Saturday , April 20 2024

Umali inarbor si Delfin Lee?

030914_FRONT

PAIIMBESTIGAHAN ng Malacañang ang ulat na tangkang pag-arbor ni Mindoro Gov. Alfonso Umali, sa negosyanteng  si Delfin Lee, matapos arestuhin ng Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes ng gabi.

Ayon kay Communications Secretary Hermino Coloma, Jr., kailangan makuha ang panig ni Umali at ng PNP hinggil sa insidente dahil ang detalyeng nakarating sa Palasyo ay mula sa mga ulat sa media.

“Aalamin po natin ‘yung mga konkretong kaganapan hinggil diyan sapagka’t sa kasalukuyan, ang atin pa lamang natutunghayan ay media reports. So, in fairness naman po kay Governor Umali, kailangan makuha po natin ‘yung panig niya at malaman din sa iba pang mga ulat, katulad ng Philippine National Police, kung ano talaga ang naging kaganapan niyan,” ani Coloma.

Nauna nang ibinulgar ni Vice President Jejomar Binay na isang maimpluwensiyang tao ang nagtangkang harangin ang pagdakip ng mga pulis kay Lee.

Ngunit ayon kay Umali, kilalang kaalyado ng Palasyo at treasurer ng Liberal Party (LP), tinawagan lang niya si PNP Chief Director General Alan Purisima bilang kaibigan ng abogado ni Lee na si Atty. Gilbert Repizo, at para ipabatid na ibinasura na ng Court of Appeals (CA) ang warrant of arrest laban  sa negosyante.

Ani Umali, hindi niya hiniling kay Purisima na palayain si Lee bagkus ay tinutulungan niya si Repizo na matanggap ang negosyante sa Witness Protection Program (WPP) pero wala siyang alam kung sino ang idadawit ng real estate magnate sa P7 billion scam sa Pag-IBIG Fund.

ni ROSE NOVENARIO

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *