Wednesday , August 17 2022
coco martin ang probinsyano

Serye ni Coco, limang taon nang nangunguna

WALANG kaabog-abog at hindi natin naramdaman na maglilimang taon na ang itinaktakbo ng action serye ni Coco Martin, ang FPJ’s Ang Probinsyano. Paano naman kasi very updated ang takbo ng kuwento ng serye na isa sa mga direktor ay ang aktor mismo.

Tatak Kapamilya!” Ang one-liner nga ni Coco.

“‘Yan ang patunay na number 1 ang ABS-CBN hindi kagaya ng iba riyan na self-proclaimed na number 1 sila pero hindi naman totoo. Iba kasi gumawa ng teleserye ang Dos, pinagpaplanuhan, pinag-iisipan, pinaghahandaan, may kabuluhan, may aral sa bawat kuwento. Mga de-kalidad,” patuloy ng aktor.

“Siyempre, pangmasa! At saka, napapanahon ang mga pangyayaring ipinakikita nila. Unlike sa GMA puro kaekekan,” sambit naman sa amin ng isang kaibigan.

Sinabi pa nitong malaking tulong ang pagre-revive ng palabas ni FPJ  na hindi lamang entertaining kundi isa ring family-oriented na panoorin.

Maliban sa mga regular na gumaganap, kaabang-abang ang kanilang mga guest na magagaling pang umarte. Kaya, naman hindi napigilan ang pag-ariba ng aming kausap kung paano wawakasan ang ganitong klaseng panoorin na hindi OA sa drama at kung may love angle man ay hindi pilit.

Isa pa, hindi halo-halo ang pagpasok at paglabas ng mga panauhin sa eksena dahil may kanya-kanya silang tamang oras kung kailan lalabas at kung kailan papatayin ang mga karakter.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

About Alex Datu

Check Also

Maine Mendoza Art Atayde

Maine nakipagkulitan sa Papa Art ni Arjo 

MATABILni John Fontanilla MASAYANG ibinahagi ng awardwinning actress na si Sylvia Sanchez ang mga  photo ng bonding …

Marian Rivera Kathryn Bernardo

Kathryn naki-party sa birthday ni Marian

I-FLEXni Jun Nardo SPOTTED ang Kapamilya star na si Kathryn Bernardo sa nakaraang 38th birthday celebration ni Marian Rivera. Ilan …

Ruru Madrid Bianca Umali Korea

Sweetness nina Ruru at Bianca sa Korea ibinandera

I-FLEXni Jun Nardo SUPER-FLEX sina Bianca Umali at Ruru Madrid ng kanilang lambingan sa South Korea. Pinasyalan ni Bianca …

blind item, woman staring naked man

Beteranang female star nakapag-take home ng bagets

ni Ed de Leon KINAUSAP daw ng barkada niya ang isang bagets na 23 years …

Iza Calzado pregnant

Iza nakahabol pa kahit sa huling byahe

HATAWANni Ed de Leon TIMING ang ginawang announcement ni Iza Calzado na siya ay buntis. Kaya namin …

Leave a Reply