Wednesday , October 5 2022

DQ kay Erap resolbahin na (Giit sa Korte Suprema)

030314_FRONT
KAILANGAN ilabas na ng Korte Supema ang desisyon sa disqualification case laban kay Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada upang lubos na maipatupad ang mga repormang magpapaunlad sa lungsod.

Ito ang panawagan sa Kataas-taasang Hukuman ng mga opisyal ng barangay at grupong sumusuporta kay Estrada.

Naniniwala silang tanging ang pasya ng Korte Suprema sa disqualification case laban kay Estrada ang magbubura sa ano mang agam-agam sa kanyang administrasyon sa Maynila lalo na’t may malalaking korporasyon at foreign investors ang nais maglagay o magpalawak ng kanilang negosyo sa siyudad.

“May mga businessmen na nag-aalinlangan na mag-invest sa Maynila , partikular kapag joint project sa City government dahil baka mapawalang-bisa lang ang mga kontratang papasukin nila kapag idineklarang disqualified candidate si Mayor Estrada ng Supreme Court,” himutok ng Estrada supporters.

Nagbabalak ang grupo na magmartsa sa harap ng Korte Suprema ano mang araw upang ipabatid ang kanilang pagkadesmaya sa mabagal na pagpapasya ng Kataas-taasang Hukuman sa usapin.

Magugunitang, noon pang Agosto 2013 isinumite ni Estrada ang kanyang kahilingan sa Supreme Court na ibasura ang petisyong inihain ni Atty. Alicia Vidal na nagnanais na idiskuwalipika siya bilang kandidatong alkalde sa Maynila dahil hinatulan siyang mabilanggo ng habambuhay ng Sandiganbayan sa kasong plunder noong 2007.

Giit ni Estrada, ang ipinagkaloob sa kanyang absolute pardon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2007 ay nagpahintulot na kumandidato siyang muli sa alin mang posisyon sa pamahalaan.

Ni J. MORENO

About hataw tabloid

Check Also

100422 Hataw Frontpage

Binangga ng SUV saka pinagbabaril riding-in tandem sa Las Piñas
BETERANONG BRODKASTER, KOLUMNISTA ITINUMBA

ni MANNY ALCALA PINAGBABARIL hanggang mapatay ang isang beteranong hard-hitting broadcaster at kolumnista sa diyaryo …

Bulacan Recuers Luksang Parangal

Pagkilala at pinansiyal na suporta bumuhos sa limang rescuers na nasawi sa Bulacan

BUMUHOS ang mga pagkilala at pinansiyal na suporta para sa mga bayaning tagapagligtas sa ginanap …

FRIENDSHIP route sticker las pinas

Sa Las Piñas
72-ORAS TRO PABOR SA ‘FRIENDSHIP ROUTE’ PINALAWIG NG KORTE

ISA PANG DAGOK sa bagong administrasyon ng BF Resort Village Homeowners Association, Inc. (BFRVHAI) ang …

Zasa Aliman Stone Hope Company Diesel

Oil importer dudulog sa Malacañang dahil sa pagbasura ng DOE sa kanilang aplikasyon

DUDULOG sa Office the President (OP) ang isang oil importer kaugnay sa hinalang pagbasura ng …

NBI

Tinapyas na budget ng NBI ibalik, laban vs cybercrimes paigtingin – solon

SA LAYUNING mapaigting ang laban ng bansa kontra insidente ng cybercrimes, kumilos si Senador Win …

Leave a Reply