Thursday , June 4 2026

Bakit nga ba mahalaga ang mga magsasaka kay Dr. How?

A producer’s advocacy.

From farm to table. Kaya mahal na mahal ni Dr. Milagros Ong-How ang mga magsasaka dahil nang maging negosyo niya ang Universal Harvester Incorporated ay palagi na siyang may nakakakuwentuhang magsasaka at maski pa mangingisda sa lahat ng lugar na nalilibot niya.

Kaya sa rami ng kuwentong nalaman niya naisip niya na gawing pelikula ang mga istorya nila. At nahanap niya ang isang mahusay na direktor na si Maryo J. Delos Reyes na kasama niyang nag-brainstorm ng ToFarm na nagsimula muna as search and award for the outstanding farmer at ngayon sa anim na kuwentong naisapelikula ay isinilang ang 1st Tofarm Film Festival 2016—a festival about farmers, agriculture and the bounties of nature.

Ang unang screening ng Free Range, Pauwi Na, Paglipay, Pitong Kabang Palay,Kakampi, at Pilapil ay matutunghayan sa SM Megamall at SM North mula July 13-19, 2016. Na sa mga susunod na buwan ay lilibot din sa iba pang malls ng SM sa Cabanatuan, Pampanga, Cebu, at Davao.

Ayon kay Dr. Ong-How, ”The Tofarm Fulm Festival aims to uplift the farmers as well astheir professional development. It is most worthy and significant since it is the only featival that showcases their lives, journeys, aspirations, trials and tribulations-failures and successes.”

The producer with not just a good heart but a big heart!

Bigyan na rin natin ng kredito ang Salu Filipino Restaurant ng mag-asawangHarlene Bautista at Romnick Sarmenta na from farm to table rin ang adbokasiya nila para matulungan ang lahat ng magsasaka all over the Philippines. Visit them sa Sct. Torillo corner Sct. Fernandez and savor the different tastes of Luzviminda!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …