Saturday , December 13 2025

Recent Posts

Kongresista sa Napoles list muling ilabas

MATUNOG na naman sa mga balita ngayon ang pangalan ni Janet Lim-Napoles, na binansagang “Pork Barrel Queen” na inakusahang kumurakot sa P10 bilyong halaga ng pondo ng taongbayan, kasama ang mga kasab­wat na senador at kongre­sista. Naungkat itong muli nang magpahayag ng opinyon si Patricia Mo­reira, managing director ng Transparency Inter­national, isang pan­daigdigang organi­sa­syong sumusuri ng pana­naw ng mga tao …

Read More »

Dinismis ng piskalya… Suspek sa Silawan ‘murder’ hulihin — Digong

IPINAAARESTO muli ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang suspe sa pagpatay kay Christine Silawan na pinalaya ng piskalya. Sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Koronadal, South Co­tabat­o kamakalawa ng gabi na tinawagan niya ang fiscal sa Cebu City na nagpasya na pakawalan ang suspek sa pagpatay sa dalagitang binalatan ang mukha. Ayon sa Pangulo, binigyang diin niya sa fiscal na dapat …

Read More »

Mananalo pa rin si Mar Roxas — Pres. Duterte

NANINIWALA si Pa­ngulong Rody Duterte na mananalo si Mar Roxas bilang senador sa paparating na eleksiyon. Bagama’t makailang ulit nang binira ng Pangu­lo sa kampanya ng Hug­pong ng Pagbabago sa Cagayan de Oro, sinabi niyang malaki pa rin ang tsansa ni Roxas na makapasok sa magic 12. Ayon kay Pangulong Duterte, ang apelyidong Roxas ang magiging dahilan para iboto pa …

Read More »