PCP ng MPD hinagisan ng granada (3 sugatan)

TATLO katao ang sugatan makaraan hagisan ng granada ang harap ng police community precinct sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Isinugod sa Tondo Medical Center ang mga biktimang sina Serdan Damca, barangay tanod ng Tangos, Malabon; Rene Gallaron, 34, scavenger, ng #2348 Bonifacio St., Tondo, Maynila; at Ferdie dela Cruz, 27, pedicab driver, ng Building 28, Permanent Housing, Vitas, Tondo.

Nawasak sa insidente ang anim sasak-yan kabilang ang isang police car.

Ayon sa ulat, isang hindi nakilalang lalaki ang bigla na lamang nag-hagis ng granada sa harap ng Police Community Precinct 1 ng Manila Police District sa Road 10, Vitas, Tondo dakong 2:25 a.m.

Sinabi ng mga awtoridad na posibleng ang insidente ay paghihiganti makaraan nilang mapa-tay ang lider ng Badjao criminal group sa kanilang operasyon kamakalawa sa nasabing lugar.

(LEONARD BASILIO)