Thursday , November 30 2023
Rhen Escano

Rhen Escano pursigido, gustong mapatunayan ang pagiging aktres

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAGING mapili pala si Rhen Escano sa mga proyektong ginagawa niya sa Viva Films kaya madalang siyang mapanood sa napakaraming pelikulang ginagawa ng kanyang mother studio.

Sa media conference para sa pelikulang Secrets of a Nympho, nasabi ni Rhen ang dahilan ng madalang na paggawa ng pelikula. At dito’y hindi niya napigilan ang hindi maluha.

“Pinipili ko talaga kasi ang projects na ginagawa ko. Ayoko nang umuulit, doing the same material. I want viewers to see na iba-iba ang ginagawa ko at hindi ‘yung parang nakakahon lang ako,” ani Rhen.

At nang magsasalita pa ay doon na naluha ang dalaga at saka sinabi ang, “Sana mabigyan naman ako ng chance na makita ng tao na may iba akong talent na puwede kong gawin.

“My career is so important for me, so I want to make sure na may positive na mangyari rito. Lahat ng networks, napagdaanan ko na. Umabot nga sa point na ayoko na. Nagiging emotional ako kapag pinanghihinaan ako ng loob kasi I really want to prove myself as an actress,” giit ni Rhen.

Nang matanong naman siya sa kanyang dream roles sinabi niyang, “Lagi kong sinasabi na gusto ko ‘yung parang ‘Gone Girl’, very challenging ‘yung scheming character played by Rosamund Pike kasi she framed up her own husband, si Ben Affleck.

“Feel ko gawin ‘yung ganoong material, kaya tinanggap ko itong series na ito, ‘Secrets of a Nympho’, kasi ganitong type ang gusto kong gawin. I really want to grow as an actor,” sambit pa ni Rhen.

Ang Secrets of a Nympho ay 8 parts sexy thriller series na isinulat ni Philip Neri at idinirehe ni Shugo Praico ng Rein Entertainment. Makakasama rin dito sinaAyanna Misola, Arron Villaflor, Gold Aceron, Josef Elizalde, Jeric Raval, Andrea Garcia, Milana Ikimoto, Tiffany, Sheree, at Stephanie Raz.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gloria Diaz Michelle Dee

Gloria iginiit ‘wag nang umangal resulta ng Miss Universe

HATAWANni Ed de Leon IBA talaga si Gloria Diaz. Nang matanong siya tungkol kay Michelle Dee na bagama’t …

Denise Esteban, Hershie de Leon, Angelica Cervantes, Quinn Carrillo Haslers viva

Denise, Hershie, Angelica, at Quinn nagkalabasan ng sikreto

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio WALANG sikretong naitatago habambuhay. Ito ang patutunayan nina Denise Esteban, Hershie …

Inspi Creators Night Inspi Phils

Inspi Creators Night ng Inspi Phils dinagsa ng sandamakmak na influencers, vloggers 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKATUTUWA. Nakai-inspire ang ginawang fashion show ng INSPI Philippines para sa kanilang INSPI …

Bianca Umali Faith Da Silva Kelvin Miranda Angel Guardian

Mga bagong Sang’gre kinasasabikan

RATED Rni Rommel Gonzales PASABOG ang pasilip ng GMA sa Encantadia Chronicles: Sang’gre. Sa inilabas nitong teaser kamakailan, …

Barbie Forteza Sanya Lopez David Licauco Alden Richards

Bigating cast magsasama-sama sa pinakamalaking historical action-drama 

RATED Rni Rommel Gonzales MAGSASAMA-SAMA ang apat na ipinagmamalaking bituin ng GMA Network sa biggest historical action-drama …