Friday , October 7 2022
Vice Ganda Ate Gay

Vice Ganda at Ate Gay bati na

MA at PA
ni Rommel Placente

NAGKAAYOS na sina Vice Ganda at Ate Gay nang magkita sila sa Beks 2 Beks 2 Beks concert ng Beks Battalion na binubuo nina Chad Kinis, MC Muah, at Lassy. Ang concert ng tatlong komedyante ay ginanap noong Biyernes ng gabi, August 26, sa New Frontier Theater.

After ng kanilang pagbabati, ibinahagi ni Ate Gay ang litrato niya kasama si Vice Ganda bilang patunay na maayos na ang lahat sa kanilang dalawa.

“Love love love.. (heart emoji),” caption ni Ate Gay sa kanyang post.

Ang picture nila together ay kuha sa backsage ng concert, na isa sa special guests si Ate Gay, at nanood si Vice para suportahan ang tatlo niyang kaibigan.

Napuno naman ng heart emojis ang comments section ng post ni Ate Gay. Marami sa mga ito ay natuwa dahil nagkabati nang muli ang dalawa.

For the record, kaya nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sina Ate Gay at Vice Ganda nang inalmahan ng una ang biro ng huli sa isang Tawag Ng Tanghalan (TNT) All-Star Grand Resbak  contestant na kahawig ni Ate Gay.

Noong panahon na ‘yun, 2019, naudlot kasi ang pagsalang ni Ate Gay sa Tawag Ng Tanghalan Celebrity Champions ng It’s Showtime.

Nasundan ang hindi pagkakaintindihan ng dalawa, nang ma-ospital si Ate Gay dahil sa kanyang rare and serious skin condition na tinatawag na toxic epidermal necrolysis (TEN). 

Nagpaabot naman ng financial help sa kanya si Vice Ganda,  kahit pa may hindi na sila pagkakaunawaan. 

Kaso binanggit ni Ate Gay na P20K ang tulong na ipinadala sa kanya ni Vice, na naging dahilan para i-bash ang Unkabogable Star. Sabi ng bashers, sa yaman ni Vice Ganda ay ‘yun lang ang ibinigay niya kay Ate Gay.

Siyempre pa, nag-react si Vice Ganda sa pamamagitan ng kanilang show na It’s Showtime. Sabi niya, “Parang… may natulungan ako. Hindi ko ipinagmalaking mayroon akong natulungan, pero ‘yung tinulungan ko, sinabi niyang tinulungan ko siya.

“’Tapos inilabas niya kung magkano ‘yung itinulong ko sa kanya.

“‘Tapos nabasa ko sa mga comment, sabi ng mga comment, ‘Ha, ganoon lang pala ibinigay ni Vice Ganda, P20,000 lang?’

“Parang napalunok ako. Parang, ‘Pag ako ba ‘yung tumulong, dapat may presyo? May ceiling? ‘Di ba, dapat hindi mo mabasa, ganito…”

“Naano ako, sabi ko, tumulong na ako nang kusa, ayoko ngang magpa-acknowledge, kaya hindi ko sinasabi.

“Pero ‘yung inilabas mo pangalan ko, ‘tapos inokray pa ako, ‘Bakit P20,000 lang ang ibinigay mo?’ Nasaktan ako talaga.

“Parang, kapag hindi ka tumulong, ang sama-sama mo. ‘Pag tumulong ka, kukuwestiyonin pa, ‘Bakit ‘yun lang ang itinulong mo?’ That hurts so much.”

Nang makarating ito kay Ate Gay ay humingi naman agad ito ng tawad kay  Vice Ganda sa pamamagitan ng kanyang Instagram post. Sinabi nitong hindi niya intensiyong madawit si Vice at mapulaan ito ng bashers nang ibunyag nito sa Facebook ang halagang itinulong nito sa kanya nang siya ay ma-ospital.

Ngayon nga ay all’s well that ends well na sa  kanila ni Vice Ganda. 

About Rommel Placente

Check Also

Serena Dalrymple Thomas Bredillet

Dating child star na si Serena Dalrymple ikinasal na

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng dating Kapamilya child star na si Serena Dalrymple sa kanyang Instagram ang ilan sa mga kuhang …

Heart Evangelista

Heart nakabili na ng apartment abroad

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang Instagram live kamakailan, ibinahagi ni Heart Evangelista na nakabili na siya ng …

Xian Lim Kim Chiu

Kim umamin: kasal pinag-uusapan na nila ni Xian 

MA at PAni Rommel Placente SA interview ni Kim Chiu saPep.ph, sinabi niya na napapag-usapan na nila …

Sean de Guzman

Sean kinakarma ng blessings

HARD TALKni Pilar Mateo KARMA is real. Para sa masasabing baguhan pa rin sa pinili …

Rabiya Mateo Jeric Gonzales

Jeric at Rabiya nagyakapan nang magkita sa GMA 

RATED Rni Rommel Gonzales SPEAKING of kilig, kilig din ang hatid ng recent guesting ng Start-Up …