Trying very hard na ba si Senator Alan Peter Cayetano?

MASYADO na yatang papansin si Senator Alan Peter Cayetano?

Nababawasan na tuloy ang paghanga ko sa mama.

Marami tuloy ang nagtatanong kung nagtatrabaho pa ba siya bilang Senador?

Lagi raw kasing nakikitang nakadikit at nakabuntot siya kay Presidente Digong.

At mukhang siya pa ang pagmumulan ng kagalitan sa administrasyong Duterte dahil sa kanyang paggugumiit na maging Senate President.

Wala namang masama kung talagang siya ang magwawagi pero para hilahin niya ang ‘kamay’ ni Duterte upang makialam sa senate presidency, palagay natin ay unfair naman iyon.

Klaro naman ang posisyon ng Pangulo, hindi siya makikialam sa Senado. Kung sino man ang nagnanais na maging senate president, mas magiging maayos kung isusumite nila ang kanilang sarili para lumahok sa isang demokratikong proseso.

Kailangan bang brasuhin ni Pres. Digong ang Senado para sa kapritso ni Cayetano?

Ang alam natin macho kung manindigan si Digong pero mukhang malayo sa kanyang praktis na mambastos ng isang demokratikong proseso.

Kaya unsolicited advice lang kay Senator Alan Peter, mas maigi ‘e magtrabaho ka and prove your worth para ikaw ang iboto ng mga kasamahan mong senador.

Hindi ‘yung lagi kang nakikitang nakadikit at pabulong-bulong kay Digong at ang ekspresyon ng mukha ay tila magmamarkulyo at para bang luluha pa, kapag hindi napagbigyan sa kanyang kagustuhan.

Diskarteng spoiled brat ‘yan, Senator Alan.

Kung gusto mong maging Senate President dapat diskarteng statesman.

Sabi nga, be worth enough for the position that you are longing for.

Simple as that, Senator Alan!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visithttps://hatawtabloid.com

[divider]