Tuesday , May 28 2024

Nuuk nina Aga at Alice, nuknukan ng ganda

GANDANG-GANDA kami sa pelikulang Nuuk nina Aga Muhlach at Alice Dixson na idinirehe ni Veronica Velasco handog ng Viva Films. Maganda kasi ang pagkakalahad ng istorya. Malinaw at interesting.

Isang suspense-thriller ang pelikulang Nuuk na kinunan sa Greenland. Kaya naman talagang kailangang tutukan ito mula umpisa hanggang huli para mas ma-appreciate mong mabuti ang takbo ng istorya.

Medyo may kabigatan ang tema ng istorya lalo’t tumatalakay sa suicide. Tamang-tama ang lokasyon, isang bansang nababalot sa nyebe na malamig, malabo, puno ng misteryo. Mataas din daw ang suicide rate sa Nuuk, Greenland dahil sa sobrang lamig ng klima at pagkakahiwalay sa ibang mga bansa. Tulad ng pagkatao ni Aga, si Mark Alvarez, nababalot sa misteryo ang buo niyang pag­katao.

Sa una’y aakalaing pelikula ni Alice ang Nuuk dahil naka-focus sa kanya ang istorya na namatayan ng asawa at iniwan ng nag-iisang anak dahil hindi sila magkasundo. Nag-self-pity si Alice (Elaisa) dahil sa sobrang kalungkutan na kinailangan ng tulong ng pills para makatulog. Hanggang sa hindi namalayang, magiging dahilan ng isang aksidenteng muntik kumitil ng kanyang buhay, mabuti na lamang at dumating sa kanyang buhay si Mark.

Magaling si Alice lalo na roon sa breakdown scene niya. Pang-best actress nga ang acting niya, sabi rin ng mga katoto sa panulat.

Sa­mantala, ang akala nami’y nakasuporta lamang na Aga’y biglang humugot at nagpakita ng kakaibang arte. Rito naman kasi mapupuri si Aga, magaling siyang magpakita ng iba’t ibang klase ng arte. May ibubuga pa talaga ang isang Aga Muhlach.

Interesting ang ending ng Nuuk at tiyak mapapapalakpak kayo.

PG-13 ang Nuuk at palabas na sa mga sinehan simula ngayong araw.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Diwata

Diwata ayaw magseryoso sa lalaki — baka mawalan ako ng puhunan, maubos

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAYONG-MALAYO na talaga ang naabot ni Diwata mula sa pagiging walang-wala ngayo’y …

Carlo J Caparas

Direk Carlo pumanaw sa edad 80

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang batikang Comics King, novelist, writer, at director na si Carlo …

tiktok

Mga artista naisasantabi dahil sa mga Tiktokerist 

I-FLEXni Jun Nardo PISTA ng Holy Trinity kahapon sa lugar namin sa Balic-Balic, Sampaloc. Kaya …

blind item woman man

Television/event host gigil sa baho ng male starlet

HATAWANni Ed de Leon MAY isang television at event host na pilit kaming pinaaamin kung …

Leo Dominguez Ogie Alcasid

Manager ni Ogie na si Leo Dominguez namaalam na rin

NAUNA lang ng isang araw kay direk Carlo Caparas, namatay naman ang talent manager na si Leo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *