Friday , November 22 2024

Bulabugin

Libreng gamot sa Makati City dinagdagan pa ng budget

HAPPY talaga ang mga taga-Makati City. Hiniling kasi ni Mayora Abby Binay sa City Council na dagdagan pa ang budget para sa Makati Health Plus program o mas kilala sa tawag na Yellow Card. Hindi naman siya nabigo dahil inaprubahan ng Konseho ang P900 milyong budget para sa nasabing programa. Very good! Tumaas ito ng 50 porsiyento mula sa dating …

Read More »

‘Tokhang’ hindi na kailangan sa Maynila akusado sa droga kusang namamatay sa masikip na hoyo

dead prison

DINAIG pa umano ng ‘death penalty’ ang trending ‘este sunod-sunod na pagkamatay sa loob ng kulungan ng mga preso sa iba’t ibang estasyon ng Manila Police District (MPD). Noong una, dalawang preso ang namatay sa detention cell ng MPD Malate police station (PS9) dahil siksikan na ala-sardinas. Sumunod naman, ‘yung isang preso na namatay sa MPD Sta. Cruz station (PS3). …

Read More »

‘Recognition as Filipino for sale’ imbestigahan na!

ISANG ulat ang ating natanggap na umabot na raw sa tanggapan ng OMBUDSMAN ang lumabas na report tungkol sa anomalya ng pagkakaloob ng ‘instant’ recognition as Filipino citizens na naganap noong panahon ng panunungkulan ni RIP ‘este RPL (Ronaldo P. Ledesma) as Officer-In-Charge ng Bureau of Immigration (BI). Umabot na umano ito noon sa kaalaman ni dating Ombudsman Merceditas Gutierrez …

Read More »

‘Disputed lands’ hindi bibitawan ng China — Xi Jinping

xi jinping duterte

MABIGAT ang pahayag ni Chinese President Xi Jinping kaugnay ng kanilang pambansang soberanya: “China will never permit the loss of ‘any piece’ of its land to outsiders.” Ipinahayag niya ‘yan sa kabila na sila ay nahaharap sa “multiple territorial disputes” sa maraming kalapit bansa. Sa kanyang isang-oras na pananalita sa ika-90 anibersaryo ng pagkakatatag ng People’s Liberation Army (PLA) na …

Read More »

Ang mala-MMK na love scam ni komolek ‘este Comelec Chief Andres Bautista

TALAGA naman! Tikas good boy image itong si komolek ‘este Comelec Chairman Andres Bautista kung titingnan sa mukha pero matindi pala ang kanyang Pandora’s box. Sumingaw sa hindi naresolbang LQ (lover’s quarrel) nila ng kanyang misis na si Ms. Patricia Paz “Tisha” Cruz Bautista. Napunta muna sa hatian ng conjugal properties pero nang hindi napagbigyan si misis, pumutok ang isyung …

Read More »

Happy travel to all LGU officials & employees

MALAYA nang makapaglalamiyerda ‘este makalalabas ng bansa ang mga opisyal at empleyado ng local government units (LGUs) kung mayroon silang nakatakdang biyahe na labas sa kanilang trabaho sa pamahalaan. Naglabas na kasi ng direktiba ang Bureau of Immigration (BI) na hindi na nila hahanapan ng Travel Authority (TA) ang mga opisyal o empleyado ng LGUs na lalabas ng bansa. Batay …

Read More »

Edukasyon mahalaga kay Duterte

Dear Sir: ‘Di nag-atubili si Pangulong Rodrigo Duterte na bumalik sa Marawi upang makausap ang mga sundalo at pataasin ang morale nila. Ipinaabot niya sa mga sundalo ang balitang libre na ang tuition fee sa state universities and colleges na kanyang ipinangako na popondohan niya ang trust fund para sa anak ng mga sundalo. Batid ng pangulo ang kahalagahan ng …

Read More »

Pahirap sa drug test (Attn: PNP-FEO)

Drug test

SIR JERRY, bakit naman sobrang hirap sa drug test sa Camp Crame para sa lisensiya ng baril. Wala man lang maayos na opisina. Nasa hagdan lang nakapila mga tao. Dalawa lang ang tao nila kaya ang haba ng pila. Abot 3 oras bago ka ma-drug test. Ang laki ng ibinabayad namin pero pahirap ang sukli sa mga aplikante. +63915963 – …

Read More »

Party ‘loyalty’ for power, money and fame

congress kamara

KAYA bihirang-bihira tayong makatagpo ng mga tapat, makabayan at maka-Diyos na politikong pumapasok sa serbisyo publiko kasi sila mismo hindi nila kayang maging tapat sa kanilang sarili. Mas tapat sila sa interes na papabor sa kanilang pananatili sa kapangyarihan, sa ‘pagpapalago’ ng kanilang bulsa, at paghamig pa nang mas malalaking interes na magsisilbi sa kanila. In short, fame, power and …

Read More »

Comelec Chairman Andres Bautista komolek nang komolek?!

BATAY sa sworn affidavit ng estranged wife (but living in one roof) ni Commission on Elections (Comelec) chairman Jose Andres Bautista, na si Ma. Patricia Paz Cruz Bautista, narito ang mga ‘ill-gotten wealth’ na hindi niya alam kung paano na-acquire ng kanyang asawa: 35 Luzon Development Bank (LDB) passbooks with a total balance of P329,220,962; foreign currency account with Rizal …

Read More »

‘Ulong’ malupit sa DPOS ng Kyusi

MAY kasabihan, nakawan mo na raw ng isang baul na ginto ang milyonaryo, pero huwag ang mga dukha ng isang pinggang kanin. Sinasabi natin ito kaugnay ng napanood natin sa telebisyon na pagwasak ng Quezon City Department of Public Order and Safety (DPOS) sa side car ng mga tricycle na sinabi nilang kolorum. Nakadudurog ng puso habang winawasak ng bulldozer …

Read More »

Traffic beret bagong pauso ni MMDA Chair Danny Lim

WALA na ang bull cap dahil papalitan na ng black beret ang sombrero ng mga traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic enforcer para raw mabago ang kanilang imahen. Matagal na raw ang planong pagpapalit ng uniporme ng mga enforcer partikular ang head gear. Paliwanag ni Director Roy Taguinod ng Traffic Discipline Office ng MMDA, makikita sa bagong …

Read More »

Si Mike, si judge, si Borbie… who’s next?

dead gun police

ANG dating editor ng Businessworld na si Mike Marasigan, si Butuan judge Godofredo B. Abul, Jr., at si Pasay Councilor Borbie Rivera — lahat sila ay hinatulan ng kamatayan ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa loob lamang ng isang linggo. Si Marasigan patay agad, ang kanyang kapatid ay nasa kritikal na kondisyon hanggang ngayon. Patay rin agad si Judge …

Read More »

Tuition free sa SUCs pangakong hindi napako ni Digong

KAHIT ano pa ang mga pahatid-mensahe ni Budget Secretary Benjamin ‘joke no’ Diokno na walang budget para sa libreng matrikula ng mga estudyante sa state universities and colleges (SUCs), hindi nagdalawang-isip si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na lagdaan ang panukalang batas. Mismong si Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra ang nagpahayag niyan sa publiko kahapon. ‘Yan ay sa kabila nang …

Read More »

You cannot put a good man down

ILANG beses na itong napapatunayan at lahat ng mga nabibiktima ng ‘pambabaterya’ e lumalabas na ‘winner’ kahit ano pa ang gawin ng kanilang detractors. Ang pinakahuling eksampol niyan ay si Bureau of Customs (BoC) Commissioner Nicanor Faeldon na tila ‘kriminal’ na iginisa sa Kamara kaugnay ng P6-bilyong shabu na nakapuslit sa Customs. Mantakin naman ninyo, ‘yung Customs na nga ang …

Read More »

Anyare sa bagong immigration law!?

MUKHANG nganga na namang maliwanag ang aabutin ng mga taga-Bureau of Immigration (BI) matapos ma-etsapuwera sa pangalawang pagkakataon na makasama ang pag-amyenda sa panukalang baguhin ang existing Immigration law ng bansa. Sa pagbubukas kasi ng pangalawang session ng kamara, WALA as in waley raw sa listahan ng 38 priority bills na pagdidiskusyonan ang mga mambubutas ‘este mambabatas?! Omeyged! Naturalmente sapol …

Read More »

Party-list system nais nang lusawin ng pangulo

BAGAMA’T lehislatura ang may karapatang buwagin ang party-list system sa pamamagitan ng pag-amyenda sa 1987 Constitution, nais ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na sa kanyang administrasyon tuluyang lusawin ito. Ayos ‘yan. Nabubuwisit na kasi ang Pangulo dahil sa ‘binaboy’ at ‘sinalaulang’ party-list system na umiiral ngayon. Opo. Para sa pangulo binaboy at sinalaula ang party-list system na umiiral ngayon at …

Read More »

C/Insp. Jovie Espenido dapat italaga sa Metro Manila!

Tapat sa tungkulin at buo ang loob, naniniwalang dapat nang tuluyang wakasan ang pamamayagpag ng sindikato ng ilegal na droga sa bansa, kaya maging ang inyong lingkod ay kombinsido na si Chief Inspector Jovie Espenido ay mas dapat na italaga sa Metro Manila, lalo sa Maynila. Nakita niyo naman, lahat nang malalaking huli sa illegal na droga sa Maynila ay …

Read More »

Daycare sa Brgy. 18 Caloocan City ginawang detention cell (Saklolo Tatay Digong)

IBANG klase rin pala mag-isip ang barangay chairperson ng Barangay 18, Sona 2, Distrito II sa Lungsod ng Caloocan na si Emma Marie Galupe. Apat na taon na ang nakalilipas, ang Sto. Niño Daycare Center at eskuwelahan sa barangay ay ginawa niyang selda ng tao o kulungan. Wattafak?! Eskuwelahan ginawang kulungan? May karapatan bang magkulong ng tao ang barangay?! Sa …

Read More »

Seminar cum tagayan ng DSWD staff

Kumakalat sa social media ngayon ang isang video na nagpapakita sa mga staff ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nag-iinuman pagkatapos ng kanilang seminar. Ang nasabing grupo umano ay pinangungunahan ni Undersecretary Virginia Orogo. Sa nasabing video, talagang kontodo ang inuman at videoke ng mga sinasabing staff ng DSWD. Ano ba ang nangyayari sa DSWD? Para silang …

Read More »

‘Untouchables’ sa Ozamiz nagwakas na rin (War lords, drug lords, Kuratong etc.)

PAROJINOG. ‘Yan umano ang pangalan na kapag narinig ng mga taga-Ozamiz ay parang biglang magsisitakbo sa loob ng kanilang mga bahay ang mga residente. Kaya naman nang mapabalitang napatay ang dating mayor na si Reynaldo Parojinog, ang kanyang misis at 13 iba pa, lumabas ang iba’t ibang reaksiyon sa social media. Pero mas marami ang nagsasabi na parang nabunutan sila …

Read More »

15 days ultimatum ni Bato vs illegal gambling umubra kaya sa Maynila?

Hindi natin alam kung dahil nabansagang ‘anemic’ ang kampanya ng PNP kontra illegal gambling kaya nagbanta ng 15-araw na ultimatum si Director General Ronald “Bato” dela Rosa sa lahat ng regional directors. Matindi ang utos ni DG BATO, all-out war kontra illegal gambling. At matapang na pinaalalahanan ang lahat ng regional directors na gugulong ang kanilang mga ulo kung hindi …

Read More »