Mga parak MPD na hulidap at tulak kasuhan!
MARAMI ang nag-aabang kung ano ang susunod na gagawin ni Manila Police District (MPD) Director, Gen. Rolanda Nana sa opisyal at walong (8) pulis na isinailalim ngayon sa imbestigasyon matapos makuhaan ng bulto-bultong shabu at marijuana sa kanilang kustodiya.
Marami talagang nagtataka kung bakit nakapag-ipon ng ganoon karaming ilegal na droga ang mga pulis ng MPD District Anti-Illegal Drugs (DAID).
Ayaw nating husgahan ang mga nasabing pulis hanggaโt hindi natatapos nag imbestigasyon, pero matagal na tayong nagtataka kung bakit walang naipipresentang huli ang nasabing yunit ng pulisya gayong maraming ulat na lagi silang nag-iikot sa mga lugar na kung tawagan ay drug infested.
Totoo kaya ang balitang ibinabangketa o huli-benta ng MPD-DAID ang mga nakuhang droga sa kanila?!
โYan bang tanong na โyan ang hint o sagot kung bakit sandamakmak ang droga sa opisina ng DAID?!
Sana ay mapanagot ni Gen. Naknak โeste Nana ang mga pulis na sangkot sa pagtutulak ng nasabing ilegal na droga.
At kung mapatunayan na ilegal ang pagtatago nila ng droga sa kanilang locker ay kasuhan ng illegal possession of ilegal drugs.
Sana ay isunod na rin imbestigahan ni Gen. Nana โyung MPD anti-carnapping unit na balitang-balitang โtulalaโ sa pagkawala ng recovered carnapped vehicles. Ganoon din โyung mga na-chopped-chopped na motorsiklo.
Isa-isahin mo na โyan Gen. Nana!
