Tuesday , January 14 2025

Bulabugin

MMDA chair Tim Orbos nalaglag ba sa EDSA ang utak mo!?

Hindi naman siguro naging biktima ng hit & run si Metropolian Manila Development Authority (MMDA) chair, Tim Orbos, para malaglag o magkalat ang utak niya sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA)… Gusto na yatang gawing expressway ni MMDA Chair Orbos ang EDSA?! Ang tingin kasi ni Orbos kaya may traffic kasi maraming nagdaraang sasakyan sa EDSA. At para malutas ito, …

Read More »

Kontrol sa armadong labanan dapat pangatawanan ng NDF

Duterte CPP-NPA-NDF

ANG Filipinas daw ang may pinakamahabang insurhensiya sa buong mundo. Ibig sabihin, matindi ang determinasyon ng mga rebeldeng komunista na maiposisyon ang kanilang mga mithiin at adyenda sa lipunan. ‘Yan din siguro ang dahilan kung bakit kahit ilang beses nabulilyaso ang usapang pangkapayapaan ay patuloy nila itong iginigiit. Hindi natin tinatawaran ang determinasyon at pagiging matiyaga ng Communist Party of …

Read More »

MPD Malate station (PS9) natakasan ng 2 inmates! (Naglalagari ba si Supt. Rogelio Ramos?)

Nagtataka tayo kung paano natakasan ng dalawang inmates ang Manila Police District (MPD) Malate Station (PS9) gayong ang detention cell nila ay katabing-katabi lang ng sarhento de-mesa?! Wattafak!? Mantakin ninyo, nilagari raw ang rehas? Hindi ba narinig ng sarhento de-mesa ang paglalagari?! Naalala natin noong early 2000, natakasan ng limang preso ang MPD Malate Station noong nasa Manila Zoo pa …

Read More »

Tiwala ni Tatay Digs kay Cesar “Buboy” Montano buo pa rin

Sinampahan na nga ng reklamo si Tourism Promotions Board, chief operating officer, Cesar Montano dahil umano sa sandamakmak na iregularidad sa kanyang tanggapan na kinasasangkutan niya mismo at ilang kaanak umano. Isinama raw ni Buboy sa kanyang tanggapan ang kapatid na si Rommel, iba pang kaanak at mga kaibigan, bukod pa sa pagpasok sa mga kuwestiyonableng kontrata. Kabilang dito ang …

Read More »

P550 terminal fee sa OFWs ipinatanggal ni MIAA GM Ed Monreal (Bilang pasasalamat ni Tatay Digs)

MAGANDANG balita sa mahigit tatlong milyong overseas Filipino workers (OFWs)… Simula sa susunod na buwan, Abril 2017, hindi na magbabayad ng P550 terminal fee sa lahat ng terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang OFWs. Bukas, Miyerkoles, 15 Marso 2017, si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal at lahat ng airline officials o mga kinatawan nila …

Read More »

P.5-M suhol sa PNP commander para hindi ‘maipatapon’ sa Basilan lagot kay Gen. Bato!

TALAGA naman! Kapag may bagong utos, may bagong suhol rin. Nakarating na kay Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa, na may police commander na kumita nang halos kalahating milyong piso mula sa lespu na ayaw magpatapon sa Basilan. Pulis-Maynila daw po ang nanuhol. Grabe, ang daming pera ng pulis-Maynila na ‘yan! Kaya naman pala ang …

Read More »

Edad ng senior citizen ipinatataas ni Senator Risa Hontiveros?

AMAZING na naman ang naisip ni Senator Risa Hontiveros… Pinatataasan niya ang edad ng senior citizen hanggang 65-years old. Wow ha! Sa kasalukuyan 60-years of age ang kailangan abutin ng isang indibidwal bago siya kilalaning senior citizen. Ibig sabihin niyan, mayroon na siyang 20 percent discount. Ang siste, marami nang freebies ang hindi nagagamit ng senior citizens kasi ‘yung iba …

Read More »

Huwat?! Walang gov’t ID si Manay Sandra Cam?

KAPAG high-risk person ba, talagang walang goverment identification cards (IDs)?! Kapag whistle-blower ba parang CIA agent-movie na kailangan walang identity cards at tanging credit card lang ang dala?! Kapag kandidatong appointee sa government post, dapat matapang at nambu-bully?! ‘Yan po ang running joke ngayon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos ang makapigil hiningang ‘pagwawala’ raw ni Madam Sandra Cam …

Read More »

‘Mighty deal’

TILA areglong walang lusot. ‘Yan ang usap-usapan sa mga coffee shop matapos ihayag ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na puwede makipagkompromiso ang kanyang administrasyon sa tax evader na Mighty Corp., na pag-aari ng isang Alex Wong Chu King, ang sinabing nagmamanupaktura ng mga produktong sigarilyo na dinadaya ang paglalagay ng selyo ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Ang alok kasi …

Read More »

Confirmation ni DENR Secretary Gina Lopez dinayo ng sandamakmak na oppositors

Nakalulunod ang dami ng oppositors sa kompirmasyon ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Regina Paz Lopez sa pagdinig ng ‘makapangyarihang’ Commission on Appointments (CA) na pinamumunuan ni Senator Manny Pacquiao. Incompetent umano bilang DENR Secretary si Madam Gina Lopez dahil ipinasara niya ang 23 minahan at kinansela ang 75 mining production sharing agreements nang walang due process kaya …

Read More »

Bye, bye Yasay

MUKHANG nawalan ng saysay ang pagharap ni outgoing Foreign Affair Secretary Perfecto “Jun” Yasay sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) dahil tuluyang ibinasura ang kompirmasyon sa kanya. Inakala kasi ng CA na perpekto si Yasay, ‘yun pala napaka-imperfect niya dahil hindi man lang niya masagot nang oo o hindi kung siya nga ba ay American citizen. Ang sabi ni Yasay, …

Read More »

Have a heart DBM Secretary Benjamin Diokno!

NOONG nakaraang linggo ay isang matinding pasabog ang pinakawalan ni Department of Budget Management Secretary Benjamin ‘joke-no’ ‘este Diokno matapos niyang ihayag na wala na raw pag-asa ang inaasam ng mga taga-Bureau of Immigration (BI) na gamitin ang Express Lane Fund para sa pagbabayad ng overtime pay ng mga organic and non-organic employees. OMG!!! Naloko na! Ayon sa kalihim, matapos …

Read More »

Let’s save Boracay (Paging Madam Gina Lopez)

MULA sa ika-pito noong 2015, naging ika-12 noong 2016, ngayong 2017 ay ika-24 na lang sa 25 top beaches in the world ng 2017 Traveler’s Choice Awards (TripAdvisor) ang ating ipinagmamalaking Boracay sa Aklan. ‘Yan ‘e kahit, halos araw-araw na sandamakmak ang mga lokal at dayuhang turista na naglulunoy sa karagatan ng Boracay. Nagsa-sunbathing, nag-i-stroll, nagso-shoot, gumigimik, nagme-mermaid swimming at …

Read More »

Maraming nabanas kay SPO3 Lascañas

SUPOT na sungaw pa ang mga bombang gusto sanang pasabugin ni SPO3 Arthur Lascañas laban kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Kaya nga maging si Senador Panfilo Lacson ‘e hindi niya naniwala sa mga sinasabi niya. Aba, maging ‘yung sinasabi niyang Dance Instructor na ipinapatay umano ni dating mayor ng Davao City at ngayon ay Pangulong Digong, buhay na buhay pala! …

Read More »

Garapal na raket ng MTPB sa Binondo kaninong bulsa napupunta!? (Motorista mag-ingat!)

KUNG kapal din lang ng mukha ang pag-uusapan, palagay natin ‘e numero uno ang mga nagsasabing miyembro sila ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na nakatalaga riyan sa Binondo, Maynila. Dahil alam nilang nagmamadali ang mga motorista na naghahanap ng parking space or parking area sa maliliit na kalsada ng Chinatown, madali silang nabibiktima ng mga kagawad ng MTPB. …

Read More »

Orange road barrier sa Commonwealth at Quezon Ave hindi na Makita sa sobrang dungis

Tinatawagan natin ang pansin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)! Paki-check ninyo ang mga orange road barrier na nasa kahabaan ng Commonwealth Avenue at Quezon Ave. Napakadungis! Ang dumi-dumi! Kaya hindi na nakikita ng mga motorista sa gabi. Hindi na tayo nagtataka kung bakit mara-ming disgrasya ang nangyayari riyan sa Commonwealth at Quezon Avenue. Paging MMDA Chairman Tim Orbos! Para …

Read More »

IACAT region 6 dedma sa illegal Chinese workers sa aklan!? (Attention: SoJ Vitaliano Aguirre)

Bakit tila raw tikom ang bibig ng members ng IACAT diyan sa Region 6 partikular sa probinsiya ng Aklan tungkol sa sandamakmak na illegal Chinese workers ng isang ginagawang dam sa bayan ng Madalag!? Balita natin puro dispalinghado ang papeles ng mga tsekwang nagtatrabaho riyan?! Hindi ba nga at super aktibo ang IACAT diyan lalo na ‘yung isang Fixcal ‘este’ …

Read More »

One-China policy nilalabag ni MECO chief Lito Banayo?

NATUTUWA ang inyong lingkod na mayroon tayong Senador na matalas at kabisado ang batas, dahil kung hindi, baka rito pa tayo masilat sa China. Pinaiimbestigahan ngayon ni Senate President Koko Pimentel ang reklamong pinagsisisibak ng kasalukuyang hepe ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) na si Angelito Banayo ang mga empleyadong dinatnan niya roon. Itinalaga si Banayo ni Pangulong Duterte …

Read More »

Tao pa ba ang turing sa inmates ng Cebu jail?!

Nalulungkot tayo sa naganap na pagpapahubad sa mga preso ng Cebu jail. Ang alam natin, ang bawat detention cell, jail o penology ay may layuning tulungang makabalik ang isang preso sa normal na buhay sa kanilang paglaya. Pero kung sa loob ng kulungan ay hindi sila itinuturing na tao, ano ang gagawin niya sa kanyang paglaya? Hindi ang maramihang inspeksiyon …

Read More »

Doktor na pinatay bigyan ng katarungan! (Boluntaryo sa mga baryo)

NAKIRAMAY at kinondena ng Department of Health (DOH) ang pagpaslang sa isang kabataang doktor na si Dr. Dreyfuss Perlas, isang volunteer doctor sa programa nilang Doctors’ to the Barrios. Si Perlas ay binaril sa likod ng hindi nakilalang salarin habang nakasakay sa kanyang motorsiklo pauwi sa kanyang boarding house sa bayan ng Lala sa Lanao del Norte. The end… Ganoon …

Read More »

Road rage suspect nakikipagpatintero sa Boracay Island

Matinik bang talaga o may nagkakanlong sa Quezon City rage suspect na si Fredison Atienza na ngayon ay sinabing naglilibot sa buong isla ng Boracay?! Ayon sa ilang intelligence information umano, hindi pa nakaaalis sa Boracay si Atienza. Ang itinuturong bumaril sa biktimang naka-motor na si Anthony Mendoza. As usual, isa lang ang sinasabi ng mga awtoridad sa Boracay, may …

Read More »

Anyare sa peace and order ng Maynila?!

NAALALA natin ‘yung isang joke tungkol sa peace and order. Kaya raw magulo sa Maynila kasi ang alam lang gawin ng mga opis-yal ay puro order. Parang restaurant, order nang order lang — kaya raw walang peace?! Wattafak!? Sa totoo lang, sa nangyayari ngayon sa Maynila, magtataka pa tayo kung sa loob ng isang araw ay walang istorya ng saksakan, …

Read More »

Resign ba o sinibak si NIA chief Peter Laviña?

Kung nasusundan ninyo si Mr. Peter Laviña mula noong kampanya ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, ‘e mapapatanong talaga kayo kung bakit nauwi sa pagbibitiw (o pinatalsik umano) ang kanyang ‘career’ sa administrasyong ito. Hindi ba’t noong campaign period ‘e siya ang spokesperson ni Pangulong Digong, at parang pati sa ilang usapin ng pinansiya ay isa siya sa may sey?! Anyare, …

Read More »