Ninja ng PNP galing daw sa MPD?
SIR Jerry, ang Ninja gang ng PNP na sindikato ng droga at kidnapping ay nagmula sa bakuran ng Manila Police District (MPD ) at nakapuwesto pa ngayon ang kanilang Godfather. Mula nang bumalik ang Ninja Godfather sa MPD ay parang kabute ang illegal drugs sa Maynila. Mula sa panahon ni dating Manila Mayor Lito Atienza ay nabuo ang 16 na Ninja pulis sa MPD. Hinasa sila ng kanilang Godfather a.k.a. Boy Gulpe sa kidnapping at nahinto lang nang maghimagsik ang mga Tsinoy sa Binondo, Manila.
Pinasok nila ang Binondo Drug triad Syndicate at upang maging matibay ang kanilang God Father na si P/Senior Supt. Boy GULPE ay nagpaakay siya sa nasabing SEKTA .
Kaya hindi magtatagumpay si PNP Chief Ronald “BATO” Dela Rosa habang nakapuwesto sa compound ng Manila Police District ang Godfather ng Ninja Gang ng PNP.
At maging ang tatlong heneral ng PNP na pinagre-resign ng Pangulong Duterte ay nagmula rin sa bakuran ng Manila Police District na pinayaman ng 16 pulis na Ninja Gang.
– [email protected]
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
[divider]
