Wednesday , June 26 2024

Jen at Marian, wala raw kompetisyon

ANG dahilan ng hindi paglisan. Hindi raw pera o pagpapataas ng presyo ang naging dahilan kung bakit natagalan ang pagre-renew ng kontrata ni Jennylyn Mercado sa itinuturing na home studio niya for the past several years—ang Kapuso.

Empowered Filipina at Ultimate Survivor ang pinagmulan ng ibinigay na titulo niya ngayon bilang The Ultimate Star.

Honored and grateful. That’s how and what she is daw sa paglagda sa bago niyang kontrata. Masarap nga raw sa pakiramdam.

Nilinaw ng manager niyang si Katrina Aguila na never nilang in-offer ang serbisyo ni Jen sa ibang networks. Sinusunod daw nila kung ano ang kagustuhan ng artist nila. At hindi rin daw importante ang mga bagay na gaya ng pagpapataas ng talent fee kundi ang relasyon ni Jen sa naturang network.

For Jen nasa Kapuso ang comfort zone niya.

And so far, wait and see pa sa sisimulang mga proyekto ni Jen sa TV at pelikula.

Tama siguro na siya naman na ang maging leading lady ni Alden Richards, ‘di ba?

And for being the 2nd sexiest ng FHM at kahanay na ng mga naging girlfriend ng mga nag number one sa nasabing babasahin sa puso ni Luis Manzano (siya,Angel Locsin and now Jessy Mendiola), happy pa rin daw siya. At iba-iba naman ang kaseksihang ini-exude nila sa mga bumoboto sa kanila.

Ayan! Dalawa na silang reyna ni Marian Rivera sa Kapuso! At wala raw kailangang maging kompetisyon kanila!

Cristy, Jobert at Ahwel, mabilis mag-abot ng tulong

SA sinasabing mga dahilan.

Nang kung tawagin ay pagtulong. Mabilis mag-abot ng tulong ang samahan sa industriya ng showbiz sa matitinding pangangailangan.

Sinasaluduhan sa bagay na ito ang Nanay ng showbiz na si Cristy Fermin. Sampu ng nakakatuwang niya gaya nina Jobert Sucaldito at Ahwel Paz.

Pero may mga dahilan na binibigyan ng hangganan…

Ang hugot nga, ”Hate is not the opposite of Love…but Indifference!”

May bagong pinagtutuunan ng pansin na pang-alis stress ang Nanay ng Showbiz sa kanyang bagong bukas na MeatFerMinute sa tabi ng kanyang Mga Obra ni Nanay Gallery sa #3 Sct. Gandia st. (Near st. Mary’s), Quezon City.

HARDTALK – Pilar Mateo

 

About Pilar Mateo

Check Also

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Poging BL Star nalaglagan ng poppers at lubricant habang pinagkakaguluhan ng mga faney

ni Ed de Leon IYON namang isang Poging BL Star, nagbakasyon yata sa abroad. Nasalubong siya roon …

Blind Item, Men

Young Male Star madalas sa orgynuman, fave imbitahan sa secret gay parties

ni Ed de Leon NAALALA tuloy namin ang isang tsismis pang narinig namin, iyong si Young …

Ronnie Liang Harry Roque AR dela Serna

Ronnie Liang nadamay lang sa usaping Harry at AR

HINDI naman daw date ang nakita sa video na magkasama sina Ronnie Liang at Harry Roque. Iyon pala …

KDLex KD Estrada Alexa Ilacad

KDLex marami pang proyektong kaabang-abang

HOTTEST Musical Pair ang taguri ngayon kina KD Estrada at Alexa Ilacad o mas kilala sa kanilang tambalang KDLex. Mula …

Kathryn Bernardo Barbie Forteza David Licauco

Barbie sa pagkokompara kay Kathryn—big honor for me, sana makatrabaho ko siya

GRABE pala ang paghanga ni David Licauco kay Kathryn Bernardo. Maging si Barbie Forteza ay wish nitong makatrabaho ang Box-Office …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *