Thursday , June 4 2026

Softdrinks dealer tigok sa tandem

PATAY ang softdrinks dealer nang sabayan at barilin ng isa sa dalawang hindi nakilalang suspek na sakay ng motorsiklo habang lulan ng tricycle upang mag-deli-ver ng kanyang paninda sa Caloocan City kamakalawa ng umaga .

Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang biktimang si Wilfredo Junio, 33, residente ng Phase 4B, Brgy. 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre .45 sa ulo.

Habang pinaghahanap ng mga awtoridad ang dalawang suspek na mabilis na tumakas sakay ng hindi naplakahang motorsiklo.

Sa ulat ng pulisya, dakong10 a.m. nang maganap ang insidente sa Phase 1 ng nasabing barangay.

Sa salaysay ng tricycle driver na si Roxane Gabon, pasahero niya ang biktima at may karga silang softdrinks na ihahatid sa isang tinda-han sa nasabing lugar, nang sumulpot ang motorsiklong sakay ang mga suspek na parehong nakasuot ng helmet.

Dinikitan sila ng motorsiklo at walang sabi-sabing pinaputukan ang kanyang pasahero. Laking pasasalamat ni Gabon dahil hindi siya tinamaan.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang motibo sa insidente.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …