Senglot nawalan ng tsinelas binti’t paa ng kapitbahay kinatay

ISANG 32-anyos lalaking lasing ang nakapiit at nahaharap sa kasong  frustrated murder matapos niyang katayin ang paa at binti ng isang kapitbahay na pinagbibintangan niyang nagnakaw ng kanyang tsinelas sa Malabon City,  kamakalawa ng gabi.

Hanggang sa loob ng himpilan ng pulisya ay hinahanap ng suspek na si Pablo Candido ang kanyang nawawalang tsinelas, matapos maaresto nang pagtatagain ang paa at  binti ng biktimang si Rosauro Quero, Sr., 53 anyos

Ang dalawa ay magkapitbahay sa Kaingin St., Brgy. Tinajeros.

Sa ulat ng pulisya, dakong 10:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa Kaingin St., nang makasalubong ng lasing na suspek ang biktima habang hinahanap ang kanyang tsinelas. Agad hinalihaw ng taga ni Candido ang biktima na ginagamot sa Pagamutang Bayan ng Malabon (PBM).

(rommel sales)