Tuesday , January 13 2026

Entertainment

Christine tiyak na pag-uusapan sa Scorpio Nights 3

Christine Bermas

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAPAKA-RAW at ibang-iba ang nakuha naming sagot kay Christine Bermas nang magkaroon ito ng solo presscon noong Miyerkoles ng gabi sa Botejyu Estancia para sa pinagbibidahan niyang pelikula, ang Scorpio Nights 3. Tila hindi niya alam na star na siya kaya siya nagkaroon ng solo presscon na unang nangyari kay Angeli Khang.Karaniwan na kasing digital mediacon o lahat ng …

Read More »

Mag-iinang Kris, Josh, at Bimby nagpositibo sa Covid

Kris Aquino Josh Bimby

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INIHAYAG ni Kris Aquino na nagpositibo siya gayundin ang mga anak na sina Joshua at Bimby sa Covid-19. Sa Instagram post ni Kris nitong Huwebes ng madaling araw, inamin niya na nagpositibo sila sa COVID-19. “Kuya Josh tested positive for [COVID-19] on June 20. Nurse took his temperature then they got antigen kits, tested him first because …

Read More »

25 tin-edyer bibida sa Genius Teens

Genius Teens

NAALIW at nalula kami sa rami ng mga bida sa Genius Teens na pinamahalaan ng Italian director na si Paolo Bertola. May 25 teens kasi ang bida sa dapat pala ay one-season six episode series na nagtatampok ng local at international actors pero ngayo’y ginawang multi-chapter film. Ang pelikula ay kinunan sa Nueva Ecija at ayon kay direk Paolo nagpa-audition sila. Anang Italian …

Read More »

Andrea tinratong reyna sa Pasional

Andrea Torres

RATED Rni Rommel Gonzales BIDA si Andrea Torres ngayong 2022 sa international movie na Pasional na gaganap siya bilang isang dancer. Una na rito ay ginawa ni Andrea ang Cambodian film na Fight For Love noong 2016. Kumusta magtrabahong muli sa isang international movie? Ano ang malaking kaibahan ng isang foreign production sa isang local production? “I feel incredibly blessed with the projects I’m given since last year. Talaga …

Read More »

Kyle Juliano lalong mamahalin sa ibang bersiyon ng When I Met You 

Kyle Juliano

MULING iparirinig ni Kyle Juliano ang galing niya sa pagkanta ng mga romantic songs sa paglalapat ng bagong tunog sa isa sa popular na awitin ng Apo Hiking Society, ang When I Met You. Ang rising singer, na may 517,000 monthly listeners sa Spotify sa ngayon ay muling magpaparinig ng kanyang  romantic vocals sa awiting pinasikat ng Apo. Walang duda na itong bagong handog niyang …

Read More »

Jeffrey Tam kakaiba ang magic

3in1 Jeffrey Tam

HARD TALKni Pilar Mateo MAGIC? Kahit yata malayo na tayo sa kinagisnang kabataan, gusto pa rin nating makapanood ng mga mahika blanca sa mga bating pinag-aralan din naman ang sining na ito. Isa sa hinahangaan sa naturang larangan itong si Jeffrey Tam. Isang komedyante rin na napapanood sa TV at pelikula. Inusisa ko ito dahil gusto ko panoorin ang palabas na 3 …

Read More »

Mami Caring naiyak sa music docu ni Ice

Ice Seguerra Mommy Caring

HARD TALKni Pilar Mateo DALAWANG babae ang may hawak ng susi sa puso ng mang-aawit na si Ice Seguerra. Ang kanyang inang si Mommy Caring. Ang kanyang partner sa buhay na si Liza Diño. Sila ang umangkla sa naging paglalakbay ni Ice sa mundo na patuloy na naghahanap ng kasagutan ang damdamin niyang maski sarili ay hindi mahalukay. Depresyon. Big word!  At sa …

Read More »

Ima at Sephy nagpatalbugan sa Funpasaya sa Fiesta 2022

Ima Castro Sephy Francisco Funpasaya sa Fiesta 2022

MATABILni John Fontanilla DINUMOG ang mini-concert via Funpasaya sa Fiesta 2022 nina Ima Castro at Sephy Francisco sa Socorro, Surigao Del Norte kamakailan na ginanap sa Plaza Bucas Grande Island. Nakasama nina Ima at Sephy sa mini-concert ang Club 690 performers na sina Cherry Pie, Aikee The Black Butterfly, at Fire Diva Daryl na talaga namang mabentang-mabenta sa mga taong naroroon. Sobrang pinahanga nina Ima at Sephy ang mga nanood sa …

Read More »

Emosyon ni Dennis ibinuhos sa sulat sa anak

Dennis Padilla Leon Barretto Padilla

MATABILni John Fontanilla PUNUMPUNO ng emosyon ang liham ni Dennis Padilla sa kanyang anak na lalaki kay Marjorie Barretto, si Leon Padilla. Sa kanyang liham ay nakasulat ang saloobin ni Dennis patungkol sa kanyang pinanghihinayang sandali sa kanyang buhay, katulad na lang ng mga taong hindi niya kasama at kapiling tulad ng mga anak. Ang kanyang sulat kay Leon ay ipinost nito sa kanyang …

Read More »

Misis ni JC never pinagselosan si Bela

JC Santos Rhea Tan Shyleena Herrera Beautéderm BeautéHaus

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang ugali ng misis ni JC Santos tungo sa pagkakaroon ng kapareha na nauuwi sa kung minsan ay matitinding halikan o lovescene. Okey lang kasi ito kay Shyleena Santos dahil katwiran niya trabaho lang iyon. Kaya naman masuwerte si JC kay Shyleena dahil mabait at hindi ito selosa. Nakausap namin sina JC at Shyleena sa paglulunsad sa kanila …

Read More »

2 pa sa miyembro ng Ben&Ben tinamaan ng Covid

Ben&Ben

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKANSELA ang sana’y concert ng Ben&Ben sa July 2 sa  Santiago, Isabela dahil dalawa sa miyembro nito ang tinamaan ng COVID-19 kamakailan. Nagpositibo sa COVID-19 ang lead singer ng Ben&Ben na si Paolo Benjamin at si Toni Muñoz, ang percussionist at vocalist din ng band. Naka-isolate na ang dalawa at nagpapagaling na. Sa official Twitter page ng Ben&Ben, inihayag ng grupo na  na-reschedule …

Read More »

Pinay International singer Jos Garcia may bagong single

Jos Garcia Namimiss Ko Na

MATABILni John Fontanilla NAGLABAS ng bagong single ang Pinay International singer na si Jos Garcia, ang Namimiss Ko Na na siya mismo ang nag-compose. Excited na nga ang Pinay singer na nakabase sa Japan na marinig ng kanyang mga supporter sa Pilipinas at karatig-Asya ang kanyang bagong awitin, lalong-lalo na sa mga taong may mga nami-miss sa kanilang buhay. Ayon sa tumatayong manager …

Read More »

Sanya sa pagiging reyna ng GMA — Marami pa akong dapat i-improve

Sanya Lopez

RATED Rni Rommel Gonzales MULA noong magsimula sa pag-aartista si Sanya Lopez, Kapuso na ito at hindi na umalis. Rason niya, sobra-sobra magmahal ang GMA. “Siyempre po, masarap maging loyal sa isang estasyon na sobra ang pagmamahal na ibinibigay sa ‘yo. Sila po ang rason kaya may napapanood po silang Sanya Lopez ngayon. “Utang na loob ko sa GMA ang unang mga …

Read More »

Mom ni Lianne napasigaw sa mainit na eksena nila ni Zoren

Lianne Valentin Zoren Legaspi

RATED Rni Rommel Gonzales NAG-VIRAL sa socmed ang steamy lovescenes nina Lianne Valentin at Zoren Legaspi sa Apoy sa Langit kaya naman hiningan namin ito ng reaksiyon. “Unexpected po ang pag-viral niya. Na-shock na lang po ako at kaming lahat noong nag-reach ito ng 12M views in two days. “But I guess that’s a good thing po and I’m happy with the outcome. Tumalon ‘yung puso …

Read More »

Isabel Santos dinalhan ng cake si Lloydie

John Lloyd Cruz Isabel Santos

I-FLEXni Jun Nardo LUMANTAD na ang rumored girlfriend ni John  Lloyd Cruz na si Isabel Santos. Umapir si Isabel sa birthday celebration ni John Lloyd sa taping  ng Kapuso sitcom niyang Happy ToGetHerkamakailan. May dalang birthday cake si Isabel ayon sa reports at may pa-kiss pa si JLC sa rumored GF habang kumakanta ng Happy birthday ang cast and staff ng sitcom. Presen din …

Read More »

Yorme Isko lolo na 

Isko Moreno Joaquin Domagoso

I-FLEXni Jun Nardo WALANG sagot sa text namin si Daddie Wowie Roxas, manager ni Kapuso actor Joaquin Domagoso, nang hingan namin ng reaksiyon sa lumabas na balita sa online show ni Cristy Fermin na Lolo na si Yorme Isko Moreno. Nanganak na raw kasi ang star na umano’y nabuntis ni Joaquin. Pero hindi binanggit ang name ng girl na anak daw ng isang broadcast journalist. …

Read More »

Glaiza, Carla, at Rabiya isasabong kay Charo

Charo Santos Glaiza de Castro Carla Abellana Rabiya Mateo

I-FLEXni Jun Nardo TATLONG Kapuso actress ang isasabong kay Charo Santos sa finale week ng First Lady. Magkakaroon ng special participation sa First Lady sina Glaiza de Castro, Carla Abellana, at Rabiya Mateo. Explosive ang finale ng First Lady at inaabangan ng manonood ang parusang sasapitin ni Alegra Trinidad (Isabel Rivas) pati na ang mga kaibigang Ambrosia (Samantha Lopez) at Marni (Glenda Garcia). May netizens na humihiling ng part …

Read More »

Mars pa More titiklop na

Kuya Kim Atienza, Iya Villania, Camille Prats, Mars Pa More

I-FLEXni Jun Nardo BILANG na ang araw ng GMA morning show na Mars Pa More dahil finale week na  nito ngayong linggo. Isang dekadang naghatid ng kasiyahan at chikahan ang Mars Pa More na sinimulan nina Camille Prats at Iya Villania na kalauna’y sinamahan ni Kim Atienza. Siyempre, kada araw mula ngayon hanggang Friday ay special at pasabog ang kada episode. Kapalit ng show ang TikTokClock na sina Pokwang, Rabiya Mateo kasama si Kim na …

Read More »

Career ni JD apektado ngayong tatay na

Joaquin Domagoso Raffa Castro

HATAWANni Ed de Leon MAAAPEKTUHAN daw kaya ang career ni Joaquin Domagoso ngayong tatay na siya? Hindi na dapat itanong iyan. Tiyak iyon apektado. Tingnan ninyo ang personalidad ni Joaquin, matinee idol eh. Sino pa ba ang maloloka sa isang lalaking may kinakasama at anak na? Eh ang dami pang mga baguhang matinee idol sa ngayon. Pero gusto niya iyon, pinasok niya …

Read More »

Dennis may mali sa paghingi ng sorry sa anak na si Leon 

Dennis Padilla Leon Barretto Julia Barretto

HATAWANni Ed de Leon EWAN pero sa tingin namin talagang isang kakatuwang sitwasyon iyon nang mag-apologize si Dennis Padilla at humingi pa ng paumanhin sa kanyang anak na si Leon, matapos siyang sumbatan niyon sa pamamagitan ng social media na inilalagay daw  niya sa kahihiyan ang kanyang mga anak, kaya nagsalita na siya bilang depensa sa sarili at sa mga kapatid niya. Ang …

Read More »

JC Santos, bilib sa husay ng alagang BeautéHaus

JC Santos Rhea Tan Beautéderm BeautéHaus

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni JC Santos ang kagalakan sa ginagawa sa kanyang pag-aalaga ng BeautéHaus. Ito ang post ni JC sa kanyang IG account, “Rejuvenated with BeautéHaus’ top-of-the-line treatments!” Sa ginanap na pormal na pag-welcome ng BeautéHaus sa mahusay na dramatic actor bilang opisyal na brand ambassador nito, nabanggit niya ang kahalagahan nang maayos na itsura. Lahad …

Read More »

Male bold star umokey sa booking dahil sa kawalan ng raket

Blind Item Corner

ni Ed de Leon TUMAWAG daw ang isang dating male bold star sa isang taga-showbiz din, at nakikiusap na baka puwede siyang tulungang makahanap ng raket: ”kahit na ano.” Sabi daw niyon, “kung talagang walang raket kahit na booking payag na ako.”  Mukhang dumating na nga sa kanya iyong panahong sayad na sayad na ang kanyang kabuhayan, pero sino pa ba naman ang papansin sa …

Read More »

Ken sa pagbubuntis ni Rita: I am so proud of you

Rita Daniela Ken Chan

MATABILni John Fontanilla MATAPOS ianunsiyo ni Rita Daniela sa social media ang kanyang pagbubuntis, agad  nagbigay ng mensahe ang kanyang kaibigan at ka-loveteam na si Ken Chan na idinaansa kanyang Facebook. Ani Ken, “To you and your baby, Miracles are worth their weight in gold, if not many times more. I’m here if you need anything at all, as a friend, as someone you can always rely …

Read More »

Rochelle pinaringgan si female star na pinaplastic siya 

Rochelle Pangilinan female blind item

MA at PAni Rommel Placente TILA may pinatamaang isang female star si Rochelle Pangilinan sa kanyang Facebook account na aniya ay pinaplastik siya. Facebook post ni Rochelle, “Napaplastikan ako sa gurl, ba’t ganern… feeling sikat na sikat ka. Ba’t ganern…. “Kapag nakaharap ako, ate ang tawag mo sa kin, kapag nakatalikod ako, same pa din kaya? Ba’t ganeeeern?!” Siguro kaya nakapag-post ng ganito si Rochelle …

Read More »