Tuesday , July 16 2024

PNP nayanig sa pasabog ni Digong

KUMBAGA sa lungga ng mga daga, biglang nagpulasan ang mga sangkot sa ilegal na droga nang pasabugin na ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang pangalan ng mga heneral na sinabi niyang sangkot sa droga.

Mayroong sumalag agad. Mayroong nagpaliwanag kung bakit siya yumaman. Pero mayroon din naman nanahimik.

Kasunod nito, ipinatapon na rin sa Mindanao ang 35 pulis-NCRPO, karamihan ay mula sa QCPD anti-illegal units na pinaniniwalaang, kumakana ng diskarteng ‘Ninja.’

Ibig sabihin po ng Ninja, mga pulis na nagre-recycle ng huli nilang droga.

‘Yan po ang isa sa mga rason kung bakit natin iminumungkahi na i-lifestyle ang mga lespu na kabag-bago sa serbisyo ‘e parang ‘heneral’ na ang naipundar na yaman.

Marami po sila, Mahal na Pangulo. Tutukan po ninyo ang isang kapitan alyas kupitan sa Manila Police District na sandamakmak ang kotse, negosyo at bahay. Tiyak sasambulat din sa publiko kung bakit sandamkmak ang kanyang kuwarta.

Sabi nga, ang isang suspek o isang akusado hangga’t hindi nahahatulan at hindi dumaraan sa proseso ng paglilitis para ipagtanggol ang kanyang sarili ay nanatiling inosente.

Siyempre, alam ng Pangulo ‘yan, dahil sabi nga niya, siya ay abogado at naging fiscal.

Alam niya kung ano ang kanyang ginagawa.

Pagkatapos tukuyin sina dating Philippine National Police (PNP) deputy director Gen. Marcelo Garbo Jr., retired Gen. Vicente Loot, at mga aktibo pa sa PNP na sina Gen. Bernardo Diaz, dating hepe ng Police Regional Office 6, dating National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Joel Pagdilao, at dating Quezon City Police District (QCPD) chief Edgardo Tinio, tiyak na ang kamay ng orasan ay nakatutok sa kanila upang patunayan na ‘nagkakamali’ ang Pangulo sa kanyang pagbubunyag.

Hindi tayo matutuwa kapag mapatunayan ng Pangulo na totoo nga ang kanyang sinasabi. Ito ay pagluluksa para sa sambayanang Filipino. Pagluluksa dahil habang iniisip natin na ang mga pulis ang ating tagapagtanggol, sila naman pala ang unti-unti nagwawasak ng kinabukasan ng ating mga kabataan, ng ating mga mamamayan na inilublob nila sa isang masamang bisyo — ang ilegal na droga.

Pero lalo naman tayong malulungkot kung hindi matutuldukan ang talamak na pagkalat ng ilegal na droga sa ating bansa, kung agad hihinto ang mga awtoridad sa kanilang kampanya laban sa droga dahil sa banta ng pananakot ng drug syndicate.

Mabigat na laban ito, hindi lang ng Pangulo kundi maging ng sambayanan…

Sana ay magtulungan tayo.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *