngayon sa showbiz events ang isang aktor na nasangkot sa isang malaking kontrobersiya …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *