Friday , October 4 2024

Let’s save Boracay (Paging Madam Gina Lopez)

MULA sa ika-pito noong 2015, naging ika-12 noong 2016, ngayong 2017 ay ika-24 na lang sa 25 top beaches in the world ng 2017 Traveler’s Choice Awards (TripAdvisor) ang ating ipinagmamalaking Boracay sa Aklan.

‘Yan ‘e kahit, halos araw-araw na sandamakmak ang mga lokal at dayuhang turista na naglulunoy sa karagatan ng Boracay. Nagsa-sunbathing, nag-i-stroll, nagso-shoot, gumigimik, nagme-mermaid swimming at kung ano-ano pa.

Ang dahilan, maraming lumot o algae sa dalampasigan ng Boracay.

Sa ating mga Pinoy, parang normal lang ‘yan.

Pero hindi sa mga dayuhan. Ang lumot (algae) para sa kanila ay nabubuhay sa maruming kapaligiran.

Kaya ang pagdami nito sa hinahangaang Boracay ay nanganghulugan na dumudumi ang kapaligiran?!

Bagong isyu pa ba ito?! Hindi.

Noon pa man ay isyu na ang sistema ng waste disposal at sewerage sa Boracay. Nagkaroon dito ng tila “smokey mountain” dahil nagde-sisyon ang local government na sunugin ang mga basura na nakokolekta mula sa iba’t ibang establishments.

Pero dahil ipinagbawal ang pagsunog sa mga basura, nauso ang pagbabaon ng mga basura. Kung nagbabaon ng tone-toneladang basura sa isang isla, saan kakatas ang dumi nito?!

Siyempre patungo rin sa dagat.

Pero sa kabila nito, walang naging programa ang lokal na pamahalaan, partikular ang PENRO at ahensiya ng turismo para kontrolin o i-regulate ang tila kabuteng pagsusulputan ng iba’t ibang gusali at establisyemento.

Walang tigil ang kontruksiyon ng mga bagong hotel at iba’t ibang restaurant at resorts.

At ‘yun ang hindi natin maintindihan, bakit ayaw kontrolin ng lokal na pamahalaan o ng Department of Tourism?!

Magkano ‘este ano ang rason kung bakit sila mismo ay pumapayag na salaulain ng mga suwapang na negosyante ang Boracay?!

Saklolo, DENR Secretary Gina Lopez!

PIYESTA NA NAMAN
ANG MGA ADIK

GOOD morning po Sir Jerry, isumbong ko lang po na dito sa Malate, mula noong itinigil ang tokhang nagsilabasan na naman mga adik lalo n pag gabi.

+63948450 – – – –

MONITORING TEAM
HINILING LABAN
SA MGA MANLOLOKO

BULABUGIN: Sir panawagan sa gobyerno na sana magtatag ng monitoring team ang NBI, PNP at SEC para i-monitor ang mga bagong sulpot na negosyo na nagpapakalat ng flyers, add poster etc., tulad ng insurance, recruiting agency, lending company atbp., para matukoy kung bogus ang mga ito bago pa sila makapambiktima tulad nitong rent-sangla syndicate.

+639098881 – – – –

ATTENTION: MPD DD
GEN. JOEL CORONEL

SIR Jerry itong c PO1 Sarmiento at PO1 Alarcon ng PCP P. Gil nanghihingi ng 100 hundred gabi-gabi sa aming mga naghahanap ng customer sa gabi. ‘Pag di kami nagbibigay pinapaalis kami. Ang sabi nila, 2 pulis masama daw ang ginagawa namin. Bakit cla d ba masama ang pangingikil nla sa amin? At bakit un mga bakla at ibang mga kasama namin sa tapat pa ng PCP P. Gil nakatambay hndi nila pinapaalis dahil gabi-gabi naglalagay sa kanila. Ang kakapal ng mukha nla. Cla dapat ipadala sa Basilan. Don’t publish my no#

+63930104 – – – –

REKLAMO
SA OBSTRUCTION
SA KALSADA

SIR Jerry pakikalabog naman ang mga traffic enforcer natin lalo sa Parañaque at Las Piñas, kaya hindi mawala ang traffic diyan kasi po ginagawang paradahan ng mga sasakyan ang gilid ng kalsada imbes na 4 lane nagiging 2 lane na lang kasi kabilaan ang mga nakaparadang mga sasakyan. Kaya hindi rin minsan masisi ang mga pampasaherong jeep na magbaba at magsakay ng mga pasahero sa gitna ng kalsada kasi hindi na sila makatabi kasi dahil ginawang paradahan ang isang lane. Dagdagan pa ng mga talyer sa gilid ng kalsada na ginagawang gawaan ng mga sasakyan. Hindi lang ‘yan sa Las Piñas o Parañaque, halos kahit saan pumunta ganyan ang sitwasyon. Kaag nalinis ang mga ‘yan napakalaking tulong sa mga motorista at sa mga magta-traffic sa kalsada. Kaya dapat ipatupad ang batas na bawal magparada sa gilid ng kalsada, ‘pag may mga pasaway e wrecker na agad, para matuto.

+63946227 – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *