Friday , November 22 2024

Bulabugin

Pulis 15/30 namamayagpag din bilang bagman ‘kuno’ sa PNP-Parañaque

MUKHANG hindi rin talaga tumagos sa Philippine National Police (PNP) ang ‘daang matuwid’ ni PNoy. Ito ang isang example na hindi na na-absorb ng PNP ang daang matuwid — Sa PNP-Southern Police District (SPD), take note District Director, Gen. Henry Rañola, isang pulis sa Parañaque ang kilalang-kilalang kinsenas-katapusan (15-30) kung pumasok — ‘yan daw si alias S-PO-TRES CHARLIE BOY. Ibig …

Read More »

iProtect Security Agency sandamakmak ang unfair labor practices (ULP) (ATTN: DOLE-NLRC & SSS)

ILANG beses na po tayong nakatanggap ng reklamo laban sa iProtect Security Agency mula sa kanilang guwardiya dahil sa sandamakmak na unfair labor practices (ULP). Napakahirap po ng trabaho ng isang security guard. Sabi nga, kapag naka-duty sila para na rin nakaumang ang isang paa nila sa hukay. Siguro bawat pamamaalam nila sa kanilang pamilya ay katumbas din ng kawalang …

Read More »

Pamilya ng tatlong tauhan na natabunan pinabayaan ni Mr. Pobre?! (Sa Brgy. Caggay, Tuguegarao City Illegal gold mining)

ANG pagiging gahaman umano ng nagmamay-ari ng illegal gold mine sa Maharalika Highway, Barangay Caggay, Tuguegarao City, sa ginto at sa kuwarta ay kitang-kita kung paano niya itrato ang kanyang mga tauhan. Dalawang taon na ang nakararaan, Apat na tauhan ni Mr. Pobre ang natabunan ng lupa nang gumuho ang nasabing illegal mining. Patay ang tatlong tauhan niya na sina …

Read More »

Huwag sanang maging “Jollibee” International Airport ang NAIA

BALITA natin ‘e papalitan na raw ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) … pwede na raw itong tawaging JOLLIBEE INTERNATIONAL AIRPORT…Hik hik hik … Kidding aside, mukhang hindi na necessity ang nakikita nating dahilan ng pagdadagdag o extension ng Jollibee fastfood ng isa pang tindahan sa NAIA terminal 1. Considering na mayroon namang existing fastfood sa arrival greeters’ …

Read More »

Lawton/Intramuros PCP kulang o walang lespu?! (Attn: MPD DD Ssupt Rolly Nana)

MISMONG mga pulis natin sa MANILA POLICE DISTRICT (MPD) HQ ang nagtatanong n’yan makaraang malaman nila na may mga ‘LUBOG’ o hindi pumapasok na lespu kapalit ng kanilang ‘timbre’ umano sa kanilang superior officer. Kernel Rolly Nana, dapat mong tutukan ang masamang kalakaran na ‘yan. Imbes magtrabaho ang pulis ay naglalamyerda at naghihintay lang ng suweldo saka ‘bibi-yakin’ sa kanilang …

Read More »

Sariling simbahan itatayo ni Manny ‘Pacman’ Pacquiao

TUMABI-TABI na kayo Bro. Mike Velarde ng El Shaddai, Bro. Eddie Villanueva ng Jesus is Lord (JIL) at Ely Soriano ng Ang Dating Daan … bigyang-daan ninyo si Bro. Manny “Pacman” Pacquiao. Hindi lamang ang kanyang training sa boksing at pagpapaunlad sa kanyang sariling training site ang pinagkakaabalahan ngayon ni Manny. Aba ‘e itinatayo na ngayon ni  Pacman ang kanyang …

Read More »

Circulo del Mundo tatanggalin sa Andrews Ave.

TATANGGALIN na rin sa wakas sa Rotonda ng Andrews Ave., ang Circulo del Mundo na nagkakahalaga ng P50 hanggang P100 milyon para sa pagluwag ng trapiko sa Nichols area sa Pasay City. Ang Circulo del Mundo po ay ‘yung architectural design na nasa Rotonda malapit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3. Ipinagawa ito noong nakaraang administrasyon at sinabing …

Read More »

Nagkakasakit din pala ang Panday!?

MANTAKIN ninyo, nagkakasakit din pala ang Panday?! Noong nasa labas pa si Sen. Bong Revilla, napakasigla, napakalakas at makulay na makulay ang kanyang kalusugan. Parang sa hinagap ay hindi natin maisip na siya pala ay mayroong migraine, mahina ang puso at hindi rin natin akalain na dadapuan siya ng depresyon. Stress lang siguro, pwede pa sa dami ng kanyang pinagkakaabalahan …

Read More »

Talaga bang gustong makapagsubi ng pabaon ni Comelec Chairman Sixto Brillantes?

MUKHANG nagmamadali talaga si Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixtong ‘este Sixto Brillantes, Jr., na makapagsubi raw sa kanyang pagreretiro. Talagang iginigiit niyang maisulong ang pagbili ng bagong PCOS machine para umano garantisadong malinis ang eleksiyon sa 2016. What the fact?! ‘E ang supplier at bidder din naman ‘e ‘yung SMARTMATIC at ang bibilhing PCOS machine ay ‘yung mga refurbish. …

Read More »

Golf carts ng NAIA T3 full operation na!

SPEAKING of NAIA T-3, ayaw talaga paawat ni Terminal Manager Engr. Bing Lina, na tanghaling “Mr. Action Man.” Nasaksihan ng maraming dabarkads natin, kung paano nakapagbibigay ng serbisyo ang apat na Golf Carts sa Terminal-3 Arrival/Departure Areas, both Domestic and International wings na lubhang ikinasisiya ng mga kababayan nating Senior Citizens at maging mga bata, ganoon din ang mga pasaherong …

Read More »

Naka-boy scout knots pala ang ‘links’ ng Aquinos at Binays?!

MUKHANg singtibay talaga ng Boy Scout Knots ang ‘links’ ng mga Aquino at Binay … Hindi mapatid-patid. Mahigpit na kasi ang utos ni Pangulong Noynoy, huwag ‘tingiin’ ang imbestigasyon ng Senado kay Vice President Jejomar Binay. Ilabas at ibuhos ana ang lahat ng ebidensiya kung mayroon para umano matapos na ang imbestigasyon ng Senado. Aba’y hindi niya ginawa ang ‘pag-awat’ …

Read More »

Mga parak MPD na hulidap at tulak kasuhan!

MARAMI ang nag-aabang kung ano ang susunod na gagawin ni Manila Police District (MPD) Director, Gen. Rolanda Nana sa opisyal at walong (8) pulis na isinailalim ngayon sa imbestigasyon matapos makuhaan ng bulto-bultong shabu at marijuana sa kanilang kustodiya. Marami talagang nagtataka kung bakit nakapag-ipon ng ganoon karaming ilegal na droga ang mga pulis ng MPD District Anti-Illegal Drugs (DAID). …

Read More »

L.A. Cafe buhay na naman sa kalakalan ng bebot sa Maynila

HINDI lang pala ang TOP EMPEROR INTERNATIONAL ENTERTAINMENT KTV ang namamayagpag sa sex trafficking sa lungsod ng Maynila. Every night, happy na naman pala ulit ang L.A. CAFE sa Mabini St., Ermita sakop ng MPD PS-5 dahil sa kalakalan ng babae sa loob nito. Kung sa Emperor club ay exclusive sa mga bigtime na Chinese at Korean ‘e ito namang …

Read More »

Cpl. Ramos ‘hari’ rin pala ng sim/cell cards sa Baltao area?! (Attn: APD Chief Ret. Gen. Jesus Descanzo)

HINDI lang pala sa NAIA Terminal 1 ‘astig’ at ‘sikat’ si Airport Police Corporal Angelito Ramos, kundi maging sa Baltao Area ay kilala siyang ‘hari’ ng pagbebenta ng Sim/Cell Cards, pati E-Loads. Very business minded talaga pala si Ramos!? Sa Baltao Area, ang komunidad na malapit sa NAIA ay si Ramos ang numero unong supplier umano ng mga Sim/Cell Cards. …

Read More »

CAAP officials pinaiimbestigahan

Nakatanggap tayo ng isang e-mail mula sa concerned CAAP employees na tumutuligsa sa kanilang opisyal. Anyway, binibigyan rin natin ang mga CAAP officials na nabanggit na sagutin ang isyung ito sa ating kolum. Ito po ang nilalaman ng sumbong: “Kami po ay mga nagkakaisang empleyado ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP). Sumulat po kami upang iparating sa mga …

Read More »

VP Jojo Binay natiyope sa debate kay Sen. Sonny Trillanes

“It is one lie after the other …” Inihayag ito ni Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV kaugnay ng pag-atras ni Vice President Jejomar Binay sa itinakdang debate na sana ay magaganap sa huling Huwebes ng Nobyembre, petsa a-27. Umatras si VP Binay sa dahilan na ayaw umano niyang magmukhang bully laban sa Senador. Kung ating matatandaan, si Binay ang unang …

Read More »

Secretary Ike Ona una sa sibakan sa daang matuwid ni Pangulong Noy (Sa bakunang tinipid pero overpriced)

MUKHANG si Secretary Ike Ona with his Assistant Secretary Eric Tayag ang unang makatitikim ng ‘tabak ni Damocles’ sa “Daang Matuwid” ni Pangulong Noynoy. Sa kasalukuyan ay iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang  kwestiyonableng pagbili ng pneumoccocal conjugate vaccine 10 o PCV 10 noong 2012. Base nga raw sa reklamo, ipinaliwanag ni Justice Secretary Leila de Lima, …

Read More »

Talagang win na win ang mga Gatchalian sa Valenzuela City

WIN na WIN ang mga Gatchalian sa Valenzuela City. ‘Yan kasi ang sinasabi ni Congressman Sherwin sa kanyang mga TV ads ngayon na win na win ang kanilang program para bayan. By the way, ang aga naman TV ads n’yan? Tatakbo ka bang Senador, Mr. Congressman? Sabi nga, hindi lang mga Binay ang ehemplo ngayon ng political dynasty sa cosmopolitan …

Read More »

Anyare sa kontak ng pekeng airline employee na nagtangkang palusutin ang isang bombay!? (Paging: SOJ Leila de Lima)

NAALALA ba ninyo ang naisulat natin na insidente tungkol sa isang Bombay na natimbog ng mga taga-Bureau of Immigration (BI) sa pagtatangkang pumuslit papasok ng bansa sa pamamagitan ng pagsusuot ng Airport ID at reflectorized vest, gaya sa isinusuot ng air traffic controllers? Nangyari ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3, dalawang linggo na ang nakalilipas. Kinilala ng …

Read More »

Illegal ‘gold’ mining sa Brgy. Caggay, Tuguegarao City may permit ba sa Mines & Geosciences Bureau ng DENR!?

ISANG reklamo po ang ipinaabot sa inyong lingkod kaugnay ng illegal ‘gold’ mining na nangyayari sa Barangay Caggay (Zone 6 & 7), Maharlika Highway, Tuguegarao City. Nagtataka po ang mga residente kung bakit tila walang pakialam ang tanggapan ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) gayong kitang-kita sa loob ng lupain ang illegal mining. Umabot na umano sa 40 …

Read More »

Parañaque Mayor Edwin Olivarez, ang ospital ay pagamutan hindi drawing lang!

KAHIT saang babasahin natin makita ‘e laging ipinagmamalaki ng administrasyon ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez ang ipinagawa raw niya na public general hospital sa Tambo, Parañaque. Ang ipinagtataka natin paano naging general ang kategorya ng Ospital ng Parañaque gayong wala naman daw itong equipment sa loob. Hindi nga raw makapagpa-confine ng pasyente dahil kulang na kulang sa kama at iba …

Read More »

Sa integrasyon ng IPSC sa airfare LBP employees nawalan ng trabaho

KUNG sakaling matuloy na ang integrasyon ng P550 international passenger service charge (IPSC) na naka-TRO pa ngayon, o mas kilala sa tawag na terminal fee, sa pasahe sa eroplano, e mawawalan ng trabaho ang hindi kukulangin sa 100 contractual employees ng LBP. Sila ‘yung LBP agency contractual employees na nakakontrata sa Manila International Airport Authority (MIAA) para sa paniningil ng …

Read More »