Saturday , December 6 2025

Adik na Bombay niratrat ng kaanak

MAY kinalaman sa paggamit ng ilegal na droga  ang  nakikitang motibo ng mga awtoridad, nang pagbabarilin ang isang Indian national ng kanyang mga kaanak, sa Caloocan City kamakalawa ng gabi . Kritikal ang kalagayan ng biktimang si Amreek Singh, nasa hustong gulang, residente sa Barangay Bagbaguin, sanhi ng mga tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa …

Read More »

Buntis, 5 pa dedo sa dumptruck

KIDAPAWAN CITY – Anim ang patay, kabilang ang isang buntis, at isa ang sugatan matapos araruhin ng dumptruck ang pampasaherong traysikad dakong 7 p.m. kamakalawa sa Brgy. Batulawan, Pikit, North Cotabato. Kinilala ang mga namatay na sina Ibrahim Casanova, Rakma Casanova, Tayan Zakalia, Abil Kamid, Bagits Alimudin at ang limang buwan buntis na si Mia Casanova. Habang sugatan ang isang …

Read More »

Katorse ‘pinapak’ ng poultry caretaker

LUCBAN, Quezon – Walang-awang ginahasa ang 14-anyos dalagita ng poultry farm caretaker sa Bgy. Kabatete sa bayang ito. Itinago ang biktima sa pangalang Laura, re-sidente ng nasabing lugar, habang nadakip agad ang suspek na si Namesio Misterio, 24, ng nasabi rin lugar. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong 6 p.m. kamakalawa nang pasukin ng suspek ang kubo ng dalagita …

Read More »

Bungo ng trike driver pinasabog

NAKUHANAN  ng CCTV camera sa katabing barangay hall ang malapitan pagbaril ng isang suspek sa sentido ng  tricycle driver habang nasa harap ng isang tindahan sa Pasay City kahapon ng madaling araw. Naitakbo pa sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Antonio Dio-quino, 33, residente sa 2426 Lakandula St., Tramo. Ayon sa pulisya, dakong 2:44 ng madaling araw nang …

Read More »

Tatay tinutugis sa mag-inang niligis

Tinutugis ng mga awtoridad si Danilo Rafael, Sr., ang pangunahing suspek sa pagpatay sa kanyang mag-ina sa Barangay Moonwalk, Para-ñaque City nitong Linggo. Una nang natagpuan ang bangkay ni Fe Rafael, 54-anyos at anak na si Danilo, 18, sa compartment ng kotse. Kahapon  ng umaga, nagpakalat ng retrato ng 55-anyos suspek ang mga kaanak ng kanyang misis. Sa panayam kay …

Read More »

Tropang militar pinapasok sa iskul (DepEd pinagpapaliwanag ng Palasyo)

PINAGPAPALIWANAG ng Palasyo ang Department of Education (DepEd) hinggil sa ulat na naglabas ng memorandum ang kagawaran na nagpapahintulot sa tropang militar na pumasok sa mga silid-aralan sa elementary at high school upang magsagawa ng civil-miltary operations. “Kailangan pag-aralan natin ‘yan upang maunawaan at kung may ganyang concerns ay maihatid sa mga pinuno ng DepEd para maipaliwanag nila sa mga …

Read More »

Pekeng parak tiklo sa checkpoint

PATONG-PATONG na kaso ang isinampa laban  sa 35-anyos  lalaki na nagpanggap na pulis, makaraan masita sa  checkpoint dahil sa pagmamaneho ng motorsiklong walang plaka at hindi pagsusuot ng helmet, sa Pasay City kamakalawa ng umaga. Kinilala ang suspek na  si Zaldy Dionela ng Tupas St., sinampahan ng mga kasong usurpation of autho-rity, paglabag sa helmet law, pagmamaneho nang hindi nakarehistrong …

Read More »

2 holdaper bugbog-sarado sa taong bayan

Pinagtulungan bugbugin ng taong bayan ang dalawang hol-daper sa Sampaloc, Maynila, Lunes ng madaling araw. Kinilala ang mga suspek na sina Reynald Jose, 23-anyos at Brenhar Castillo, walang  tiyak na tirahan. Kwento ni “Johanna,” isa sa mga biktima, sumakay sila sa jeep na biyaheng Cubao nang biglang magdeklara ng holdap ang mga suspek sa bahagi ng Lerma. Natangay ng mga …

Read More »

Ama ni Regine na si Mang Gerry, pumanaw na

SUMAKABILANG buhay na ang tatay at mentor ni Regine Velasquez na si Mang Gerardo ‘Gerry’ Velasquez kahapon ng tanghali sa rati nitong sakit. Tanda namin ay labas pasok sa ospital ang tatay ni Regine noong nakaraang taon at sa huling pakikipag-usap namin sa kanya sa album launching niya ay nabanggit niyang bumubuti na ang pakiramdam ng ama at umaasang makakasama …

Read More »

Richard Yap, ‘di pa handa sa malakihang concert

 ni Reggee Bonoan SOBRANG appreciated ng mga kasamahan sa hanapbuhay si Richard Yap o mas kilala bilang si Sir Chief at Papa Chen dahil marunong siyang magpasalamat at mag-share ng blessings na natatanggap niya. Pangalawang taon na ni Sir Chief na magkaroon ng thanksgiving party sa entertainment press na malaki ang naitulong sa kanya simula noong nagsimula siya sa My …

Read More »

GMA at TV5, naalarma sa muling pagsasama nina Kuya Boy at Kris

ni Reggee Bonoan MUKHANG marami na namang naalarma sa pagbabalik ng tambalang Boy Abunda at Kris Aquino sa telebisyon dahil may mga naka-tsikahan kaming taga-GMA 7 at TV5 na kailangan nilang mag-doble kayod in terms of showbiz news. Sabagay, alam naman kasi ng lahat kapag nagtambal ang King of Talk at Queen of All Media ay alam mo na ang …

Read More »

Jodi, ‘di pa rin isinasantabi ang pangarap na maging doktor (Kahit super busy sa taping at business)

ni   Maricris Vadlez Nicasio VERY blessed kung ilarawan ni Jodi Sta. Maria ang nangyayari sa kanyang career ngayon. Bukod kasi sa patuloy ang magandang ratings at tuloy-tuloy na pagpapalabas (hindi pa nila alam kung hanggang kailan pero definitely magtatagal pa) ng Be Careful With My Heart nadagdagan pa ang kanyang ineendoso. Ito ay ang country’s preferred clinic for face, body …

Read More »

Toni, natutulala sa kissing scene nila ni Piolo!

ni  Maricris Vadlez Nicasio TILA walang kamali-malisya ang paglalarawan ni Toni Gonzaga sa lovescene nila ni Piolo Pascual, sa Starting Over Again na showing na sa Pebrero 12 mula sa Star Cinema at idinirehe ng isa sa magagaling na director, si Olive Lamasan. Aniya, “Scandalous ang lovescene namin.  It’s very nice. It’s naughty but very, very nice.” Tulad ni Toni, …

Read More »

Viewers, mas naging interesado sa abogado ni Vhong (Kahit may paiyak-iyak at pakumpas-kumpas pa si Deniece…)

ni  Ronnie Carrasco III THERE were two obvious reasons kung bakit nakapanayam ng Startalk si Deniece Cornejo ng live in its February 2 episode: una, she’s related to a former GMA employee; ikalawa, ABS-CBN is Vhong Navarro’s bailiwick, and as such, irate and sympathetic fans of the actor could only do God-knew-what kapag tumambad sa kanila si Deniece. Sa writer …

Read More »

Buhay ni Martin, pang-MMK

ni   Roldan Castro MARAMING rebelasyon si Martin Nievera nang makatsikahan siya sa isang group interview. Puwede nang gawing libro ang buhay niya, isapelikula o kaya’y i-feature sa Maalaala Mo Kaya. Amimado si Martin na naapektuhan dati ang career niya noong kahihiwalay pa lang nila ni Pops Fernandez. Nawalan siya ng work ng almost one year, walang raket na tumatawag at …

Read More »