NANAWAGAN ang Communist Party of the Philippines (CPP) sa samba-yanang Filipino na magkaisa para labanan ang ano mang pakanang destabilisasyon ng Amerika laban kay Pa-ngulong Rodrigo Duterte dahil sa kanyang posturang kontra-US. “The Filipino people must unite against any attempt of the US government to undermine Philippine national sovereignty and subvert efforts of the Duterte regime to promote an independent …
Read More »Hiling kay Duterte: Narco-celeb list ‘wag isapubliko
HINILING ng Katipunan ng mga Artista sa Pelikulang Pilipino kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag isapubliko ang pangalan ng mga artistang sangkot sa ilegal na droga. Sinabi ng aktor at pangulo ng nasabing grupo na si Rez Cortez, dapat ibigay muna sa kanila ang listahan para agad nilang masabihan ang nasabing mga artista.
Read More »Krista Miller 2 FHM model, 4 pa tiklo sa drug bust (Celebrity clients sa droga ikinanta)
NAARESTO ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang sexy actress na si Krista Miller at dalawa pang dating modelo ng FHM magazine sa isinagawang magkahiwalay na anti-illegal drugs operation sa Quezon City at Valenzuela City, ayon sa ulat kahapon. Ayon kay QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, sina Miller o Krystalyn Engle sa totoong buhay, …
Read More »22-anyos Pinoy tiklo sa P20-M 5 kilos cocaine (Pagdating sa NAIA)
ARESTADO ang isang 22-anyos Filipino sa Ninoy Aquino International Airport makaraan makompiskahan ng halos limang kilo ng cocaine na tinatayang nasa P20 milyon ang halaga nitong Linggo ng hapon. Ayon kay Wilkins Villanueva, regional director ng Philippine Drug Enforcement Agency, si Jonjon Villamin ay naaresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 dakong 4:40 pm. Dumating ang suspek sa …
Read More »Same sex marriage isusulong ni Alvarez
PANGUNGUNAHAN ni Speaker Pantaleon Alvarez ang paghahain ng panukalang batas para maisakatuparan sa bansa ang same sex marriage. Sinabi ni Alvarez, naninindigan siya para sa karapatan at dignidad ng Lesbian, Gay, Bisexual at Transgender (LGBT) community. Sinisimulan na niyang buuin ang draft nang ihahain niyang same sex marriage bill para maisampa ito sa Kamara sa lalong madaling panahon. Nakapaloob sa …
Read More »Duterte nadapa sa sariling espada — Sen. Dick Gordon (Sa kadaldalan…)
HINDI napigilan ni Sen. Richard Gordon ang pumuna sa ilang pananalita ni Pangulong Rodrigo Duterte na minsan ay nagiging kontrobersiyal. Ginawa ni Gordon, chairman ng Senate committee on justice and human rights, ang pahayag habang nasa kasagsagan nang pagdinig sa isyu ng extrajudicial killings sa bansa. Diretsahang sinabi ni Gordon na mismong “nadadapa ang presidente sa kanyang sariling espada” …
Read More »Climate change responsibilidad ng lahat
BUNSOD nang pagkabigo ng pamahalaan na tugunan ang bantang panganib ng climate change ng mga komprehensibong pambansang polisiya, ang mga rehiyon, lalawigan at munisipalidad ay dapat kumilos para mapigilan ang mapaminsalang phenomenon, ayon kay Gonzalo Catan Jr., inventor, executive vice president ng Mapecon Charcoal Philippines. Aniya, kailangang kumilos upang mapahupa ang climate change ng mga hakbang na nakatuon sa pagpapabawas …
Read More »2 utas sa ratrat sa Taguig
DALAWANG lalaki ang natagpuang patay nitong Lunes sa Tanyag Road, Zone 6, South Signal, Taguig City. Tadtad nang tama ng bala ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na ang isa ay nilagyan ng karatulang “Pusher user ako huwag tularan”. Sa paligid ng bangkay ay nagkalat ang 20 basyo ng bala. Ayon sa ilang residente, nakarinig sila ng mga tunog ng …
Read More »Tataas ang presyo ng langis—ECOP
SA susunod na mga buwan malamang tumaas ang presyo ng langis, ayon kay Employers Confederation of the Philippines (ECOP) president Donald Dee sa pagtalakay ng usapin ukol sa nananatiling business climate sa bansa sa Tapatan sa Aristocrat media forum sa Malate, Maynila. Ipinunto ni Dee na walang mainam na aksiyon ang Estados Unidos para sa sariling interes nito kundi isulong …
Read More »1 patay, 9-anyos sugatan sa barilan sa peryahan
NAGA CITY – Agad binawian ng buhay ang isang lalaki habang sugatan ang 9-anyos bata sa naganap na barilan sa loob ng peryahan sa San Antonio, Quezon kamakalawa. Kinilala ang biktimang namatay si Ericson Andal, 35-anyos. Ayon sa ulat, nagtungo sa peryahan sa Brgy. Pury sa nasabing bayan ang biktima kasama ang suspek na si Jimmy Mercado Ngunit nagkaroon nang …
Read More »Nur Misuari lalantad na
INIHAYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte, nakatakda niyang kausapin si MNLF Chairman Nur Misuari sa Davao para sa usapang pangkapayapaan. Ayon kay Pangulong Duterte, sa sandaling lumantad na si Misuari, bibigyan siya ng safe conduct pass ng gobyerno. Inihayag ng Pangulo, magandang indikasyon ang ipinakikita ni Misuari para malutas ang problema sa Mindanao. Ngunit inilinaw ng Pangulo, hindi siya sang-ayon …
Read More »PAGCOR Casino Filipino Got Talent may silbi ba talaga o ‘raket’ lang!?
HINDI natin alam kung ano ang silbi ng ginagawang talent search ng Pagcor Casino Filipino sa kanilang branches sa Angeles, Bacolod, Cebu, Davao, Laoag, Pavilion at Tagaytay. Gusto nating tanungin, ang talent search ba ay kasama sa MANDATO ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)?! Pero wala tayong naaalalang may ganyang mandato ang PAGCOR. Sa kanilang mga press release, nanghihikayat …
Read More »13th month pay ng mga empleyado papatawan ng buwis ng BIR
Hindi natin makita ang lohika o katuwiran sa gustong mangyari ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na patawan ng buwis ang 13th month pay ng mga empleyado. Kaya nga 13th month pay ang tawag doon ‘di ba? Ibig sabihin hindi na kasama sa 12 buwan suweldo na binabawasan ng withholding? Nagkaroon na nga ng batas na ang lahat ng sumusuweldo …
Read More »Presidential legal adviser Atty. Salvador Panelo sa Kapihan sa Manila Bay
Bukas ay magiging panauhin sa Kapihan sa Manila Bay, sa Café Adriatico, Malate, Maynila si Presidential Legal adviser, Atty. Salvador ‘bagets’ Panelo. Inaanyayahan ang Malacañang reporters at iba pang media people na nakatalaga sa Maynila na makipagtalakayan kay Atty. Sal Panelo habang sumisimsim ng masarap na kape sa Café Adriatico. Tara na!
Read More »Tara at goodwill sa KTV bar/club owners sa Maynila
Parang binagsakan ng atomic bomb ngayon ang mga KTV club sa Maynila dahil sa panggigipit ng isang ‘little mayor’ sa Manila city hall. Nakasilip kasi ng butas na pagkakaperahan si ‘little mayor’ Mongoloid sa mga KTV club makaraang magpa-Oplan Sagip Anghel ang BPLO, MSWD at MPD. Hindi bababa sa P10k kada linggo ang hirit ni alias Tongsehal sa mga club …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com



















