Wednesday , December 25 2024

Showbiz

Popularidad nina Alden at Maine, mabilis na bumaba

WALA na kaming narinig kung ilang milyong tweets ang lumabas matapos na halikan ni Alden Richards si Maine Mendoza noong isang araw. Kung kagaya ng dati, mayroon pa silang minute to minute update kung ilang tweets na sa show pa lang mismo. Iyong paghalik na iyon ni Alden kay Maine, siguro kung noon iyon, ilang milyong viewers agad ang katapat …

Read More »

Angelica at Lloydie, ‘di raw apektado sa hiwalayan

John Lloyd Cruz Angelica Panganiban

MARAMI ang naguguluhan sa sitwasyon nina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban. May mga nagsasabi  na hindi talaga split pero matunog ang chism na nagkakalabuan na sila. Wala raw senyales na may problema sila dahil happy si Angelica sa taping ng favorite gag show niya na Banana Sundae. Ganoon din si Lloydie na maganda ang mood sa taping ngHome Sweetie …

Read More »

Susan, nadapa nang samahan si Grace sa Comelec

NADAPA pala sa Padre Faura ang Movie Queen na si Susan Roces noong suportahan niya ang kanyang anak na si Senator Grace Poe sa first part ng oral arguments sa Supreme Court para sa mga petisyon na inihain ni Sen. Grace Poe na mabasura ang mga decision ng Commission on Elections (COMELEC) na pumipigil na siya ay tumakbo bilang Pangulo …

Read More »

Acting, bibigyang priority muna ni Coleen

WALA na talaga si Coleen Garcia sa noontime show ng It’s Showtime. Nagpahayag na si Coleen sa kanyang Twitter account na nami-miss niya ang naturang show. “I’ll miss you, ‘madlang people!’ Thank you for the LOVE and support! You’ve helped me grow and I will FOREVER treasure it! See you again soon!” Magiging priority daw ni Coleen ang pag-arte ngayong …

Read More »

Zanjoe, gagawin ang lahat para magkabalikan sila ni Bea

PARA-PARAAN din kung tanungin si Zanjoe Marudo sa split-up nila ni Bea Alonzo dahil may kinalaman lang sa Tubig At Langis ang maaaaring itanong sa presscon. Nailusot ang katanungan kung naniniwala ba siya sa second chance.” Naniniwala ako sa second chance, sa third chance, sa fourth. Lahat naman ng tao ay kailangan ng chance, hindi ba? Kailangan ng pangalawa o …

Read More »

Zanjoe, ‘di nahalata ni Cristine na may pinagdaraanan

NAPANSIN ni Cristine Reyes na mas lumalim ang acting ni Zanjoe Marudo sa bagong serye nilang Tubig at Langis na magsisimula sa February 1 sa ABS-CBN 2. Feeling niya ay mas makatotohanan ang pag-arte ngayon ng actor. Although sinabi ni Zanjoe na wala siyang pinaghuhugutan o ibinabase sa karanasan ang kanyang pag-arte. Ginagampanan lang daw niya kung ano ang nararapat …

Read More »

Movie nina Vice at Daniel, sisimulan na

ANG ganda ng speech ni Vice Ganda sa victory party ng kanilang pelikula ni Coco Martin. “Nagpapasalamat ako kay tita Cory (Vidanes), kay Sir Deo (Endrinal). Maraming salamat dahil sila ‘yung nakaaalam kung ano ang nangyayari sa akin, kung ano ang dapat gawin sa akin, kung nasaan akong posisyon at kung saan ako puwedeng pumunta pa. “Kayo ‘yung laging nagre-remind …

Read More »

Jen, ‘di kailangan ng Dos

NAKATATAWA naman ang kumakalat na chikang lilipat daw sa Dos si Jennylyn Mercado. Yes, may chika sa isang Facebook fan page saying na this year mangyayari ang paglipat ni Jen sa number one network sa bansa. Nakakaloka ito dahil baseless at walang katotohanan. Isa pa, hindi naman siya kailangan ng Dos, ‘no. Ang alam namin ay sobrang loyal sa Siete …

Read More »

Snapchat photo nina Jasmine at Erwan, kontrobersiyal

HINIWALAYAN ba ni Anne Curtis ang boyfriend niyang si Erwan Heussaff matapos kumalat at maging viral ang photo nito habang kasama si Jasmine Curtis Smith? “It’s your birthday but dude that’s my sister. Bye.” ‘Yan ang reaction ni Anne sa Snapchat photo ni Erwan na nakitang super sweet sila ni Jasmine. Parang hinahalikan ni Erwan ang dalaga habang kayakap niya …

Read More »

Paloma, ‘di nagpakabog kay Pia

NALOKA kami kay Coco Martin alyas Paloma sa aksiyon seryeng FPJ’s Ang Probinsyano dahil nakikipagsabayan kay 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach. Kung panay ang rampa ngayon ni Pia, panay din si Paloma para mahuli kung sino ang nasa likod sa mga dumukot sa mga babae para ibenta at ang latest nga ay sumali na sa beauty contest sa barangay nila. …

Read More »

Atak Araña, enjoy katrabaho si Sharlene San Pedro

ISA ang komedyanteng si Atak Araña sa napapanood sa Wansapanataym Presents: Susi ni Sisay ng ABS CBN na tinatampukan ni Sharlene San Pedro. Ayon kay Atak, masaya siyang maging bahagi ng show na pinamamahalaan ni Direk Wenn V. Deramas at tinatampukan din nina Jolina Magdangal, Marvin Agustin, Tetchie Agbayani, Matet de Leon, Marco Masa, at iba pa. Nang usisain namin …

Read More »

Coco Martin, bakit pinapahaba ang pagiging Paloma?

NAPANSIN namin na tila masyadong humahaba na ang pagiging Paloma ni Coco Martin sa top rating TV series na Ang Probinsyano sa ABS CBN. Nagpanggap sa seryeng ito si Coco bilang isang babaeng nagngangalang Paloma, upang ipain ang kanyang sarili sa sindikatong nangki-kidnap ng magagandang babae. Lalo’t kabilang sa nabiktima ng naturang sindikato ang hipag niyang si Carmen na ginagampanan …

Read More »

Masyadong nadala ng role!

Hahahahahahahahaha! Puzzled na raw ang young actor na gumaganap na transsexual sa kanilang soap opera. Pa’no raw kasi, parang he’s being haunted by the character he’s delineating. Hakhakhakhakhakhakhak! Kung dati ay macho naman siya at confident sa kanyang sarili, ngayo’y parang hindi na siya makawala sa character na kanyang ginagampanan. Somehow, parang palaging may pitik na at swishy-swashy ang kanyang …

Read More »

Pamilya ni Aimee, deboto ng Sto. Nino

ABALA ang reyna ng Pusong Bato na si Aimee Torres noong piyesta ng Sto Nino sa Tondo sa rami ng mga bisita. Devotee pala ang parents ni Aimee ng Sto. Nino kaya’t every year naghahanda sila. Last year ay nasa Cebu City sila at doon nag-celebrate ng Sto. Nino feast dahil may concert doon ang magaling na singer. SHOWBIG – …

Read More »

Sam at Max, dekorasyon lang sa Bubble Gang

SAMPUNG taon na yatang kasali sa Bubble Gang sina Max Collins at Sam Pinto pero kung bakit hindi matandaan ng mga tagahanga? Wala kasi silang role sa Bubble Gang kundi maggulat, manakot o kaya naman ay bigla na lamang silang sasayaw. Hindi sila nabibigyan ng magagandang eksena na talagang tatatak sa manonood. Para lang silang dekorasyon para ipakita ang kaseksihan. …

Read More »

Gina Pareño, nakadagdag interes sa Ang Probinsyano

MALAKING bagay ang partisipasyon ni Gina Pareno sa Ang Probinsyano dahillalong naging madrama abg mga eksena. Dalawang bigating artista ng Sampaguita Pictures noon sina Susan Roces at Gina. Nauna noon si Susan kay Gina dahil sa Star 66 na ipinakilala si Gina. Malaking tulong kay Coco Martin ang pagkakasama pa ni Gina para lalong abangan ang kanilang teleserye. SHOWBIG – …

Read More »

Angel, gustong magka-anak kaya ‘di muna magda-Darna

“GUSTO kong magka-anak,” ito ang bungad na pahayag ni Angel Locsin nang tanungin namin kung siya pa rin ang gaganap na Darna. Sa kanyang tinuran, puwedeng isipin na naghahanda na itong maging Mrs. Luis Manzano. Ang posibleng problema lang ay kailangan muna niyang magpagaling. Sa ngayon, kailangan niyang kompletuhin ang pagpapagamot at pahinga kung gustong magkaanak dahil mahirap sa kanya …

Read More »

Lalaking nagpapaligaya sa sarili hawig daw ni Arjo

THEY say it comes in threes. Noong una, si Joross Gamboa raw ay may sex video. Ayun, pinagpiyestahan sa social media ang kumalat na sex scandal ni Joross. Nag-react na nga ang binata, ayaw nitong mag-comment sa viral sex video raw niya. Then came GMA’s talent, Jeric Gonzales na naging grand winner ng Protégé search ng Siete. Galing sa iba’t …

Read More »

Alden, bin-lock daw sa social media ang discoverer

HOW true na walang utang na loob itong si Alden Richards? Nabalitaan kasi naming bin-lock ni Alden ang kanyang dating manager and discoverer sa lahat ng kanyang social media accounts. Na-discover si Alden ng kanyang baklitang manager at tinulungang makapasok sa showbiz. Noong una, isinali siya sa halos lahat ng male pakontes sa Laguna hanggang sa dalhin siya nito sa …

Read More »

Cristine, titigil na sa pagpapa-seksi

MAGPAPAKASAL na this month sina Cristine Reyes at Ali Khatibi sa Balesin. May anak na sila, si baby Amarah na ang cute. Magiging mapili pa si Cristine sa roles at ititigil na niya ang pagpapaseksi? “Siguro ano lang, for me, since alam naman ng lahat na mag-aasawa na ako, medyo ano lang, may exclusivity for Ali. Unlike before, single naman …

Read More »

Pagkikita nina Coleen at Billy, dadalang na

SA isang interview ni Coleen Garcia ay nagbigay na siya ng pahayag kung bakit hindi na siya napapanood sa It’s Showtime ng  ABS-CBN 2. “Actually, since I’ve started doing ‘Pasion De Amor’, I was barely there during the entire second half of last year. I don’t think I’ll be returning as the management talked to me and iron out their …

Read More »

Vic, naluha sa pre-wedding celeb ng EB

NOONG Sabado ay nagkaroon ng pre-wedding celebration ang Eat Bulaga para kina Vic Sotto at Pauleen Luna na ikakasal na sa January 30, Sabado. Madamdamin ang mensahe ng huli para sa una. Sabi ni Pauleen,”I just ‘wanna thank you for taking this journey with me. I can’t wait to be your wife. And I love you very much.” “I love …

Read More »

Viva, tiwalang sisikat din ang Yandre tulad ng JaDine

SINUGALAN ng Viva Films at SMDC sina Andre Paras at Yassi Pressman sa pelikulang Girlfriend for Hire dahil naniniwala silang makakamtan din ng dalawa ang tinatamasang kasikatan ngayon nina James Reid at Nadine Ilustre. Oo nga naman, parang kailan lang ay parehong wala pang name ang JaDine at ilang taon din silang nagtiyaga’t naghintay bago sila hinihiyawan nang husto ngayon …

Read More »

Kasal nina James at Nadine, ‘di na nga ba tuloy?

SANGKATERBANG  OTWOListas ang nagtatanong sa amin kung tuloy pa ba ang kasal nina James Reid at Nadine Lustre bilang sina Clark at Lea sa kilig-seryeng On The Wings Of Lovedahil base kasi sa inilabas na teaser ng Dreamscape Entertainment ay nakaupo sa isang bench ang dalawa sa harapan ng Fine Arts Museum, San Francisco na  binalikan nila ang mga alaala …

Read More »