Thursday , December 19 2024

Breaking News

3 anak, 8 pa, 8-oras ini-hostage ng businessman at 2 kaanak

DAVAO CITY – Makaraan ang walong oras na hostage taking nasagip ang tatlong anak at walong empleyado mula sa may-ari ng insurance company at dalawang kaanak sa Times Beach Ecoland sa lungsod ng Davao. Naging matagumpay ang negosasyon ni Brgy. R. Castillo Agdao Chairman Mar Masanguid sa pangunahing suspek at may-ari ng insurance company na si Dennis Bandujo nang pakawalan …

Read More »

Pasingawan ng isda sumabog (Obrero kritikal 3 pa sugatan)

KRITIKAL ang kalagayan ng isang obrero habang tatlo pa niyang kasamahan ang sugatan nang sumabog ang pasingawan ng isda (steaming machine) sa loob ng isang fish processor sa Malabon City kamakalawa ng hapon. Ginagamot sa Manila Central University (MCU) Hospital si Joven Taylo, nasa hustong gulang, sanhi ng mga lapnos at tusok ng nabasag na bote sa kanyang katawan. Habang …

Read More »

Nataranta sa tsunami lola nadedbol

DEDBOL ang isang lola nang mahulog mula sa sinasakyang tricycle nang mataranta sa balitang magkakaroon ng tsunami sa Candelaria, Quezon kamakalawa. Barog ang ulo nang humampas sa kalsada ang biktimang si Julieta Pañoso, 64-anyos. Ayon sa anak ni Julieta, kumalat ang text message bandang 10 p.m. na may magaganap na tsunami sa Tayabas Bay kaya nataranta sila. Sakay ng tricycle …

Read More »

‘Tagapagmana’ ni Sir Paul McCartney

SUMIKAT din naman ang mga anak ni Sir Paul McCartney subalit napapanahon nang tumanyag ang tunay na tagapagmana ng batikang multi-instrumentalist ng The Beatles matapos mamataan ang panganay na apo na si Arthur Alistair Donald habang nagpa-party sa popular na Chiltern Firehouse. Natiyempohan ang 15-anyos na estudyante, anak ng retratistang si Mary McCartney, sa hottest bar and restaurant sa London …

Read More »

P1.6-B parking bldg., VP Binay & son Plunder sa Ombudsman (Pinakamagastos na gusali sa bansa)

SINAMPAHAN kahapon, Hulyo 22 ng P1.560 billion plunder case ang mag-amang sina Vice President Jejomar C. Binay at incumbent Makati City mayor Erwin Jejomar S. Binay at mga konsehal ng naturang siyudad sa Office of the Ombudsman dahil sa kaduda-dudang pagpapagawa ng Makati Parking building—itinuturing na most expensive parking unit sa buong bansa. Sa isang complaint affidavit na isinumite sa …

Read More »

2 estudyanteng kidnap victim pinatay, ina kritikal

KORONADAL CITY – Wala nang buhay nang matagpuan ang dalawang estudyante sa President Quirino, Sultan Kudarat makaraan dukutin sa Tantangan, South Cotabato. Ang mga biktimang sina Rey Pacipico alyas Kabal, 16, estudyante ng Tantangan Trade School, at Robert Mallet, 14, isang Filipino-British, estudyante ng Notre Dame of Marbel High School for Boys (IBED), ay unang ini-report na kinidnap noong Hulyo …

Read More »

2nd impeachment case vs PNoy inihain

INIHAIN ang pangalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Kamara de Representante. Ang kaso ay inihain ng grupo ng mga kabataan na Youth Act Now at inendoso ni Kabataan Party-list Rep. Terry Ridon. Inakusahan ng grupo si Aquino ng betraying public trust na anila’y lumabag sa 1987 Constitution bunsod ng kwestyonableng implementasyon ng Disbursement Acceleration Program …

Read More »

Trillanes ipinahihinto K to 12 program

PANSAMANTALANG ipinahihinto ni Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ang naka-ambang pagpapatupad ng K to 12 Program habang hindi pa naisasaayos ang kasalukuyang mga problema sa sistema ng edukasyon sa bansa, kasama na ang mga inaasahang problemang haharapin nito kapag ipinatupad sa 2016 “Mas makabubuti para sa ating bansa kung hindi muna ipatutupad ang K to 12 Program hangga’t hindi …

Read More »

Egypt exit point ng OFWs sa Libya (100 Pinoys pauwi na)

MAHIGIT 100 Filipino na nagtatarabaho sa Libya ang nakatakdang umuwi makaraan makipag-ugnayan sa embahada at hinihintay na lamang ang abiso para sa kanilang pag-alis. Sarado ang lahat ng paliparan sa Libya lalo na sa Tripoli kaya maglalakbay ‘by land’ ang OFWs mula sa Libya patungo sa Cairo, Egypt na kinaroroonan ang international airport upang makasakay sa eroplano pauwi sa Filipinas.  …

Read More »

Ulo ng grade 3 pupil pisak sa bato

PISAK ang ulo ng isang grade 3 pupil nang magulungan ng bato na 500 kilo ang bigat, sa San Juan, Ilocos Sur kamakalawa. Sinikap pang isugod sa ospital ang biktimang si Joseph Aquino III, 10-anyos, grade 3 pupil ng Barbar Elementary School, ng Brgy. San Juan, ngunit binawian ng buhay. Ayon sa pulisya, namimitas ng manzanitas at aratilis ang biktima …

Read More »

Pulis dyuminggel sarili nabaril

SAN FERNANDO CITY, La Union – Sugatan ang isang pulis makaraang aksidenteng mabaril ang sarili habang umiihi sa banyo ng police station kamakalawa. Kinilala ang biktimang si PO3 Armando Bautista, miyembro ng intelligence office ng San Fernando City Police Office. Ayon sa ulat, umihi si Bautista sa comfort room ng pulisya at isinukbit niya sa kanyang baywang ang baril na …

Read More »

Kanang kamay ni Umbra Kato ng BIFF, patay sa enkwentro

KINOMPIRMA ng Philippine Army 6th Infantry Division na isa sa mga namatay sa enkwentro ng militar at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ay ang kanang-kamay ni BIFF Commander Ameril Umbra Kato. Ayon kay 6th ID spokesperson Col. Dixon Hermoso, napatay ang kanang-kamay ni Kato nang makipaglaban sa mga sundalo sa bahagi ng Brgy. Ganta sa Shariff Saydona Mustpha at sa …

Read More »

77-anyos magsasaka nagbitay sa hirap ng buhay

NAGBIGTI ang isang 77-anyos magsasaka dahil sa matinding depresyon bunsod ng kahirapan sa Brgy. Poblacion, Bugallon, Pangasinan kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Domingo Navarro, residente ng AB Navato St., Poblacion. Ayon sa misis ng biktima na si Maria, bago ang insidente ay nakita niya ang kanyang mister na matamlay at nag-iisip nang malalim dahil paubos na …

Read More »

Impeachment vs PNoy inihain sa Kamara

  NAGTALI ng peach ribbon ang mga miyembro ng militanteng grupo sa gate ng House of Representatives sa Quezon City bilang suporta sa inihaing impeachment complaint laban kay Pangulong Benigno Aquino III bunsod ng pagpapatupad ng Disbursement Acceleration Program (DAP). (ALEX MENDOZA) INIHAIN na kahapon sa Kamara, partikular sa tanggapan ni House of Representatives Secretary General Marilyn Barua-Yap, ang kauna-unahang …

Read More »

Abortion pills nasabat sa NAIA

NASABAT ng grupo ni NAIA Customs police chief, Capt. Reggie Tuason at Customs Anti-illegal drug task force head Sherwin Andrada ang 24,000 cytotec tablets (abortion pills) sa isang Indian national na kinilalang si Mohanty Srikant sa NAIA T-1 mula Bangkok, Thailand lulan ng Thai Airways flight TG621 kahapon. (EDWIN ALCALA) TINATAYANG 24,000 Cytotec tablets ang nasabat ng Bureau of Customs …

Read More »

Serbisyo ng Meralco palpak -Trillanes

HINDI nakalampas sa pagbatikos ni Senador Antonio Trillanes IV ang palpak na serbisyo ng Manila Electric Company (Meralco). Ayon kay Trillanes, dapat nang i-take over at pakialaman ng pamahalaan ang pamamahala at pamamalakd sa Meralco. Inirekomenda rin ni Trillanes ang agarang pagpapalit sa pamunuan o nagpapatakbo ng Meralco sa kasalukuyan. Ayon kay Trillanes, sa kabila nang mahal na singil ng …

Read More »

World’s biggest arena ng INC binuksan na

BINATIKOS ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang kanyang mga kritiko sa kanyang pagdalo sa inagurasyon ng Ciudad de Victoria, partikular ang Philippine Arena ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa Bocaue, Bulacan kahapon. (JACK BURGOS) DINALUHAN ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kahapon ang inagurasyon ng Ciudad de Victoria, partikular ang Philippine Arena ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa Bocaue, …

Read More »

Trike driver nangisay sa ibabaw ng bebot

  PATAY ang isang tricycle driver nang atakehin sa puso habang nakikipagtalik sa isang babae sa loob ng isang motel sa Marikina City kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Marikina City Police chief, S/Supt. Vincent Calanoga ang biktimang si Nestor Cruz alyas Erning, 45, hiwalay sa asawa, at residente ng #7 M.H. Del Pilar St., Brgy. Calumpang ng nasabing lungsod. Sa …

Read More »

13-K Pinoy sa Libya sapilitang pinalilikas

SAPILITAN nang ipinalilikas ng pamahalaan ang mga Filipino na nasa Libya dahil sa lumalalang kalagayang panseguridad sa naturang bansa. Batay sa kalatas na ipinalabas ng Department of Foreign Affairs (DFA), itinaas na sa alert level 4 ang babala o katumbas ng mandatory evacuation para sa mga kababayan nating nasa Libya. Sa ilalim ng alert level 4, ang gobyerno ng Filipinas …

Read More »

Mag-anak todas sa sumalpok na trak

APAT na miyembro ng isang pamilya ang namatay nang banggain ng trak ang sinasakyang kotse sa Bacolor, Pampanga, iniulat kahapon. Kinilala ang mga namatay na sina Jesus Icban; asawang si Jennifer; anak na si John Clarence at biyenang si Norma Layug. Isinugod sa ospital ang dalawang-taon gulang na anak na si Jemril. Mamasyal sa mall ang mag-anak nang mangyari ang …

Read More »

P10-B DAP funds ginamit sa relokasyon

GINAMIT sa makabuluhang proyekto ng pamahalaang Aquino ang P10 billion DAP funds, partikular sa pagpapatayo ng bahay at pag-relocate sa informal settlers sa mas ligtas na tirahan mula sa danger zones. Ayon kay Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, kabilang sa mga proyekto na pinondohan ng DAP ay ang paglinis sa clogged waterways, pagpapatayo ng mga bahay sa relocation …

Read More »

12-anyos dalagita, sundalo utas sa boga ng basketbolista

TATLO katao kabilang ang isang retiradong sundalo at 12-anyos ang patay habang dalawa ang sugatan dahil sa pagtatalo sa larong basketball sa Tanza, Cavite. Kinilala ang mga namatay na sina Carlo Inocencio, 45, retiradong kagawad ng Philippine Marines, ng Blk. 12, Lot 19, Phase 1, Section 3, Belvedere Subdivision; Alyssa Deth Gutierez, 12, estudyante, at Reynaldo Enterio, 54, driver. Sugatan …

Read More »

Grade 4 pupil nalunod sa ‘kalakal’

LUMOBO ang tiyan at wala nang buhay ang isang 13-anyos na mangangalakal nang matagpuang lulutang-lutang sa Manila Harbour Center, Tondo, Maynila. Ang bangkay ay kinilala ni SPO1 Richard Limuco, na si Christian Cernal, grade 4 pupil sa General Vicente Lim Elementary School, at residente sa Riverside 1, North Harbor,Tondo, Maynila. Ayon kay lola Rosalea, 66, dakong 8:00 a.m., nang umalis …

Read More »