Friday , December 27 2024

Bulabugin

BIR Commissioner Cesar Dulay lilinisin, wawalisin ang mga corrupt

Isa tayo sa natuwa sa sinabing ito ni Bureau of Internal Revenues (BIR) Commissioner Cesar Dulay. Sana lang po kasing tikas kayo ng Pangulo na magpatupad nang ganitong mga pronouncements. Marami talagang corrupt sa BIR! At puwedeng umpisahan ni Commissioner Dulay ang paglilinis sa pamamagitan ng lifestyle check sa mga RDO, examiner etc. Kay yayaman! Baka magulat pa ang nagpapaimbestigang …

Read More »

Batas ni Sen. Kiko Pangilinan ‘debacle’ sa katarungan

arrest prison

HETO na naman. Nagiging hadlang na naman ang Juvenile Act ni Mega-Senator Kiko Pangilinan… Ngayon iminungkahi ni incoming Speaker of the House, Rep. Pantaleon Alvarez na pababain sa edad 9-anyos ang mga menor-de-edad na dapat sampahan ng kaso, narinig na naman natin ang boses ni Sen. Kiko. Huwag daw tingnan sa edad. Sukatin daw ang bigat ng kasong kinasasangkutan. Sa …

Read More »

Naghihintay na ang Plaza Lawton para maibalik ang kanyang ganda, kalinisan, dangal at kabuluhan sa kasaysayan

Lawton park illegal parking MMDA HPG LTO LTFRB

KUNG makapagsasalita lang ang Plaza Lawton, sa palagay natin ay isa siya sa mga natutuwa ngayong kumikilos na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Highway Patrol Group (HPG), Land Transportation Office (LTO), at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa mga illegal terminal at kolorum na nag-aanyong UV Express. Siguro, sasabihin ng Plaza Lawton, “Sa wakas, sa mahabang …

Read More »

De Lima supalpal kay Ping

Dakilang epal na talaga itong si Madam Leila. Ngayon naman ay paiimbestigahan (legislative probe) daw niya ‘yung mga napapatay na drug pushers at iba pang sangkot sa droga. Kaduda-duda raw kasi. Buti na lang nagsalita ang dating PNP chief na ngayon ay senador na rin na si Senator Ping Lacson. Ano nga naman ang paiimbestigahan ni Laylay ‘este’ Leila De …

Read More »

2 pulis ninja ng QCPD-DAID

MARAMI ang mga natuwa at tila naibsan ng tinik sa dibdib lalo na ang mga magulang at kamag-anak ng ilang biktima ng hulidap na dalawang pulis na nagpakilalang kagawad ng Quezon City Police District – District Anti-Illegal Drugs (QCPD-DAID). Lalo na nang mabalitaan nila, sa 35 pulis na ipinadala ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald “Bato” Dela …

Read More »

Biding-bidingan sa pangkalahatang kolektong sa Maynila tablado kay Kernel Coronel!

PAGBABAGO…mukhang ngayon lang mangyayari sa bakuran ng Manila Police District (MPD) na mahihinto na ang bulok na kalakaran. Hindi raw gaya ng mga dating liderato na naupo na may bitbit o binasbasan na sariling trusted na bata-batuta cum BAGMAN pala. Kapansin-pansin sa MPD sa ilalim ng bagong district director na si S/Supt. JOEL JIGS CORONEL na may malaking pagbabagong mangyayari …

Read More »

Operasyon ng MMDA, HPG, LTO at LTFRB huwag maging selective!

SUPER aligaga ngayon ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan mula nang maupo ang Pangulong Duterte. Hindi ko lang matiyak kung seryoso ba sila o nagpapasiklab lang sa ating Pangulo!? Kaya siguro panay ang hataw ng Highway Patrol Group (HPG), Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa kanilang mga operasyon. Huli rito, huli roon ng …

Read More »

Police security sa mga civilian at dayuhan, i-recall na!

ronald bato dela rosa pnp

Panahon na rin siguro na i-recall ni DG Bato, ang mga police na escort ng mga civilian at VIP kuno lalo sa mga casino. Mantakin ninyo taxpayers ang nagpapasahod sa mga pulis na ‘yan pero nagseserbisyo sa mga pribadong tao at dayuhang VIP casino player kuno?! Ang ipinagtataka pa natin dito, bakit napakaluwag ng PNP sa pagbibigay ng police security?! …

Read More »

PNP nayanig sa pasabog ni Digong

KUMBAGA sa lungga ng mga daga, biglang nagpulasan ang mga sangkot sa ilegal na droga nang pasabugin na ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang pangalan ng mga heneral na sinabi niyang sangkot sa droga. Mayroong sumalag agad. Mayroong nagpaliwanag kung bakit siya yumaman. Pero mayroon din naman nanahimik. Kasunod nito, ipinatapon na rin sa Mindanao ang 35 pulis-NCRPO, karamihan ay …

Read More »

Time-out daw muna si Comelec Chairman Andres Bautista kaya postponed muna ang barangay election

Naku, kawawa naman si Chairman Andres, napagod last May 09 elections… Kaya ayaw muna niyang ituloy ang barangay election sa Oktubre. Aba ‘e kung napapagod, magpahinga at umuwi na! Nagtataka nga tayo ngayon diyan sa Comelec dahil ang dalas na nagsisigalot ng mga commissioner. Sabi nga mga insider, sa government agencies kapag may away, isa lang ang dahilan… kuwarta lang …

Read More »

Trying very hard na ba si Senator Alan Peter Cayetano?

MASYADO na yatang papansin si Senator Alan Peter Cayetano? Nababawasan na tuloy ang paghanga ko sa mama. Marami tuloy ang nagtatanong kung nagtatrabaho pa ba siya bilang Senador? Lagi raw kasing nakikitang nakadikit at nakabuntot siya kay Presidente Digong. At mukhang siya pa ang pagmumulan ng kagalitan sa administrasyong Duterte dahil sa kanyang paggugumiit na maging Senate President. Wala namang …

Read More »

Lito Banayo nakasilat na naman sa Duterte admin

Tahimik pero mukhang matinik talaga. Ganyan namin gustong ilarawan ang pagpasok ni dating National Food Authority (NFA) Administrator Lito Banayo sa Duterte administration. Sabi nga ni Pangulong Digong, “Lito Banayo…a ‘long time government servant’ who served in different capacities in previous administrations.” Kung hindi pa ninyo nalalaman mga suki, si Lito Banayo, ang NFA Administrator noong panahon ni GMA ay …

Read More »

Reaction kay Pres. Du30 at Sen. Ping Lacson

Dear Sir: Tama si Senator Panfilo Lacson na walang karapatan ang NPA na mag-aresto ng drug suspects.  Hindi ba mga outlaw ang mga NPA, bakit sila bibigyan ng authority para hulihin o patayin ang drug suspects?  Tanging ang mga pulis lang ang may authority na hulihin ang drug suspects ayon sa Saligang Batas. Marahil sa kagustuhan ni Pangulong Duterte na …

Read More »

Ninja ng PNP galing daw sa MPD?

SIR Jerry, ang Ninja gang ng PNP na sindikato  ng droga at kidnapping ay nagmula  sa bakuran ng Manila Police District (MPD ) at nakapuwesto pa ngayon ang kanilang Godfather. Mula nang bumalik ang Ninja Godfather sa MPD ay parang kabute ang illegal drugs sa Maynila. Mula sa panahon ni dating Manila Mayor Lito Atienza ay nabuo ang 16 na …

Read More »

FOI ipatutupad na ng Palasyo sa Executive Order (Sa wakas matutuloy na rin)

HINDI man legislative, sa wakas ay maipatutupad na rin ang Freedom of Information (FOI) Bill sa pamamagitan ng Executive Order. Kung magiging seryoso ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapatupad ng FOI, masasabi nating ito’y bentaha pabor sa tuluyang paglilinis niya laban sa scalawags at corruption. Marami ang naniniwala na ang FOI ay ultimong instrumento para sa transparency ng …

Read More »

Pondo ng PDEA dagdagan, DDB bawasan!

Ngayong seryoso ang bagong administrasyon na lutasin ang talamak na kaso ng illegal drugs, palagay natin ‘e dapat sipatin ng Office of the President ang budget ng Dangerous Drug Board (DDB) at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Maaaring mas malawak ang kapangyarihan, tungkulin, responsibilidad at trabaho ng DDB kaya mas malaki ang kanilang budget kompara sa PDEA pero panahon …

Read More »

Magdalo target alias Pas Kua sa Immigration!?

Sino ba raw ang isang alias “Pas Kua” na balitang kumukuha ngayon ng ilang impormasyon tungkol sa mga dating ipinasok sa Bureau of Immigrtaion (BI) na “Magdalo” ni former Commissioner Ricardo David? Kasama raw yata sa mga bagong papasok na administrasyon sa Bureau si alias “Pas Kua” at kasama raw sa plano ang pag-scratch sa BI ng grupo ng Magdalo? …

Read More »

Palasyo kakampi pa rin ng media

SINISIKAP ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Martin Andanar na resolbahin ang sinasabi niyang cultural/communications gap ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa media. Kung matatandaan, nagkaroon ng statement dati si Pangulong Digong na mas komportable para sa kanya na huwag siyang interbyuhin ng media o magsalita sa harap nila. Ayon kay Secretary Andanar, paplantsahin niya ang “gap” na ito. Siyempre …

Read More »

Hindi lang drug test lifestyle check isulong din agad sa mga pulis

ronald bato dela rosa pnp

Nais pagtibayin ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang kompiyansa ng mga mamamayan sa pamahalaan kaya isinusulong niya ngayon na linisin ang imahe ng pulisya. Una na nga ang inilulunsad niyang random drug test sa PNP headquarters o police station. Kapag nag-positive sa droga, awtomatikong tanggal sa serbisyo. Pero mayroon tayong nais imungkahi kay …

Read More »

Nana out, Coronel in

THE real change is coming na talaga. Out na raw si Gen. Rolando Nana sa Manila Police District at opisyal nang papasok si P/Supt. Joel Napoleon M. Coronel. Ilang beses na rin naman natin nakadaupang palad si incoming DD, Supt. Coronel at nakitaan natin siya ng bakas ng kaseryosohan sa pagtatrabaho bilang opisyal ng pulis. Dalawang bagay ang nakita natin …

Read More »

New MIAA GM Ed Monreal nag-inspeksiyon na agad sa NAIA

THE working men. Mukhang ‘yan ang dapat na titulo ng mga bagong opisyal sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na itinalaga ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Sila kasi ‘yung mga hindi pa man pormal na naitatalaga ay nagsasawa na ng surprise ocular inspection sa mga ahensiyang kanilang katatalagahan. Kagaya nang ginawa kamakailan ni incoming Manila International Airport Authority (MIAA) general …

Read More »

Online gambling ipinakakansela na ni Presidente Digong

MUKHANG muling masusubukan ang tatag at galing ni bagong Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman Andrea “Didi” Domingo sa maagang pronouncement ni Presidente Rodrigo “Digong” Duterte na ipinakakansela niya ang lahat ng online gambling. Aba, ang ibig sabihin ba niyan lahat as in lahat-lahat nang online gambling gaya ng e-Games, e-Bingo, online sabong at online casino?! Diyan natin masasabi …

Read More »

Kernel Tupaz, bitbit (ulit?) ng bagong Immigration commissioner, OMG!!! (Pakibasa: SoJ Vitaliano Aguirre)

Nitong nakaraang linggo (Huwebes) ay lumutang na sa unang pagkakataon sa Bureau of Immigration (BI) main office si incoming BI Commissioner Jaime Morente. Kasama ang kanyang transition team para sa initial turn-over, hinarap ni outgoing Commissioners Ronaldo Geron, AC Abdullah Mangotara at outgoing Executive Director Eric Dimaculangan si General Morente at pinag-usapan ang ilang mahahalagang bagay para sa maayos na …

Read More »

Nanumpa na ang ‘utol’ ng bayan na ramdam ang ‘Likaw ng Bituka’ ng mamamayan

ANG ‘utol’ ay ibang salita para sa kapatid. Ito ay pinaiksing salitang ‘kaputol’ na ang ibig sabihin ay magkaputol (iisa ang pinanggalingan) ang pusod at bituka. Kung pagbabasehan ang kanyang inauguration speech. Si Presidente Rodrigo “Digong” Duterte ay maituturing nating ‘utol ng bayan.’ Dahil sa dami ng naging presidente ng bansa, siya lang ang nakaramdam ng paghihirap ng ating mga …

Read More »