Monday , November 18 2024

Breaking News

Calixto, SMLI, 13 pa inasunto sa Omb (Sa Pasay City reclamation project)

SUSPENSIYON kina Pasay City Mayor Antonino Calixto, sa isang realty development at mga kagawad ng Sangguniang Panglungsod ang hiling ng isang Pasayeño na naghain ng kasong administratibo at kriminal sa Ombudsman dahil sa paglabag sa anti-graft practices ng mga nasasangkot. Bukod kay Calixto at sa SMLI, nahaharap din sa kasong  administratibo at kriminal sina vice mayor Marlon Pesebre; mga kasapi …

Read More »

Sanggol, 2 paslit, lolo, 4 pa todas sa sunog

WALO katao ang natusta nang lamunin ng apoy ang 100 kabahayan sa Tinajeros, Malabon city, at sa Zamboanga  City kahapon. Apat sa mga biktima ng sunog sa Malabon ay kinilalang sina Tomas Cruz, 72, lolo; Maylene Cruz-Mateo, 38, ina ng dalawang batang sina Lelei, 10 anyos  at Raylei, 5 anyos, magkakasama sa isang bahay  sa Espiritu St., Brgy. Tinajeros habang …

Read More »

Raket ni Dinky ibinisto ng madre (Cash for testimony ng Yolanda victims ‘pampabango’ ng DSWD)

HINAMON ng Malacañang ang madreng nagbulgar ng sinasabing “cash-for-testimony” raket ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Dinky Soliman para pabanguhin ang imahe ng DSWD sa Yolanda relief operations, na maglabas ng ebidensya kaugnay sa nasabing anomalya. Hamon ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., kay Benedictine Sister Edita Eslopor na magharap ng konkretong katunayan dahil hindi aniya tungkulin …

Read More »

Seguridad vs terorista inalerto (Atas ng Palasyo sa BI)

INATASAN ng Palasyo si Immigration chief Siegfrid Mison na higpitan pa ang ipinatutupad na patakarang pang-seguridad para hindi malusutan ng mga terorista. Ang direktiba ng Malacañang ay kasunod ng ulat na nakapuslit ang dalawang pasaherong may hawak na nakaw na pasaporte sa Malaysian Airlines flight MH370 na biglang nawala mula nang umalis sa Kuala Lumpur airport noong Sabado habang patungo …

Read More »

‘Piratang’ intsik timbog sa camcording

TIMBOG ang isang Chinese national nang maaktohang nagrerekord ng kanyang pinanonood na pelikula sa isang sinehan sa Mall of Asia, Pasay city, nitong nakaraang Biyernes. Sasampahan ng kasong paglabag sa Anti-Camcording Act ang suspek na kinilalang si Chen Shen Hua, 32,  pansamantalang nanunuluyan sa Unit 6B LPL Center 130LP Leviste St., Salcedo Village, Makati City. Inaresto ni PO3 Bienvenido Calvario, …

Read More »

4 pasahero gumamit ng nakaw na passports (Malaysia Airlines missing pa rin)

Iniimbestigahan ng Malaysia ang posibleng koneksyon sa terorismo ng pagkawala ng eroplano ng Malaysia Airlines nitong Sabado ng umaga. Sa pinakabagong ulat, may dalawang hindi kinilalang sakay ng eroplano ang may kwestyunableng pagkakakilanlan. Una nang napag-alaman na dalawang sakay ng nawawalang Malaysia Airlines flight MH370 ang gumamit ng nakaw na pasaporte ng isang Italyano at isang Austrian. Kinumpirma ng dalawang …

Read More »

Casinos pugad ng drug trade

NAGHAIN ng resolusyon si Senadora Nancy Binay na naglalayong imbestigahan ang sinasabing pamumugad ng gambling lords sa high-end casino hotels. Nangangamba si Binay na ang bansa ay ginagamit na ng transnational syndicates. “Ngayon, ginagamit na ang ilang mga casino at mga gaming center ng mga sindikato. These places have now become convenient hubs where drug deals easily exchange hands. Hindi …

Read More »

Umali inarbor si Delfin Lee?

PAIIMBESTIGAHAN ng Malacañang ang ulat na tangkang pag-arbor ni Mindoro Gov. Alfonso Umali, sa negosyanteng  si Delfin Lee, matapos arestuhin ng Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes ng gabi. Ayon kay Communications Secretary Hermino Coloma, Jr., kailangan makuha ang panig ni Umali at ng PNP hinggil sa insidente dahil ang detalyeng nakarating sa Palasyo ay mula sa mga ulat sa …

Read More »

Malaysia Air bumagsak sa Vietnam (227 pasahero, 12 crew missing)

ISANG eroplano ng Malaysian Airlines ang pinaghahanap matapos mawalan ng contact at hinihinalang bumagsak malapit sa Vietnam, iniulat kahapon. Sakay ng eroplano ang 227 pasahero kabilang ang dalawang sanggol at 12 crew. Sa inilabas na pahayag ng Malaysia Airlines dakong 7:24 ng umaga, nawalan ng contact sa Subang Air Traffic Control ang flight MH370. Alas 2:40 am, ang huling komunikasyon …

Read More »

Biggest women’s symbol para sa Guinness

Biggest women’s symbol para sa Guinness. Bilang paggunita sa pagdiriwang ng Women’s Month bumuo ng Woman Symbol ang  Philippines Commission on Women sa pakikipagtulungan ng Coca-Cola, Philippines, na may titulong “Sulong Juana” sa Quirino Grandstand, Maynila. Tinatayang mahigit sa 10,000 kababaihan ang lumahok at maaaring pumasok sa Guinness World Records bilang  pinakamalaking ‘human formation’ ng Women’s Symbol. (BONG SON)

Read More »

1 babae kada oras nagagahasa sa Pinas (Ayon sa Gabriela)

NAGULAT ang Palasyo sa ulat ng women’s rights group Gabriela na isang insidente ng panggagahasa ang nagaganap sa bansa sa bawat isang oras at 55 minuto sa nakalipas na dekada. Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, beberipikahin ng Palasyo ang datos kasabay ng pagtiyak na nakikiisa ang pamahalaan sa adbokasya ng Gabriela na protektahan ang mga kababaihan. “ I …

Read More »

Delfin Lee arestado sa P7-B Syndicated Estafa

IKINULONG na sa National Bureau of Investigation (NBI) detention facility sa San Fernando City, Pampanga ang negosyanteng si Delfin Lee na nahaharap sa kasong P7 bilyon syndicated estafa. Batay sa commitment order ng korte, doon muna mamamalagi si Lee hangga’t hindi nareresolba ang usapin sa mosyon ng kanyang kampo. Nauna rito, hindi pinayagan ng korte ang hiling ng kampo ng …

Read More »

Koreano tumalon sa condo, dedo

BIYAK ang ulo at nagkalat ang utak ng isang 35-anyos Koreano nang mag-ala superman na tumalon mula sa 24 floor ng condominium sa Mandaluyong City kahapon ng umaga . Kinilala ng Mandaluyong PNP ang biktimang si Han Jack Young, musician, nakatira sa unit 240 C, G.A. Tower-1, EDSA corner Boni Avenue, Brgy. Malamig sa lungsod. Ayon kay Han Jung Ah, …

Read More »

Bank accounts na-withdraw na ni Napoles?

SINASABING na-withdraw na ni Janet Lim Napoles at naitago ang mga laman ng kanyang bank accounts bago pa man mag-isyu ng freeze order ang Court of Appeals (CA) sa Manila Regional Trial Court. Ayon sa ulat, mas maliit na ang halaga ng bank accounts ni Napoles mula sa kanyang P10 billion pork barrel transactions. Sa 11 bank accounts na hawak …

Read More »

Omb kinalampag sa Graft vs Banayo (Sa isyu ng rice smuggling)

  NAGPAHAYAG ng suporta ang iba’t ibang grupo hinggil sa panukala ni Sen. Alan Peter Cayetano na pagtatayo ng special court, na maglilitis  ng plunder at iba pang kasong katiwalian na kinasasangkutan ng mga opisyal sa pamahalaan. Sa kabila nito, marami sa mga concerned citizen na lumalaban sa katiwalian ang nagpahayag na rin ng pagkainip sa mabagal na pagkilos ng …

Read More »

Meralco i-contempt — Solon (Bayad sa deferred bill tinanggap)

HINDI kontento si Bayan Muna Rep. Neri Colmenares sa naging desisyon ng Meralco na i-refund na lamang sa mga kostumer nila ang sobrang nasingil sa consumers. Ayon sa mambabatas, dapat papanagutin ang Meralco sa ginawang paglabag sa temporary restraining order (TRO) na ipinalabas ng Supreme Court na nagsasabing huwag munang ipatupad ang dagdag singil. Dahil dito, idiniin ni Colmenares na …

Read More »

P30-M Shabu kompiskado bigtime tulak arestado

ARESTADO sa isang buy bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang drug pusher na kinilalang si Muhammad Salih sa parking lot ng grocery store sa Congressional Ave., Brgy. Bahay Toro, Quezon City. Tinatayang P30 milyon halaga ng shabu ang nakompiska sa suspek. (ALEX MENDOZA) NAARESTO ng mga operatiba ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) ang …

Read More »

Business empire ng Indonesian tycoon sa PH target ng Palasyo (Batay sa artikulo ng kolumnista)

PAIIMBESTIGAHAN ng Palasyo ang posibleng paglabag sa Saligang Batas ng pagtatayo ng emperyo ng negosyo sa bansa ni Indonesian tycoon Anthoni Salim. Reaksyon ito ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., sa pagbubulgar ng kolumnistang si Rigoberto Tiglao hinggil sa pagkontrol ni Salim sa pangunahing mga industriya sa Filipinas, kabilang ang public utilities tulad ng Manila Electric Company (Meralco), Maynilad, at …

Read More »

90,000 PCOS ibebenta ng Comelec (Kahit may nakabinbing election protests)

SA tambol mayor na lang maghahabol ang mga kandidatong may nakabinbing electoral protest kapag natuloy ang plano ng Commission on Elections (Comelec) na ipagbili ang 90,000 precinct count optical scan (PCOS) machines na ginamit sa nakalipas na dalawang automated elections sa bansa. Sa compact flash card na nasa PCOS machine nakalagay ang detalye ng naging boto ng bawat kandidato at …

Read More »

Senglot nawalan ng tsinelas binti’t paa ng kapitbahay kinatay

ISANG 32-anyos lalaking lasing ang nakapiit at nahaharap sa kasong  frustrated murder matapos niyang katayin ang paa at binti ng isang kapitbahay na pinagbibintangan niyang nagnakaw ng kanyang tsinelas sa Malabon City,  kamakalawa ng gabi. Hanggang sa loob ng himpilan ng pulisya ay hinahanap ng suspek na si Pablo Candido ang kanyang nawawalang tsinelas, matapos maaresto nang pagtatagain ang paa …

Read More »

Mar Roxas-Kris Aquino manok ng Palasyo (Ilalaban sa Jojo Binay-Vilma Santos sa 2016)

HINDI itinanggi Malacanang ang posibilidad na ang tambalang Mar Roxas-Kris Aquino ang makasasagupa ng Jojo Binay-Vilma Santos tandem sa 2016 elections. Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, abala sa kanyang trabaho bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) si Roxas  at nabalitaan lang ng Palasyo ang paglutang ng Roxas-Aquino sa 2016 sa pitak na lumabas sa isang …

Read More »

DQ kay Erap resolbahin na (Giit sa Korte Suprema)

KAILANGAN ilabas na ng Korte Supema ang desisyon sa disqualification case laban kay Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada upang lubos na maipatupad ang mga repormang magpapaunlad sa lungsod. Ito ang panawagan sa Kataas-taasang Hukuman ng mga opisyal ng barangay at grupong sumusuporta kay Estrada. Naniniwala silang tanging ang pasya ng Korte Suprema sa disqualification case laban kay Estrada ang magbubura …

Read More »

Lolo’t lola natagpuang patay sa banyo

TADTAD ng pasa sa katawan at duguan ang mag-asawang matanda nang matagpuan ng kanilang 14-anyos apo sa loob ng banyo sa Mabuhay City Subdivision, Brgy. Mamatid, Cabuyao. Cabuyao, Laguna, kahapon ng madaling-araw. Sa report ng pulisya, ayon sa salaysay ng apo na hindi na pinangalanan, nagising siya sa lakas ng tulo ng tubig sa gripo sa banyo kaya tiningnan niya …

Read More »

5 araw ultimatum sa Meralco (February bill ipaliwanag)

LIMANG araw na ultimatum ang ibinigay ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa Manila Electric Company (Meralco) para ipaliwanag ang ibinigay nilang billing statement nitong Pebrero. Kinompirma ni Deputy Presidential Spokesman Abigail Valte, limang araw ang ibinibigay ng ERC sa Meralco para magpaliwanag. Una nang binatikos ng mga consumer ang hakbang ng Meralco na nagdulot ng kalituhan. Sinabi ni Valte, batay …

Read More »