Wednesday , April 1 2026

Entertainment

Gil Cuerva, intense ang pagiging PDEA agent

BAGO naging artista, nanggaling sa mundo ng modelling si Gil Cuerva, na tulad ng showbiz ay may mga tao rin na kundi man tumikim ay lulong sa droga. Ano ang masasabi ni Gil sa sitwasyon ng drugs sa dalawang mundong pinasok niya? “Well, to be frank po, I think both the modelling industry and this industry, showbiz industry, you know, …

Read More »

Yen, okey lang makipagrelasyon sa bakla o tomboy

HANDANG main-love sa bading o tomboy ang lead actress ng pelikulang Two Love You na si Yen Santos. Ani Yen, ”Seryosong sagot, opo. Siguro hindi lang sa bading maging  sa tomboy. “May  mga bading kasi na mas nagiging lalaki pa kaysa tunay na lalaki. “Ang pag-ibig naman kasi wala sa gender ‘yan , mai-in-love ka roon sa person hindi sa gender. “Ako naniniwala …

Read More »

MTRCB, nagsagawa ng inspeksiyon sa mga bus

NAGSAGAWA ng on-the-spot-inspection and informative drive ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa mga pasahero at common bus terminals noong Oktubre 30, 6:-00 a.m. onwards para sa Undas. Pinangunahan ito ni MTRCB Chairperson Rachel Arenas. Ang naging coverage ng inspection ay itinuon sa mga bus at sa paligid ng bus terminals sa Cubao, Quezon City. Pinaalalahanan ni Arenas …

Read More »

TV reunion ng KathNiel, sa Mexico gagawin

Kathniel Kathryn Bernardo Daniel Padilla

MAPAPANOOD nang muli sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang reunion TV project na gagawin sa Mexico. Mapapanood ito next year mula sa Dreamscape Entertainment ng ABS-CBN. Balitang excited na sa kanilang reunion sina Kathryn at Daniel at kinailangan muna nilang magpahinga for a while para makapag-recharge. Bukod sa teleserye may isa pang sorpresa ang KathNiel sa kanilang fans …

Read More »

Moira, nominado bilang SouthEast Asian Act sa 2019 MTV EMAS

Moira Dela Torre

PABONGGA nang pabongga ang career ni Moira dela Torre. Pagkatapos niyang magwagi sa katatapos na Awit Awards at Himig Handog 2019, isang nominasyon naman ang natanggap niya sa MTV EMA 2019, ang Best Southeast Asian Act na gagawin sa Seville, Spain. Ani Moira, ikinagulat niya ang nominasyon. “Sobra akong na-overwhelm kasi ang daming blessings. Ang dami kasing nawalang opportunities for a …

Read More »

Magkumareng aktres, nag-away sa billing

NOT necessarily close ang dalawang aktres na ito kahit pa halos magkakontemporaryo sila. Dahil mas naunang pumasok sa showbiz si Actress A kung kaya naman mas nauna siyang magbida kaysa kay Actress B sa pelikula. Pero dumating din naman ang turn ni Actress B, ini-launch din siyang bida sa pelikula. Mula noon, madalas nang magsama sa pelikula ang dalawang aktres …

Read More »

Julia, masuwerte pa rin kahit puno ng kontrobersiya

MAHIHIRAPANG wasakin si Julia Barretto kahit marami itong kontro­bersiyang kinasasangkutan. Ang dahilan, may bago siyang digital series, at tila naging in demand pa sa mga endorsement. Siya ang kasama ni Tony Labrusca sa I Am You ng Dreamscape Entertainment at The IdeaFirst para sa iWant. Bagamat nadikdik si Julia sa away ng kanyang inang si Marjorie sa mga tiyahin nitong …

Read More »

Sarah, bigo sa Unforgettable

NAGULAT kami nang magtungo sa SM Manila noong All Saint’s Day para manood ng Unforgettable ni Sarah Geronimo. Kakaunti lamang kaming nanood ng pelikula. Posibleng marami ang nasa bakasyon at dumalaw sa puntod ng kani-kanilang mahal sa buhay. Sa totoo lang, wala kaming nami-miss na pelikula ng Pop Princess dahil paborito namin siya kaya hinabol namin ito noong Undas para …

Read More »

Serye ni Coco, limang taon nang nangunguna

coco martin ang probinsyano

WALANG kaabog-abog at hindi natin naramdaman na maglilimang taon na ang itinaktakbo ng action serye ni Coco Martin, ang FPJ’s Ang Probinsyano. Paano naman kasi very updated ang takbo ng kuwento ng serye na isa sa mga direktor ay ang aktor mismo. “Tatak Kapamilya!” Ang one-liner nga ni Coco. “‘Yan ang patunay na number 1 ang ABS-CBN hindi kagaya ng …

Read More »

Weekly show ni Carmina, bentahe sa Sunod

KRIS AQUINO’S loss is Carmina Villaroel’s gain. Ito’y makaraang ang pumalit sa dapat sana’y entry ni Kris sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na (K)ampon kasama si Gabby Concepcion ay na-disqualify. Ang ending: ang next in line sa parehong genre (horror) na Sunod   tampok si Carmina ang pumalit sa nabakanteng slot. Kahit magkatunog, hindi dapat ipagkamaling ang Sunod ay sequel ng horror flick ding Sundo na pinagbidahan ni Robin Padilla noong 2009. Anyway, malaking …

Read More »

Kris, wise investor kaya naitataguyod ang mga anak (Kahit walang sustento mula sa mga tatay)

Kris Aquino Josh Bimby

SPEAKING of Kris, kung dati-rati’y ipino-post niya ang kanyang foreign trip, recently ay wala siyang bansang binanggit where she was headed to. Dalawa lang namang bayan ang malimit na puntahan ng Queen of All Media: Japan at Singapore. Japan dahil para sa kanilang mag-iina (Josh at Bimby) ay doon niya nararanasan ang complete relaxation malayo sa stress dulot ng kung anumang isyung kinapapalooban …

Read More »

Spiritual adviser nina Greta at Claudine, kontrobersiyal din?

EWAN kung ang kontrobersiyal na paring si Fernando Suarez nga ang spiritual adviser ngayon nina Gretchen at Claudine Barretto. Ang kontrobersiyal na pari ay nakita sa isang picture na kasama nila sa isang lunch para sa ilan nilang kaibigan, kasama rin ang kanilang inang si Inday Barretto. Si Gretchen ay kabilang sa isang grupo ng mga “born again” Christian. Si  Suarez naman ay isang …

Read More »

Nuuk, makabuluhang pelikula para kay Aga

HINDI iniisip ni Aga Muhlach na isang box office hit ang pelikulang kanyang gagawin. Noong tanggapin niya ang pelikulang Nuuk, sinabi niyang tinanggap niya agad iyon dahil naiiba ang material at naniniwala siyang magiging challenge ang role sa kanyang abilidad bilang isang actor. Iyong mga artistang kagaya ni Aga, napatunayan na nilang lahat ang kaya nilang gawin. Ang iniisip na lang niyan ay …

Read More »

Ako Naman, Kiel Alo’s biggest break sa Music Museum

KIEL ALO is tagged as the HUGOT KING of the new generation—a balladeer par excellance indeed! Everytime he sings his favorite love songs, he makes heads turn. Maybe because his voice has so much sincerity and sweetness. “Palagi na lang sila. AKO NAMAN! AKO NAMAN!” he jokes during a tsikahan which indeed up with a pre-birthday concert entitled AKO NAMAN …

Read More »

Nuuk nina Aga at Alice, nuknukan ng ganda

GANDANG-GANDA kami sa pelikulang Nuuk nina Aga Muhlach at Alice Dixson na idinirehe ni Veronica Velasco handog ng Viva Films. Maganda kasi ang pagkakalahad ng istorya. Malinaw at interesting. Isang suspense-thriller ang pelikulang Nuuk na kinunan sa Greenland. Kaya naman talagang kailangang tutukan ito mula umpisa hanggang huli para mas ma-appreciate mong mabuti ang takbo ng istorya. Medyo may kabigatan ang tema ng istorya lalo’t tumatalakay sa …

Read More »

Direk Cris, TBA Studios, overwhelm sa pagkakasali ng Write About Love sa MMFF

AMINADO si Direk Crisanto B. Aquino na hindi niya inaasahang makakasali ang kanilang pelikulang Write About Love ng TBA Studios sa 45th Metro Manila Film Festival. First time magkaroon ng entry ni Direk Cris sa MMFF bukod pa sa alam niyang malalakas at malalaki ang kalaban niya sa festival. Kaya naman sobra-sobra ang saya niya at pasasalamat na nakasama sa Magic 8 ang kanilang pelikulang pinagbibidahan nina Miles Ocampo (Maledicto, The Debutantes), Rocco …

Read More »

Meranie Gadiana Rahman newly crowned Mrs. World Philippines 2019 sa Paris, France (PH representative sa Mrs. World 2019 sa Las Vegas)

Nadag­dagan na naman ang crown titles ni Meranie Gadiana Rahman, nang siya ang makoro­na­hang “Mrs World Philippines 2019” nitong October 22, sa Paris, France. Dati, pangarap lang ng Mrs. Hawaii Trans­continental 2019 at Mrs Global Inter­national 2019 ang makarating sa Paris para makipag-compete sa kapwa kandidata para sa Mrs. World Philippines and without any expectations, siya pa ang nakasungkit ng …

Read More »

Macho Man sa Eat Bulaga may chubby version na “Pa-Macho Men”

Eat Bulaga

Matapos tanghaling Grand Winner at manalo ng P100K noong Sabado sa grand finals ng Macho Man si Jonas “The Gymnast” na pasok na sa Tatak Eat Bulaga Grand Showdown bilang si Macho Man Pau “The Pirate.” Ang kanyang runner-up, ang mga macho chubby, huggable sa “Pamacho Men” ang magpapatalbugan ng galing sa paghataw sa dance floor, husay sa pagpapakilala, at …

Read More »

Kitkat, swak ang kaseksihan sa Slender Sips Coffee and Juice ng BeauteDerm

SWAK ang kaseksihan ni Kapamilya actress na si Kitkat sa ipino-promote niyang produkto ng BeauteDerm, which is Slender Sips Coffee and Juice. Nang makahuntahan namin siya’y napag-usapan namin ang pagiging bahagi niya ng patuloy sa paglaki ng pamilya ng BeauteDerm. “Sabi nga nila Papa Sam, ‘yung asawa ni Mommy Rei (Tan). ‘Yun daw ini-approach siya kung sino ang karapat-dapat na model ng …

Read More »

Mojak, sobrang happy sa nominasyon sa PMPC Star Awards for Music

SOBRA ang kagalakan ng talented na singer/composer/comedian na si Mojak nang ma-nominate siya sa darating na PMPC 11th Star Awards for Music. Masayang kuwento niya, “Naku, pagkabasa po ng inilabas na line-up para sa 11th PMPC Star Awards for Music, ‘yung mga nominated at nakita ko ang pangalan ko napasigaw ako! Seryoso ba ito?! Isa ako sa mga nominated?! Ganoon po …

Read More »

Estrella Barretto kinompirma na siya ang ‘Inday’ na tinutukoy ni Marjorie!

LAST night (November 3), @barrettoestetrella posted in her private account’s Instagram Story saying: “I am the Inday Marjorie was referring to after a big fight in the hospital about the Subic home we own. “im shock & in so much pain as a mother.” Tungkol sa viral video, ito ang nakasaad sa statement ni @barrettoestrella: “i just learned about the …

Read More »

Silahistang aktor, mahilig magpaasa!

blind mystery man

Nakababaliw ang drama ng silahistang aktor na mahilig magpaasa sa mga babaeng kanyang nagiging leading lady sa mga soap opera na kanilang pinagsasamahan. Kapag ongoing pa ang kanilang pinagtatam­balang soap, kiyemeng manliligaw siya sa kanyang leading lady. Pero saan ka, once na tapos na ang kanilang pinagtambalang soap, deadma na siya at stop na ang kanyang panliligaw. Tulad na lang …

Read More »

Imelda Papin, line producer ang bagong pinagkakaabalahan

Imelda Papin

NAKABIBILIB naman ang estamina ng Vice Governor ng CamSur na si Imelda Papin. Imagine, ang dami niyang project na ginagawa bilang public servant maliban pa ang dalawang showbiz organization na inaasikaso niya. Nariyan din ang pagiging line producer na ang unang project ay ang The Miguel Malvar Story. Sa totoo lang, nagulat kami nang malaman ang bagay na ito nang nag-guest siya …

Read More »

Kathryn, pinag-aagawan nina Aga at Piolo

ANG haba ng hair ni Kathryn Bernardo ha. Balita kasing gusto siyang makatrabaho pareho nina Piolo Pascual at Aga Muhlach. Sinabi kamakailan ni Piolo na gusto niyang si Kathryn ang makatambal sa susunod niyang pelikula. May nakahanda na kasi siyang istorya para sa aktres at hinihintay na lamang niya ang availability nito, Samantala, inamin din ni Aga na gustong-gustong niyang makatambal si Kath. Nagustuhan kasi …

Read More »