Friday , March 6 2026

Entertainment

13 TV channels, sinagot ni Pacquiao para sa DepEd

IBANG talaga si Senator Manny Pacquiao! Aba eh, sinagot niya ang gastos para sa 13 TV Channels para magamit ng Department of Education (DepEd) ngayong darating na pasukan. Ani Pacman, hindi niya matiis na mapag-iwanan sa aralin ang mga estudyanteng mahihirap at nasa malalayong lugar na hindi kayang bumili ng mga laptop at gadgets para sa online learning. “Galing ako sa hirap kaya alam …

Read More »

Poging matinee idol, ‘di type ang GF na masyadong mahilig

blind item woman man

SABI ng isa naming source, hindi naman daw bading ang dating sikat na poging matinee idol. Siguro nga raw ay tripper lang, kasi nga may bisyo. Siguro raw kaya nagkakaroon ng kakaibang trip at nakikipagpatulan sa male model-starlet na kilala namang pumapatol din sa kahit na sino. Iginigiit ng aming source, hindi ang male model-starlet ang dahilan ng pakikipag-split noon ni pogi sa …

Read More »

Marian, nag-back-out sa My First Yaya (Tandem with Gabby, ‘di na tuloy)

KINOMPIRMA ni Marian Rivera ang pag-back out sa Kapuso series na My First Yaya kahit nasimulan na niyang mag-taping bago ang malawakang pandemya sa bansa. Kinompirma ni Yan ang pagtangging ituloy ang series kaya tuluyan nang naudlot ang pagsasama nila ni Gabby Concepcion. “Alam kong ginawa para sa akin ‘yung series. Nanghihiyang din ako dahil hindi na talaga matutuloy ang pagsasama namin ni Kuya Gabby. Tinawagan ko rin …

Read More »

Janella Salvador, buntis nga ba?

ABA, mukha ngang talagang seryoso na ngayon ang lovelife ni Janella Salvador. Nasa UK na pala siya, kasama ang ermat niyang si Jenine Desiderio at ang kanyang kapatid na si Russel. At maliwanag sa mga video na posted sa kanilang mga social media account na sila ay nasa bahay doon ng kanyang boyfriend na si Markus Patterson. Noong una nagde-deny pa sila sa kanilang relasyon, …

Read More »

Marian Rivera, teleserye with Gabby Concepcion na “My First Yaya” sa GMA hindi na gagawin (Ayaw mawalay sa mga anak na sina Zia at Sixto)

IT’S been six months na hindi na nakukumusta ng kanyang chore group sa press ang sikat na actress TV host na si Marian Rivera. At alam naman natin ang rason na dinale tayong lahat ng CoVid-19 pandemic. Last Saturday, kahit sa pamamagitan ng virtual interview ay nakipag-chikahan via Zoom sa aming lahat si Marian na mother of two pero hindi …

Read More »

Yasmien, excited makauwi after ng lock-in taping

MASAYA at proud na ipinasilip ni Yasmien Kurdi ang ilang behind-the-scene photos mula sa kanilang lock-in taping para sa bagong program ng Kapuso Network na I Can See You: The Promise. Sa kanyang Instagram post, makikitang may suot siyang face shield, nagpasalamat si Yasmien sa maingat na pagtatapos ng kanilang lock-in taping. “Done. THANK YOU, LORD! ayyiiieee uwian na, natapos din namin! pagkatapos ng ilang araw na …

Read More »

Anthony Rosaldo, may patikim sa YouTube 

KATULAD ng maraming celebrities, may bagong natutuhang skill ang Kapuso performer na si Anthony Rosaldo ngayong quarantine. Ipinakita niya ito sa fans sa YouTube channel niya na E-Sing Lutuin. Kuwento ni Anthony, “Sa mga nagdaang months ngayong quarantine, isa sa unlocked skills ko ang pagluluto na natutuhan ko sa kakapanood ng cooking videos online. Kaya naman na-inspire akong i-share sa inyo ang skill na ito.” Unang pinag-eksperimentuhan …

Read More »

Love story nina Vice Ganda at Ion sa telebisyon, natuldukan na 

DATI-RATI mistulang teleserye ng love story nina Vice Ganda at Ion Perezang napapanood sa It’s Showtime. Nariyang sinusubuan ni Ion si Vice ng mga paboritong pagkain. Mayroon ding eksenang lambingan at harutan. Subalit nang sumalakay ang pandemic, parang natuldukan ang love story ng dalawa kasabay ng pag-shutdown ng ABS-CBN. Sa ngayon, bihira nang mapanood si Vice bagamat mayroon siyang online show na hindi naman accessible sa …

Read More »

Anak ni Deborah, tinulungan ni Yorme na makapag-aral

MASAYA si Deborah Sun dahil natulungan ang kanyang bunsong anak, si Gem ni Mayor Isko Moreno na makapasok sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM). Matagal ng pangarap ng anak niya na makapasok sa naturang pamantasan. May pangako sana ang yumaong aktres, si Liberty Ilagan na pag-aaralin ito. Katatapos lang mag-debut ni Gem at ngayon ay may online business siya, gumagawa siya ng mga pastries at …

Read More »

BB Gandanghari, bakit binubuhay pa ni Rustom Padilla?

NOONG araw ibinabando ni BB Gandanghari na patay na ang dating  action star, si Rustom Padilla buhat nang magpalit siya ng katauhan. Pero teka, bakit ngayon parang muling binubuhay niya ang action starang at ibinida ang mga kabaklaang escapade. Hindi lang ‘ayn, nandamay pa siya ng mga nanahimmik na actor. Sinasabing mayroon pa siyang balitang pasasabugin at mag-e-expose ng mga nakaraang ugnayan sa iba’t …

Read More »

Nanding Josef, natuwa sa papuri ni Nora

BULGARAN ang sobrang paghanga ni Nora Aunor noong mapanood ang short film na Heneral Rizal na nagtatampok at siya ring nagdirehe, ang award winning actor na si Nanding Josef. Ani Guy,  marami siyang natutuhang makadaragdag sa kaalaman sa pagganap. Hinangaan din ni Guy ang istorya nito. Flattered naman on the other hand si Direk Nanding dahil isang batikang actress ang pumupuri sa kanyang obra …

Read More »

Gerald Santos, sasabak sa matinding training sa pagpu-pulis 

THANKFUL si Gerald Santos dahil makakasama siya sa kontrobersiyal na SAF 44 movie, ang 26 Hours: Escape From Mamasapano hatid ng Borracho Films na ididirehe ni Law Fajardo. Gagampanan ni Gerald ang role ng lone survivor ng 55th Special Action Company (SAC) na si Police Officer 3 Christopher Lalan. Ayon kay Gerald, “Nagpapasalamat ako kay Atty. Ferdinand Topacio dahil isinama niya ako sa napaka-makabuluhang pelikula about Mamasapano Massacre, na gagampapan …

Read More »

Anak ni Sylvia na si Gela, namana ang galing niya sa pagluluto

PROUD mom si Sylvia Sanchez sa kanyang anak na si Gela Atayde na bukod sa husay sa pagsasayaw ay pinasok na rin ang food business, ang  Nathan’s Cuisine na ang specialty ay ang napakasarap na Tacos, Nachos, Callos, at Quezo De Bola spread na siya mismo ang nagluluto. Namana ni Gela ang husay sa pagluluto sa kanyang Mommy Sylvia na siya ring kinahihiligang gawin ng aktres. At dahil …

Read More »

Janice at Ruffa, ayaw ng magka-BF; Sunshine, natawa sa tanong kung kailan magpapakasal

HIWALAY man sa mga naging mister nila ang mga establisado nang aktres na sina Janice de Belen, Ruffa Gutierrez, at Sunshine Cruz, na pawang malalaki na rin ang mga anak, nakatutuwang hanggang ngayon ay tinatanong pa rin sila kung interesadong makapag-asawa muli, lalo na’t pare-pareho naman silang annulled na ang mga kasal. Umamin sina Janice at Ruffa sa magkahiwalay na interbyu na …

Read More »

Gladys Guevarra, nagbuga ng hinaing: Wala kang mararating, wala kang kuwentang tao

BANTAY ako lagi sa mga chika ni beshie Gladys Guevarra sa kanyang Facebook account. Kaya agad naming nalalaman ang mga bahong kaganapan sa buhay niya. Gaya nitong kamakailan niyang ibinahagi na “buga.” “Kakabigla noh? Parang mas maganda pa yata, namatay nalang, para pag tinanong nyo kong lahat isang paliwanagan nalang.  “Kahit ako nabigla eh. Hindi ganun pagkakakilala nating lahat. Mas artista pa sa akin. …

Read More »

Ang Probinsyano, hinahanap sa free tv

HINAHANAP at inaabangan ng fans ang duwelo nina Coco Martin at Richard Gutierrez sa action-seryeng Ang Probinsyano.   Nabalitang matagal ng usap-usapan ang confrontation nina Coco at Richard, ang problema lang hindi iyon ganoon kadaling mapanood. Marami pa rin ang hinahanap ang action-serye sa free tv. Marami rin kasi ang hindi makapag-online. Sana lang ay mapanood ito ng kamaramihan sa free tv.   SHOWBIG ni …

Read More »

BB Gandanghari, magbigay na lang ng ayuda kaysa ipangalandakan ang mga nakarelasyon

SA nangyayaring kalungkutan at problema sa hanapbuhay, parang katawa-tawa naman ang inuugali ni BB Gandanghari na naghahamon pang aminin ng ilang nakarelasyon niya ang naging ugnayan ng mga ito kay Rustom Padilla. Teka BB,  sino naman sa palagay mo ang aamin sa mga lalaking nagkaroon ng relasyon sa ‘yo lalo’t may mga image ang mga ito na pinoprotektahan? Mabuti si BB aminado na siyang …

Read More »

Sanya, excited sa itatayong airport sa Bulacan — Maraming papasok na turista at negosyo

NABABAHALA si Sanya Lopez sa kalagayan ng mga kababayan niya sa Malolos, Bulacan ngayong pandemya dulot ng Covid-19. Naiisip niya ang kalagayan ng mga ito. Pero nabura ang pag-aalala niya nang mabalitaang may itatayong airport ang San Miguel Corporation sa ‘di-kalayuan sa bayan ng Bulakan.   “Nakaka-proud kasi taga-Bulacan ako and magkakaroon na kami ng airport dito,” ani Sanya.   Dahil sa itatayong airport, makapagbibigay …

Read More »

Yasmien, ‘di muna mayayakap at mahahalikan ang asawa’t anak

FEELING balikbayan si Yasmien Kurdi nang bumalik sa pamilya matapos ang apat na araw na lock-in tapings sa bagong Kapuso series na I Can See You: The Promise sa Cavinti, Laguna. Ibihagi si Yasmien ang isang short video sa kanyang Instagram, ang surprise ng asawang si Rey Soldevilla at anak na si Ayesha Zara. Binigyan pa siya ng bulaklak at inayos ang kanyang kuwarto kung saan siya magse-self quarantine.   “Sobrang …

Read More »

Tuesday, nag-init ang ulo sa isyung tomboy

HAPPY na si Tuesday Vargas dahil nagkaroon siya ng pagkakataon para maging certified Plantita at sa pamamagitan ng kanyang Tues To Grow eh, nakapagbebenta at kumikita na siya sa mga inaalagaang halaman. Pero, sa mundong ito nga, hindi lahat masaya na makita o mabalitaang may nilalang na gumaganda ang takbo ng buhay, lalo sa panahon ng pandemya. Inintriga kasi si Tuesday sa kanyang pagbebenta …

Read More »