HINDI raw mabura nagyon ang napakalaking ngisi ‘este ngiti umano ni Parañaque chief of police Senior Supt. Ariel Andrade. Halos naka-CLUSTER kasi sa kanyang area of responsibility (AOR) ang jueteng operations ni JOY at BOLOK SANTOS. Kaya s’yempre happy din si Southern Police District (SPD) director Gen. Jose Erwin Villacorte. ‘Yung mga chief of police ng Pasay, Makati, Las Piñas, …
Read More »Isang masaya at makabuluhang kaarawan Sen. Sonny Trillanes
BINABATI natin sa kanyang araw ng pagsilang ang isa sa magigiting na senador ng bayan — Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV — isang makabuluhan at masayang kaarawan Senator! Hangad natin ang ibayo pang pagpapala sa inyo ng Dakilang Lumikha para sa inyong patuloy na paglilingkod sa sambayanan. Mabuhay ka Senador Trillanes!
Read More »Gen. Roland Estilles in, Gen. Rolando Asuncion out sa MPD!?
Biglang pumutok ang usapan na sisibakin na raw si Gen. Rolando Asuncion as district director ng MPD. At ang ipapalit ay si Gen. Ronald Estilles na kilalang ‘tao’ at suportado ni Bro. Mike ng El Shaddai. Ayon sa mga urot at bagman sa MPD HQ, marami raw kasing nasasagasaan si Gen. Asuncion lalo na ‘yung mga pangkabuhayan ng ilegalista sa …
Read More »Iwasan mamili sa Novo jeans & shirts Caloocan
Ibang klase pala magpatupad ng kanilang seguridad ang NOVO JEANS and SHIRTS na matatagpuan sa F. ROXAS St. at 3rd Ave., sa lungsod ng Caloocan. ‘Yun mga kamoteng guwardiya nila ay rerekisahin ang mga dala mong bag kapag papasok ka sa tindahan nila. Okey lang naman ‘yun…pero ang nakabu-bwisit kapag ikaw ay palabas na rerekisahin ulit ng mga estupidong sekyu …
Read More »Ampatuan public & private prosecutors nagrambulan na?!
FOR the nth hour, kung kailan pinag-uusapan na kung paano magkakaroon ng partial promulgation ‘e saka pa nagkaroon ng mga haka-haka at pagdududa na mayroong sumasabotahe sa proseso ng paglilitis sa Ampatuan massacre. Sinisi at pinagbibintangan ni Justice Undersecretary Francisco Baraan III ang dalawang private lawyer na sina Atty. Nena Santos at Prima Jesus Quinsayas na nanggugulo at malisyoso. Ito …
Read More »Destabilization plot vs PNoy nabulabog ni Sen. Sonny Trillanes
ISANG Sabado bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III nitong Hulyo 28, nakasabat ng impormasyon si Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV na mayroon umanong nagaganap na pagpupulong ang mga retired AFP at PNP generals at may whistleblower pa sa Max’s Restaurant sa M.Y. Orosa d’yan sa Ermita. Isinusulong umano ng nasabing grupo ang RESIGN …
Read More »Jueteng ni Bolok Santos tuluyang namayagpag sa South Metro
NAGDIRIWANG na ang grupo ni TONY BOLOK SANTOS dahil sa kanyang pananagumpay na makopo ang operasyon ng jueteng sa Southern Metro Manila. Dahil sa tumataginting na P12 milyones na goodwill money ‘e tumindi ang pressure sa mga karibal sa jueteng operation. At sa tindi nga raw ng pressure ‘e tumiklop ang mga small player. Ganyan kalupit ang operasyon ng teng-we …
Read More »DoE nakagapos ang kamay sa Epira Law
Walang magawa ang Department of Energy (DOE), sa kabila ng mga rekomendasyon nito upang isaayos ang problema ng elektrisidad sa ating bansa. Ano mang solusyon na dapat o gusto nilang gawin na proyekto ay hindi ito uusad lalo na kung panahon ng krisis, dahil sa probisyon ng RA 9136 o EPIRA LAW, partikular na ang Section 71 na tanging ang …
Read More »Paolo Bediones biktima ng sariling kaburaraan
HAYAN na naman … Pumutok na naman ang eskandalo tungkol sa sex video ng isang sikat na personalidad. As usual (sa mga biktima ng sex video scandal), para sagipin ang kanyang kaburaraan este kahihiyan, pumunta sa awtoridad (PNP-CIDG) ang TV host/anchor na si Paolo Bediones para ipa-trace umano kung sino ang nag-upload ng nasabing video. Inireklamo rin niya ang blackmail …
Read More »Peace & order sa Quezon City tutukan!
MUKHANG walang takot ang mga naglipanang kriminal sa Quezon City. Sunod-sunod ang nagaganap na pamamaslang at holdapan. Namahinga nga ang carnap syndicate pero tuloy pa rin ang nakawan, holdapan at patayan. Napakalaki ng Quezon City. Kaya kung ang mga opisyal ng Quezon City Police District at mga station commander ay mananatili lang sa kanilang malalamig na opisina ay talagang hindi …
Read More »Swak na si Leon Guerrero
MUKHANG makokompleto na ang attendance ng ‘action stars’ sa PNP Custodial Center sa Camp Crame. Nitong linggo ay nilagdaan na umano ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang resolution na naghahain ng graft charges laban kay Senador Manuel “Lito” Lapid at anim pang iba dahil sa overpricing ng 3,880 liters ng liquid fertilizer na binili ng provincial government noong 2004. Sangkot …
Read More »Balahura ba talaga si Vice Ganda?
MAHIGIT isang taon na ang nakararaan, nalagay sa isang matinding kontrobersiya si Vice Ganda (Jose Mari Viceral) nang gawin niyang katatawanan ang ‘RAPE’ sa kanyang Araneta dome show noong May 17, 2013. Naging kontrobersiyal ang ‘RAPE JOKE’ ni Vice Ganda hindi lang dahil ginawa niyang katawa-tawa ang isang kilalang broadcast journalist (Jessica Soho) kundi ang kanya mismong insensitibong pananaw tungkol …
Read More »Alias Don Kar-Lo (No. 1 fixer sa Manila City Hall)
Kung may sikat na court fixer na si Ma’am Arlene e may City hall/MPD fixer na sikat na sikat ngayon sa katauhan ng isang alias DON KAR-LO. Madalas i-namedrop ni alias Don Kar-lo na malakas siya kay MTPB chief Carter Logica at sa Office of the Vice Mayor (OVM). Wala raw pwedeng kumastigo sa kanya dahil dehins naman siya empleyado …
Read More »Arab Sheik ‘binastos’ ng NAIA T-1 immigration officer!?
ISANG kasamahan sa airport media ang nanggagalaiti nitong nakaraang Wednesday dahil sa umano’y kagaspangan ng ugali ng Officer-On-Duty sa I-Card counter ng NAIA Terminal 1 Departure Area sa katauhan ng isang IO MONTALES. Pakiramdam kasi ng newshen na si Vangie, butihing kabiyak ng yumaong Ding Villanueva old time colleague sa NAIA Media, ‘nabastos’ ang Arab Sheik na kanyang ini-request for …
Read More »Freedom of Information (FOI) bill ginamit lang ng PNoy admin sa pambobola sa mga ‘boss’ n’ya!?
ISA sa mga nakaligtaan o sinadyang kaligtaan ‘ata ni Pangulong Benigno Aquino III ang Freedom Of Information (FOI) Bill sa kanyang State Of the Nation Address (SONA). Wala ngang sinisi, inaway o sinermonan si PNOY pero wala rin siyang binanggit ni katiting tungkol sa FOI bill. E ano pa nga ba ang inaasahan natin?! Kahit kailan ay hindi natin kinakitaan …
Read More »“Kolektong” ng DILG nagpapakilala sa Southern Luzon
ISANG kupitan este alias KAPITAN BLANGKO at WILLIAM KAHOYAN ang nagpapakilalang kolektong umano ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Umikot na sina alias Blangko at Kahoyan sa mga 1602/vices operator sa iba’t ibang lalawigan sa Southern Luzon para opisyal na magpakilalang sila ang binasbasan ng DILG para mangolekta ng mga dapat daw kolektahin. Ano ba ito ni …
Read More »Talagang nakaiiyak ang SONA ni PNoy
HINDI ako si Noynoy at lalong hindi ako isa sa apat niyang kapatid na babae … Pero parang naiyak din talaga ako sa kanyang State Of the Nation Address (SONA). Naiyak ako dahil unang-una kahit punong-puno ng accomplishment at mabubuting bagay ang inihayag niya sa kanyang SONA ‘e marami ang nagsasabing hindi nila alam o naramdaman ang mga sinabi ni …
Read More »Sulpicio Lines counsel naging Comelec commissioner?!
NAKANENERBIYOS ang pagpasok ng isang corporate lawyer na gaya ni Atty. Arthur Lim sa Commission on Elections (Comelec). Si Atty. Lim ay ipinalit ni Chairman Sixtong este Sixto Brillanters kay dating election commissioner Grace Padaca. Wala naman kaso kung talagang deserving si Atty. Lim. Ang siste, hindi ba’t si Atty. Lim ang aboagdo ng Sulpicio Lines?! Siya ‘yung abogado na …
Read More »‘Spoiled’ na alyado ni Erap ang dahilan ng pagsibak kay ret. Justice Artemio Tuquero sa PLM
ARGUMENTO ngayon sa korte ang paglaglag ‘este’ pagsibak ni Erap kay retired Justice Artemio G. Tuquero bilang University President ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM). S’yempre trabaho na ng mga eksperto sa batas ‘yang pag-aargumento kung matuwid at kung naaayon ba sa umiiral na praktis at batas ang ginawang pagsibak ni Erap. Kung pagbabatayan ang umiiral na praktis alinsunod …
Read More »Tutuban mall bagsakan/bentahan ng G.S.M phones!
‘YAN ang nabisto ng ating very reliable source … ang talamak at lantarang bentahan at bilihan ng mga GSM (galing sa magnanakaw) na cellphone sa Tutuban Mall sa Divisoria, Maynila. Kamakailan, isang kaibigan ng ating BULABOG boy, ang nabiktima ng mandurukot habang naglalakad sa kahabaan ng C.M. Recto. Swerte lang at mula sa A.O.R. ng MEISIC Police Station-11 tumawid sa …
Read More »Perya-galan sa AoR ng PNP Region 3
Sa mga bayan ng San Fernando at Magalang sa Pampanga, largado ang perya-galan nina “Nardong Putik” at Jun Lim. Sa bayan naman ng Castillejos sa lalawigan ng Zambales, hataw rin si OBET PILAY sa carnival de peryahan na may mesa ng sugal na color games, pula’t puti at drop balls. Sa Limay, Bataan, crooked gambling na pergalan din ang inilatag …
Read More »Sino naman ngayon ang makakapal ang mukha?
SAAN kayo nanghihiram ng kapal ng mukha? Naging pamoso ang linyang ito ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang SONA noong nakaraang taon. Dito niya dinurog ang Bureau of Customs pero nagsabing nananatili ang tiwala niya kay dating Customs Commissioner Ruffy Biazon. At ang sumunod ay pagtanggal at paglipat sa mga Customs career officials sa Department of Finance na sinundan …
Read More »BI-Intel “tongpats” ng mga bombay sa BI-Mactan (Attn: SoJ Leila De Lima)
Kailangan na naman sigurong balasahin ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Siegfred Mison ang mga Intel agents niya sa BI-Mactan airport. Ayon sa impormasyon na nakarating sa atin, may ilang BI-Intel personnel ang siyang may hawak ngayon ng sindikato ng kambing ‘este’ Bombay. Sila ‘yun mga nagpapasok at nagbibigay ng protection sa mga Bombay. Knowing naman natin na napakalaking pera …
Read More »Raket nina Kendi at Don-C sa Manila City Hall
ISANG nagpapakilalang BFF ni MTPB chief DON CARTER LOGICA ang sinasabing UTAK ngayon ng mga RAKET sa kanyang opisina. Itong si alias KENDI, itinuturo sa TUBUSAN cum KOTONGAN sa mga nakokompiskang lisensiya sa Maynila. Gamit ang MTPB at MTRO nakapamamayagpag ang tandem nina Kendi at Don-C sa City Hall. Si alias DON-C daw ay katulad din ni Carter na dating …
Read More »Mabuhay ang Sentenaryo ng Iglesia Ni Cristo
BINABATI po natin ang buong Iglesia Ni Cristo (INC) sa kanilang pagdiriwang ngayon ng ika-100 anibersaryo. Hangad natin ang panibago pang 100 taon patungo sa pag-unlad at paglawak pa ng INC. Ang INC ay itinatag ng tinaguriang Sugo at Punong Ministro na si Felix Y. Manalo noong Hulyo 27, 1914 sa Sta. Ana, Maynila. Nang lumalaki na ang bilang ng …
Read More »